Pangatlong Pahina

5 1 0
                                    

Natapos narin ang madugong Taxation, ayon naisipan naman ng mga lalaki na maglaro muna ng DOTA kami namang mga babae ay di na sumama sa kanila di kasi kami mahilig sa ganun. Kumain lang kami sa McDo nagtake-out kami para sa boys at dinala sa PC Station, concern din naman kami kasi di sila gumagalaw kahit nagugutom na kapag nakapaglaro ng DOTA, dumiretso na kami ng uwi pagkatapos.

Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong maleta sa sala. 

"I'm Home!" malakas na bati ko, lumabas naman si Mommy at nagmano tsaka kiss ako.

"May surprise ako sayo!" sayang sabi nito.

"Ano po yun?" May biglang lumabas galing sa kusina, tumakbo ako at niyakap ito.

"Papa!" niyakap din ako ni Papa Xian at nasa likod nito si Daddy Jay-R. I think naguguluhan kayo. Si Papa Xianasis ang Biological Father ko, kapatid niya si Daddy Jay-R. Si Mommy Sappy at Daddy Jay-R ang Foster Parents ko. Iniwan ako ni Papa sa kanila since sa U.S. siya nagtatrabaho, ng mamatay ang Mama ko kapanganak sa akin. He was very devastated that he doubt himself if he can take care of me, kaya naman sila Mommy at Daddy na ang nagpalaki sa akin, I also have a brother kuya James na nasa U.S. din anak nila Daddy Jay-R and Mommy Sappy. Hindi naman ako pinagkaitan ng Foster Parents ko at Bilogical Father ko, pinaliwanag nila sa akin ang situation and I accepted it. 

"My Baby! You grow so beautiful like your Mama." may lungkot ang boses nito ng maalala si Mama, madalas lang umuwi si Papa Xian, Sa isang taon isa o dalawang beses lang siyang umuuwi dahil sa nature ng work niya.

"Kanina ka pa po ba?" kiniss niya ako sa forehead. 

"Kanina pa, balak sana kitang sunduin kaso sabi ng Daddy Jay-R mo isurprise ka raw namin, and I made something for you, come." tumungo kami sa kusina at may nakahanda ng pagkain.

"Wow! It's all my favorite!" Naglalaway ako sa mga pagkaing nakahain, may ginataang alimango, ginisang hipon, rice omelet at marami pa. "Did you prepare all of these?" niyakap ko sa Papa, Si Daddy at si Mommy.

"Akala ko nga scapel lang kayang hawakan ng Papa mo Ace... marunong na pala itong magluto." Natatawang sabi ni Daddy.

"Hey, cut it out... Ikaw talaga Jay-R, syempre nag-aral talaga akong magluto para sa Baby Girl ko na Big na pala." ginulo nito ang buhok ko.

"Pa!" inayos ko ang nagulo kong buhok. 

"If your Mama see how fine you grow Ace, she will be proud." nalungkot naman ako, nakikita ko lang si Mama sa pictures and magkamukhang-magkamukha talaga kami, kaya siguro masakit parin sa kanya kapag nakikita ako. He really loves my Mom, kahit na 18 Years na ang dumaan hindi na siya nag asawa ulit. I always told him na pwede naman siya magpakasal or mag girlfriend pero ayaw niya raw palitan ang Mama ko, because she gaves him daw a precious gift which is me.

"Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas, Xian?" tanong ni Mommy.

"Kahapon pa, I visited Alexandra before I came here." sabi nito. He visited my Mother's grave in Tagaytay, dun kasi siya inilibing it's my mother's wishes when she died.

Naparami ang kain ko, napakasarap kasi at favorite ko pa lahat, kami ni Mommy ang naghugas since sila Daddy at Papa daw ang nagluto. Pagkatapos ay umakyat na ako para makapagpunas narin, habang nag-uusap naman sila sa baba. Kakalabas ko lang ng banyo ng nagvibrate ang phone ko. I received a text from an unknown number.

From: Unknown Number

Hey (-__-) 

To: Unknown Number

hu u?

Sending Failed

Wrong timing naman at nagexpire na pala ang load ko, hindi na ako nagpaload at chinarge ko nalang ang phone ko bago natulog.

Mr. ANTIPATIKOWhere stories live. Discover now