Napatigil kami sa pag-uusap ng dumating ang second subject Teacher namin na si Ma'am Vanie, may chismiss dati na nanliligaw daw si sir Liam kay Ma'am akala nga namin totoo pero itinangi naman ito ni Ma'am Vanie, kaibingan lang sila ni sir. Hmmm... ang showbiz talaga nila.
"Class, umupo na kayo at magsismula na ang klase." Mabait ito si Ma'am pero napaka strict niya sa pagtuturo lalo na pagdating sa grades namin, Filipino naman tinuturo niya bakit daw kami babagsak, feeling niya daw bumagsak siya bilang teacher pag may isa sa amin bumagsak.
"Ang paksa natin ngayon ay Opinyon at Katotohanan, ano ba ang ibig sabihin ng dalawa?" Nagtaas naman ako ng kamay. "Sige, Ace."
"Ang Opinyon ay pagbibigay ng isang tao ng sarili niyang nalalaman o damdamin sa isang bagay, samantalang ang Katotohanan naman ay mga salitang maaaring mapatunayan kung totoo o hindi." Pagpapaliwanag ko.
"Tama, may iba pa ba? Sige, Ice." tinawag nito ang nagtaas ng kamay na si Ice.
"Ang Katotohanan at Opinyon ay may pagkakahawig, halimbawa, 'gwapo ako' maaari itong isang katotohanan o opinyon basi sa kung ano ang intensyon ng taong nagsabi nito." pagpapaliwanang nito.
"Pareho kayong tama, Ace sa halimbawa ni Ice kanina, ito ba ay opinyon o katotohanan?" Mapangtuksong tanong ni Ms. Vanie.
Nagsituksuhan naman mga kaklase namin, "Ano po, parang ano... k-katotohanan?" biglang uminit ata pisngi ko at lumakas pa ang tuksuhan.
Natawa naman si Ms. Vanie, "O tama na 'yan at baka kung saan pa tayo mapunta." tumahik naman ang mga kaklase ko pero itong katabi ko na si Auie ay parang ewan na sinisiko ako, nagpatuloy naman si Ms. Vanie sa pagtuturo,
"Ano ba?!" Mahina kong sita kay Auie.
"Paki check mo nga kung buo ka pa?" napatingin naman ako sa sarili ko.
"Bakit?"
Ngumuso ito sa kabilang direksiyon napatingin naman ako dun at nagkasalubong ang paningin namin ni Ice.
"Kanina pa siya nakatingin sayo, ayiiieeeee... akala ko matutunaw ka na e." tukso ulit nito. Binawi ko ang paningin ko sa kanya at umiling nalang.
" Makinig ka na nga, dami mo sinasabi." napapout nalang ito at bumalik kami sa pakikinig, tumingin ulit ako kay Ice at nakatingin parin ito sa akin pag katapos ay umiwas at nakatutok na kay Ms. Vanie, napailing nalang ako. Ano kaya trip nito?
Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell hudyat para sa break time. Oo, may break time kami kahit College na. Wala naman na kaming susunod na subject, alas 2 pa naman ang last subject namin at Taxation for 2 hours kaya tama lang ang mahaba-habang pahinga.
"Cafeteria tayo?" tanong ni Krystel habang nagliligpit ng gamit.
"Sure, nagugutom narin ako, nagiging makata ako dahil sa rule ni Ms. Vanie na no English during sa klase niya." segunda naman ni Aaron na nagpupulbo.
Nagsitayo naman na kami, lumapit naman sa akin ang mga lalaki. Habang naglalakad kami nakaakbay si Ichi boyfriend ni Krystel sa kanya, magkatabi naman si Kath at Fau, si Aaron at Ice naman ay magkatabi nasa unahan sila, habang katabi ko naman si Auie. Si Kyle kasi mamaya pa ang labasan nila kaya itong si Aaron si Ice na muna ang nilalandi naman siya pinapansin nito.Si Bryce at Lhai ayun at nag-uusap tungkol sa Clash of Clans.
Napatigil kami sa paglalakad ng may humarang sa daanan namin. Maganda ito, medyo may katangkaran at blonde ang kulay ng buhok, hinihila ito ng kasama para umalis.
"Ano naman kailangan mo huh, ibon?" Mataray na tanong ni Aaron.
So ito pala yung Yvonne, maganda ito at napakaamo ng mukha, mukha din itong mabait.
YOU ARE READING
Mr. ANTIPATIKO
Teen FictionAno mang pangalan, pangyayari, lugar, pribado o gobyernong ahensiya na nakapaloob sa kwento na may kaugnayan sa reyalidad ay hindi sinasadya ng may akda at ito ay nagkataon lamang. Ito po ay pawang kathang-isip lamang ng manunulat. cover credits to...