Chapter 04

7 2 0
                                    

Pinilit ko si Zac kung paano ba niya nalaman na favorite ko yon pero hindi niya sinabi, baka nga nakikita niya akong kumakain sa veranda. Mabilis kaming natapos kumain dahil nga nakita naming tumayo na sila kuya at palabas na sila, hindi nagtagal lumabas na din kami at pumunta sa sasakyan.

"Oh saan kayo galing?" Kuya asked.

"Kumain lang kuya, puno na kasi sa table niyo kanina kaya humiwalay nalang kami" I replied narinig ko din na pinatunog na ni Zac yung alarm ng sasakyan.

Nang makapasok na kami sa sasakyan hindi na ako ulit nakatulog inayos ko nalang ulit yung sarili ko sabi ni kuya malapit na raw kami ewan ko din kung nasaan na kami. Naamoy ko si Zac, bat ang bango?! Grabe naman 'to pinang papaligo ba niya yung pabango? Medyo lumapit ako sakanya kasi gusto kong amuyin kung siya ba talaga yon, hindi ko naman naamoy to kanina. Lumapit ako pero umusog siya.

"Wala ka bang space diyan? Kuya magpa ganyan ka nga onti" Tanong niya at syaka humarap kay Kuya Chuck

"Ano ba Zac wala na nga akong upuan dito, gusto mo na ba akong bumaba ha?!" pagalit na sigaw ni Kuya Chuck medyo na guilty tuloy ako.

"Kuya Chuck sorry sinabi ko kasi kay Zac umusog wala na palang space hehehehe" Awkward kong sabi habang tinitingnan ko siya.

"Okay lang Louisa, kanina pa kasi pausog nang pausog si Zac eh" he replied while glaring at Zac.

Si Kuya Chuck yung misteryoso sa grupo nila, tahimik lang siya pero kapag nagsalita laging may laman. Siya din yung pinaka matagkad sakanila, Hindi siya kaputian pero sa grupo siya yung pinaka nagwagwapuhan ko. Feeling ko din siya yung pinaka matured sa grupo.

Si Kuya Earnest naman ay maskulado at sa tingin ko siya ang pinaka maingay sakanila. Mukha siyang matured na laging sumasaway sa kanyang mga kasama pero mas mature paring tingnan si Kuya Chuck, Maputi si Kuya Earnest mabilis din siyang mamula kapag galing sa araw.

Sakanilang apat Kuya Eli is the tahimik one, he's actually cute, siya yung pinaka maputi sakanilang apat and maka height lang sila ni Kuya. Maligalig si Kuya Eli, yung tipong lahat nang gusto niyang gawin gagawin niya. Siya yung pinaka Cheerful sa grupo parang hindi nagiging malungkot.

Si Kuya Jack yung pinaka matangkad, may itsura din siya siguro kung cute si Kuya Eli mas cute si Kuya Jack dahil siguro sa dimples niya. Katamtaman lang din ang kulay ng kanyang balat siguro'y nasunog ito sa paglalaro ng basketball.

Hindi ko na napansin na huminto na pala ang aming sinasakyan na excite ako nang Makita kung nasaan kami nasa ENCHANTED KINGDOM!!! Oh my gosh, ang worth it nang byahe, akala ko talaga sa mall or what so ever lang kami pupunta I didn't see this coming.

Excited akong bumaba nang huminto ang engine ng sasakyan halos makalimutan ko nan a may mga kasama pala ako. Hindi man ako nakapunta sa beach I was really satisfied here, sana nga lang kasama naming sila yung Fam.

"Louisa, excited na excited ah ngayon ka lang ba nakapunta dito?" Kuya Eli asked.

"Sorry Kuya, excited lang hehehe first time eh" I replied happily.

"Wow Kuya Eli hiyang hiya naman ako sayo, ilang beses ka nang nakapunta dito pero para ka paring bata tuwig nasa amusement park tayo" Zac said and then they all laughed, kaya sumimangot nalang si Kuya Eli.

"Bakit ganyan ka ha Zac, dati lang ako yung kakampi mo ngayon si Louisa na hmmppp I'm tampo" sabi niya sa maarteng tono at talagang nag pout pa HAHAHAHAHA he's so cute.

"Arte mo diyan Kuya halika na nga" sabi ni Zac habang hila-hila si Kuya Eli sa Entrance.

Bago kami bumili ng ticket nag picture muna kami sa harap, may picture kaming lahat, yung lahat silang boys, meron din picture yung apat na mag trotropa, may nakuhanan din kaming dalawa dalawa, at syempre yung last is solo. Buti nalang may dalang camera si Zac, siguro ayon yung laman ng bag niya.

Buried MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon