Chapter 07

2 0 0
                                    

Ilang sandali lang nakarating na kami sa pool kung nasaan sila kuya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Zac nang sabihin niya yon pero feeling ko may sira na talaga sa ulo itong bestfriend ko. Naiintindihan ko naman siya minsan pero madalas siyang magulo, kung tatanungin niyo talaga ako kung bakit ako may gantong bestfriend hindi ko din alam so quiet nalang kayo.

"Ate Linda pwede bang pakitawag na nga po sila Zac sa taas" ani Kuya Chuck hindi nila namalayan ang aming pagdating dahil lahat sila nakatalikod.

"Yes mga Kuya? Miss niyo na po agad kami?" tanong ko naman kaya agad silang napalingon saamin ni Zac na papalapit sakanila.

"Hindi, masyado ka na kasi sinosolo ni Zac nagtatampo na ako" sabi naman ni Kuya Eli kaya napataas naman ang aking kilay "Ako lang dati yung paborito ni Zac ngayon hindi na ata" dagdag pa niya kaya nagsitawanan silang lahat.

"Anong paborito hindi kaya ikaw ang paborito ko" sabi naman ni Zac na para bang nangaasar.

"Hala, ang daya mo naman walang may favorite sakin dito" Kuya Eli replied and then he pouted.

"Kawawa naman si Kuya Eli, lika dito Kuya Eli ikaw nalang paborito ko" sabi ko naman habang bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat hindi siguro niya inexpect ang mga sinabi ko.

"Yes! Bahala kayo diyan sainyo na yang si Zac ayoko na sakanya, kay baby Louisa na'ko" masaya namang sabi ni Kuya Eli at syaka nilapitan ako para yakapin. Pero hindi pa siya nakakalapit nang tuluyan ay humarang na si Zac at syaka siya binatukan.

"Ikaw ha Kuya bawal ang yakap yakap dito kay bunso magagalit si Kuya Peter" sabi niya sabay tingin kay Kuya Peter na para bang hinihintay ang kanyang pagtango.

"Walang bawal Zac, parang kapatid na din nila yang si Louisa kaya okay lang" ani Kuya kaya naman sumimangot si Zac at tumabi para mabigyan nang daan si Kuya Eli.

Si Kuya Eli na ang nagging katabi ko habang nakatambay kami doon, naglaro kami nang truth or dare unang nature ay si Kuya Earnest.

"Truth or Dare" tanong ni Kuya Chuck nang nakangisi.

"Trurth pare, ayusin mo andito si Louisa baka masapak ka ni Peter diyan" ani niya.

"Luh, eto naman masyadong defensive tatanong ko lang naman kung bakit kayo nag break ni Crisha?" seryosong tanong ni Kuya Chuck natahimik naman silang lahat at tinuon ang pansin kay Kuya Earnest.

"Alam niyo kasi pre hindi lahat nang first relationship nagwowork may mga chance na akala mo siya na hanggang dulo pero hindi naman pala, kahit na gaano niyo kamahal yung isa't-isa maaaring maghiwalay parin kayo at mauwi sa wala" seryosong sambit niya naman.

"Awit, oh next na" Sabi ni Kuya Eli sabay paikot sa bottle at tumapat naman ito kay Kuya Chuck "Oh Chuck ikaw na, Truth or Dare" tanong pa niya.

"Syempre Truth muna, next round na yung dare" sabi ni Kuya Chuck "Oh game sinong magtatanong?" excited pa niyang sabi.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo si Kristine?" tanong ni Kuya habang naka ngisi, habang sila Kuya Eli, Kuya Jack, Kuya Earnest at si Zac naman ay naghalakhakan.

"Pre nakakarindi yon, ayoko sa maingay baka kapag tumahimik na siya may chance na kami" maikling sagot niya at syaka tumawa "Alam niyo huwag niyo ng ipaikot kung sino nalang yung last na nagtanong siya nalang yung susunod" suggestion naman niya.

Pumayag naman ang lahat habang naka simangot si Kuya Peter, si Kuya Jack naman yung next na nagtanong na ikinagulat naming lahat.

"Kung may manliligaw ba dito kay Louisa papayag ka?" tanong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buried MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon