NANDITO kami ngayon ng bestfriend ko sa Bataan upang mag relax dahil nakakastress na ang mundo sa Maynila.
Buti nga pumayag ang boss kong panot sa tatlong araw na pahinga, masyado akong subsob sa work.Tyaka pinag ipunan ko pa to ng bongga.Nagtratrabaho ako bilang isang proof reader sa isang publishing house.Hindi lang yan ang trabaho ko sumasideline din ako bilang online seller.Abugh mga te mahirap mabuhay sa pinas kaya dapat double kayod ka.
Ang nanay ko ay isang purong pilipino at ang tatay kong di ko nakita maski anino ng bata ako ay hapon.Hindi ko nga alam kung buhay pa yon.well mga te hayaan nyo na ang nawawala wag nyo ng hanapin.
"Solana san tayo susunod na pupunta?" Tanong ni Rina sakin.Kaibigan ko sya since ng High school.Sya ang buddy ko.
Katatapos lang namin mamasyal sa Bataan National Park.Located in Orani, about 40 minutes from the Bataan Highway, the Bataan National Park is the last remaining closed-canopy dipterocarp(Yakal-yamban) forest in the whole Central Luzon.
"Rina Vivero pwede ba kumain na muna tayo? mag 1 pm na oh" sabay lapit ko ng aking selpon sa kanyang pag mumukha para makita nya kung anong oras na.
Hyper kasi to sa galaan. Minsan nag sisisi pa ko bakit sya ang isinama ko.Ikalawang araw na namin sa bataan. Sa murang resort lang kami nanuluyan di namin afford sa Las Casas Filipinas de Acuzar.Hindi naman kasi ako galing sa mayaman na pamilya.
Humanap kami ng murang mapag kakainan.
Napag pasyahan namin kumain sa isang karinderya na ang mga luto ay lutong bataan."Solana, Ikaw na ang umorder pagod akes e" sabi ni Rina na nakaupo agad sa upuan.
Tignan motong babaeng to akala mo sya lang nag liwaliw sarap sakalin.Hello napagod din po ako parehas po tayong nag gagagala.
Turan ng aking isipan.Siningkitan ko sa ng mga mata ko.
"Sige na di mo nabako love ? sige na Solana" pabebeng wika nito sa akin.
"Rina,ikigakeru made kubi o osaete okitai"(Rina, I feel that I want to hold your neck until you can't breathe)nakatingin parin ako sa kanya ng masama habang binabanggit ang mga salitang iyon."Wag moko mahapon hapon jan Solana sige na bumili kana masama pag intayin ang pag kain no kaya bilhin mo na sila para makain natin"pag tataboy nito sakin.
Inirapan ko sya ng matindi bago umalis.
Umorder nako ng pagkain namin.
"Dalawang order po ng kanin tapos isang order po ng sinigang na binukaw at isa pong order ng bulanglang( bulanglang is pinakbet sa tagalog)"sambit ko.Yes I do research bago kami pumunta dito. ayoko naman na mukha kaming tanga diba ang sabi nga ni Drew,lamang ang may alam.
"Sige ineng ihahatid ko nalang ang order mo"sabi ng matandang babaeng kumuha ng order ko. Pumunta muna ako para umihi.Naghugas narin ako ng kamay.Alam nyo na bawal chumibog na dirty ang kamay hahaha.
Saktong pag labas ko ng banyo na may bumunggo sa aking likuran.Agad ako lumingon. Isang paslit ang bumungad sa akin.Meron itong hawak na librong makapal.
"P-pasenya na po ate"paghingi nito ng paumanhin."Camila naman ikaw bata sabi ko naman sayo itapon mo na yang libro.Puro walang kwenta naman ang laman na iyan!" sabi ng isang ginang na nasalikod ng bata.
"P-pero po ina, totoo po sila"pagpropotesta ng bata.
"Sinong totoo?"kunot noo kong tanong.
"Ang mga bathala at diwata daw iha totoo daw sila. pero likhang isip lamang ito ng aking anak"sabay tawa ng ina nito."Itapon mo na iyan Camila at bumalik kana sa ating bahay para matulog ka"utos nito.
"Per--"naputol ang sasabihin ng batang si Camila.Nang sumigaw ang ina nito.
"Tumigil ka! sundin moko!"
BINABASA MO ANG
Taiyō to hikari no kami (On-Going)
FantasySolana Hirano is a japanese-filipino who loves a greek mythologies. Then one day,she came to another dimension that all human beings and creatures she could not imagine would be true. Deities and gods she has just read in the book are now in her pr...