Kapitel 2

3 0 0
                                    


Hindi napigilan ni Gaile ang ngiti na umusbong sa kanyang mga labi. Nandito sila ngayon sa harapan ng gate ng Muller Academy, first day ng schoolyear. Yep, sila. Kasama niya ang bestfriend na si Audrey, ang uncle nito na si Kuya August, ang Ate Craze niya at syempre siya. Ang academy ay isang tagong private boarding school na para sa mayayaman. Hindi naman sila mayaman ng Ate Craze niya pero napunta sila rito dahil sa trabaho ng ate niya. Malapit lang sila sa Manila pero wala siyang alamag kung saan, ang Aresonia at ang mga kalapit na bayan lang naman kasi ang napuntahan niya. First time niyang makapunta ng malayo, 12 hours pa naman ang byahe by land galing sa Aresonia papunta sa Manila.

Wala naman talaga sa plano ang nangyayari, at hindi naman afford ng ate niya ang mapag-aral siya sa ganitong school, hindi naman sila mayaman. Kaso, nasibak kasi si Ate Craze sa dating tinatrabahuan nito na cashier sa isang maliit na pribadong kompanya sa bayan ng Aresonia, at may natanggap daw itong offer na maging sekretarya ng isa sa mga Muller, CEO ng financial company yata yun. Ni-refer daw siya roon ng COO ng Hart Industries, doon kasi nagtrabaho si Ate dati bilang sekretarya noong fresh grad pa siya. Kinuha naman ni ate ang alok na trabaho, since sponsored naman ang pag-aaral niya at ang matutuluyan nila, malaki rin ang sweldo.

At dahil interconnected ang bituka nila ng bestfriend niya na si Audrey, sinamahan siya nito at nagpa-enroll rin rito. Much to Tito Aurel's excitement. Kaya naman kasi ng mga Santillan na pag-aralin si Audrey rito sa MA, kahit nga sa ibang bansa mag-aral si Audrey ay kaya pa rin ng mga ito. Mayaman kasi ang mga Santillan, isa sila sa mga mayayamang pamilya sa Pilipinas. Hindi naman pumayag si Tito Aurel na walang kasama ang kanyang unica hija sa pagpunta nito sa Manila at pati na rin sa first day, kaya pinasamahan nito si Audrey kay Kuya August, ang nakababatang kapatid nito. Game namang sumama si Kuya August, paano eh bestfriend rin naman pala nito ang Ate Craze niya.

Nang pumasok na sila sa mismong academy ay namangha siya. Nalula siya sa mga buildings na animo mga palasyo galing pa sa Victorian era. Ang lawak pa ng field kahit na may grand stand na, may soccer field, basketball field, at kung anu-ano pa. May nadaanan rin silang nagk-construct ng building. Nakita niyang napapangiti si Kuya August, parang nag-eenjoy ng private joke. Napansin rin niya ang pagkamangha sa mukha ng ate niya.

"All this just for a woman he can't lay his hands on." Ani Kuya August na napatingin sa kanya. Napansin siguro nito na napatitig siya rito.

"Yet." Dugtong pa nito na iniwas ang tingin.

"I don't think so. If he did this for a woman, then she's not 'just' a woman." Nagkibit-balikat lang ito sa tinuran niya then muttered 'maybe'.

Ewan niya, hindi naman niya naintindihan ang sinabi nito, pinatulan niya pa rin.

NAPA-UBOB si Gaile sa upuan niya, 11 am pa lang pero nakatakdang lunch time ng sched niya. May klase pa siya mamayang 12, at free naman ulit siya sa 1. At sa kamalas-malasan, may klase pa ang  bestfriend niya. Kaya alone siyang magla-lunch sa cafeteria sa first day pa mismo ng school. Nakakainis pa dahil walang tumugmang oras na dalawa silang free na sabay, atleast ngayong araw.

Hindi bale, mag-iikot na lang siya sa field sa loob ng isang oras na free niya. Mamayang 1 na lang siya magla-lunch, nag-aalangang maging loner ang dating niya doon sa cafeteria.

Pero nang magtagal ay pinagsisihan niya lang rin ang desisyon niya. Kanina pa siyang naglalakad pero palaging garden ang kinahahantungan niya, umiikot lang yata siya. She just wasted her 30 mins circling around!

Ilang ulit na rin siyang umikot at napagod na siya kaya umupo na lang muna siya sa isa sa mga bench sa garden. Baka naman may dumaan na pwede niyang mapaghingan ng direksyon.

Hindi pa man siya nagtagal sa pagkakaupo ay may narinig siyang boses sa hindi kalayuan. She turned her head to see a girl na may kinakausap na taong nakahiga slash nakasandal sa isang puno, puno ng mangga actually. Lalaki yun at may librong nakapatong sa mukha kaya hindi niya nakikita ang mukha nito.

Napangiti siya sa sarili, ang bilis naman yatang matupad ang hiling niya. Paniguradong matatanong niya ang isa sa mga ito. Siguro ang babae, paano eh mukhang tulog (o natutulug-tulugan) at walang pakialam yung lalaki. May ngiti sa labi niyang pinuntahan ang direksyon ng dalawa. Malapit ng nawala ang composure niya nang magsimulang maglakad palayo ang babae.

"Teka lang, Miss!" Tawag niya rito. Paglingon nito ay nawala ang dapat friendlyng smile na nakaplaster sa kanyang mukha. Pano ba naman eh umiiyak lang naman yung babae?!

"What happened?" Tanong niya na sinagot lang ito ng iling na may simpleng ngiti sa labi.

"Can I help you with something?" Polite nitong pagche-change ng subject.

Umiling na lang siya rito at ngumiti ng matamis. "Sorry, I thought I knew you." Aniya rito.

Pagkaalis ng babae ay hinarap niya ang lalaking nakasandal slash nakahiga sa puno. Malamang itong lalaki ang nagpaiyak sa babae, he must have said something to make her cry. Pero wala na siya roon, it's none of her business.

But she could ask this guy for directions. Sana nga lang ay hindi siya nito balewalain. Binalewala nga nito yung magandang babae kanina eh.

"Uhm, excuse me, mister. Can I ask for directions?" Pa-english niyang tanong. Mukha kasing mga mayayaman ang mga studyante rito, baka hindi sanay managalog. Ang mga classmates nga niya ay puro English ang sinasabi.

"You want me to tour you around?" Malamig na tugon ng lalaki sa kanya na hindi pa rin kinukuha ang librong nakatakip sa mukha nito. Although his words are inviting, cold naman ang pagkakasabi nito, hinting that he really doesn't want to.

But she didn't even flinch at his voice. She was used to sarcastic and cold remarks.

"No, I was just gonna ask you for directions. I'm a first year and I got lost, and I think I'm gonna be late for my next class. I wasn't gonna disturb you if I have a choice. But you're the only one around, so..." Napatigil siya sa pagsasalita nang tumayo ito at namagpag. Kapagkuwa'y tumalikod ito at kinuha ang bag nito.

Napabuntong-hininga siya. Hindi dahil tinalikuran siya nito, kundi dahil...

Hanggang balikat lang siya nito?!

Napasinghap siya nang humarap ito sa kanya at nanlaki ang mga mata sa gulat nang matingnan ito ng mabuti.

Ang defined jawline nito, those lips, that aristocratic nose, and those heterochromatic eyes. She remembers them very much, those eyes that sear deep into her soul.

"Loki."

First and LastWhere stories live. Discover now