Kapitel 6

0 0 0
                                    

Gaile looked straight into Loki's eyes while the latter was playing with her hair.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Loki?"

Loki tucked a wayward strand of her hair around her ear. His grip on her waist tightened ngunit hindi ito nagsalita.

"Words, Loki. Give me your words."

"What do you want to hear?"

"Your honest words, Loki."

His hand that was stroking her hair grabbed a fistful and gently tugged so she could meet his gaze. His icy blue and emerald green eyes stared deep into hers.

"I want you back, fraulein. I really do."

LOKI'S words seem to repeat itself in Gaile's mind.

"I want you back, fraulein. I really do."

"I want you back, fraulein."

"I want you back."

"Aaaaahhhhhh!!! Bwesit ka talagang demonyong malandi!!!" Hindi niya napigilang sigaw at pinagbuntunan ang pagkain nasa kanyang harapan.

At dahil sa kanyang angking kabobohan, tumilamsik ang sabaw ng sinigang sa kanyang mukha. Napasigaw siya sa gigil na siyang nagpatawa naman kay Audrey na nasa hapag-kainan rin.

"Bwesit kang pagkain ka!!! Kampon ka ng demonyong yun!!! Ginigigil mo si ako!"

Sabado kasi ngayon at dahil may trabaho pa rin ang Ate Craze niya ay kina Audrey siya nananatili. Sa tingin nga niya ay kada Sabado na siya rito, ayaw kasi niyang mag-isa lang sa isang lugar. Lalo pa't babae siya.

"Ayan, focus kasi sa kung anong kinakain, hindi yung kung sinong gwapong parang bato."

She rolled her eyes at Audrey at hindi niya napigil ang sunod na lumabas sa bibig niya.

"Whatever. Ang pangit mo."

Tumawa na naman ulit si Audrey.

Pagkatapos manghilamos ay wala sa sariling napagawi ang tingin niya sa kalendaryo.

November  26.

Napangiwi siya ng mabasa ang nakasulat ngayong araw ng sabado. May gagawin pala akong cake ngayon.

"Audrey, maggrocery pala ako. Baka may gusto kang ipabili." Baling niya sa kaibigang katatapos lang kumain.

"Nah, I'm good."

Magmula nang makapasok si Gaile sa Muller Academy ay desidido siyang makatuto ng skills na maaari niyang ipampuhunan. Kaya naisipan niyang matutong magbake ng cakes. Gamit ang kanyang naipong allowance, bumili siya ng mga sangkap at nagpractice. Kalaunan, nang matuto siya ay tinutulungan na siya ng kanyang Ate Craze at ni Audrey sa pagpangalap ng customers. Sa ngayon ay mabibilang lamang sa mga daliri ng kanyang dalawang kamay ang kanyang naging customers. Gumagawa lang rin kasi siya kapag pre-ordered dahil na rin sa kanyang studies. At isa nga yaon ang gagawan niya ngayon.

Nang matapos makalap ang lahat ng sa tingin niya ay kakailanganin niya, akmang pupunta na siya sa counter para mabayaran ngunit may nakakuha ng atensyon niya.

Hindi ka kasali sa budget, eh. Sorry, Marshmallow-kun.

She walked to the counter with a heavy heart. Sa tingin nga niya ay kapansin-pansin ang bagal ng kanyang paglalakad.

Now that she's thinking about it, she's not the only one who loves marshmallows. Wiggles nga lang yung afford nila dati sa Aresonia.

Pang-apat siya sa linya nang may naglagay ng mga gamit at ilang pakete ng marshmallow sa cart niya.

"What the-" Naputol ang litanya sana niya nang makita si Loki sa gilid niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay at iginiya ang ulo sa cart niya, then said...

"Kunin mo." Aniya with warning in her voice.

"Ayaw."

Isa na lang talaga to'ng katukayo ng isang nordic god. Ang dami na talaga nitong atraso sa kanya!

Aba't! Kung makaasta, parang sa kanya to at siya ang magbabayad! May budget ako, you b-*tch!!

"Come on, it's not like you don't love marshmallows. Dinamihan ko na nga ng kuha, eh."

Napatikwas na naman ang kilay niya sa narinig mula rito. "Excuse me lang, ha? Sino bang nag-utos sa yo na ilagay yan sa cart ko? Sayo to? Ikaw magbabayad? Kapal mo."

"Kun-"

"Hep hep." Awat niya rito. "Huwag ka nang magsalita ulit baka mandilim ang paningin ko at masuntok kitang tukmol ka."

Thank goodness at pagkatapos nun ay tumahimik na ito. Pero nawiwindang pa rin ang sistema niya kasi palaging nakasunod sa kanya ang binata at kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang malapit na malapit ito sa kanya.

Sa wari niya'y napakatagal nilang makarating sa counter kahit na nga ba pang-apat lamang sila. Nang sa wakas ay makarating sa counter ay agad niyang nilapag ang mga pinili. She rolled her eyes nang makitang sa pagtulong ni Loki ay inuna talaga nitong ilapag ang marshmallows.

"That would be 3,108, ma'am."

Akmang kukuha na siya ng ilang libo nang maunahan siya ni Loki sa pagbigay ng card nito. She glared at him.

"Nakakabwiset ka talaga, alam mo yun?"

She faced the woman behind the counter, gave her a simple smile and muttered a 'thank you'.

Loki, who was now holding HER groceries, looked at her incredulously. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

"Akin na nga yan! Hindi yan sayo, oi!"

Inabot niya ang cellophane pero nilayo nito iyon sa kanya. Nang hindi pa rin umiimik. Ah! Bwiset ka!

Halos patakbo siyang naglalakad para lang makasabay siya rito. Ang laki naman kasi ng mga hakbang nito.

"Huy! Magsalita ka nga!"

Bigla itong huminto na ikinabangga niya sa likod nito. "Ano ba?!"

Nakahinto sila labas na ng grocery store. Medyo pinagtitinginan sila dahil napalakas ang sambit niya kanina. Nagulat siya nang pinagsalikop ni Loki ang kanilang mga palad at hinila siya sa kung saan.

"Make up your mind, will you, Gaile? Kani-kanina lang, gusto mo akong tumahimik, ngayon naman, pagsasalitain mo ako." Inis na sambit nito habang papalapit na sila sa parking lot.

Patuya niyang tinawanan. "At sinong nagsabing dapat sundin mo ako, ha? Magsalita ka kung gusto mo, basta ba sumagot ka pag tinatanong."

Narinig niya ang pagpapalatak nito habang hila pa rin siya. They stopped in front of a car. His?

"Get in."

"Ayoko nga. Ang pangit mo." Nakabusangot na sabi niya rito.

Sa huli ay nagpahatid na siya rito pauwi. She was silent on the whole ride, stubbornly ignoring Loki.

She asked him to stop sa kanto patungo sa bagong bahay nila ng ate niya.

"I can drive you to your house." Loki said matter-of-factly.

"Sure you can. But I don't want you to." Aniya saka akmang isasarado na ang pinto but she hesitated. Yet she still decided to close the door and leave without saying any word after that.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First and LastWhere stories live. Discover now