Kapitel 1

3 0 0
                                    

Lakad-takbo ang ginawa ni Gaile upang makaabot sa pinagdadarausan ng program. Nakikinita na niya ang auditorium, na siyang venue sa graduation ceremony ng mga Grade 12 students ng Aresonia High School, kung saan siya nag-aaral. Nahihirapan siyang tumakbo kasi naman naka-high heeled black shoes siya, naka-toga pa at naka-cap kaya mahirap para sa kanya. Pagkarating niya ay hinanap niya agad ang kanyang Ate Craze. Ito kasi ang escort niya sa gagawing, or should I say, ginagawang ceremony. Madali naman niya itong nahanap sapagkat nakalinya na ang mga ito. Kaagad niya itong dinaluhan.

"Tingnan mo yung adviser niyo, Gaile. Ang sama ng tingin niya sa direksyon natin." Anito na pabulong at kunwaring nakatingin sa stage para hindi mahalatang si Sir ang pinag-uusapan namin. Nilingon ko si Sir Santiago at nagpeace sign nang makitang tama si ate. Malamang galit ito dahil malapit na siyang malate, ayaw pa naman nitong  hindi naaayon ang lahat sa plano nito. Perfectionist kasi ito.

"Actually, kanina pa siya nakatingin sa akin." Patuloy ni Ate Craze na pabulong pa rin at kunwa'y wala lang.

"Masama ang tingin niya sa akin na para bang kakainin ako ng buhay. Hmp! Inggit lang siya sa kagandahan ko. Diba?" Tinaasan niya lang ito ng kilay nang lumingon ito sa kanya. Tumawa naman ito ng mala-demonyo. Pagkaraan ay nabulunan ito sa sariling laway kaya napatawa siya ng malakas, napahalakhak actually, at napatawa na rin ito kahit nahihirapan. Nakakahawa talaga ang kabaliwan.

Hindi sinasadyang napatingin siya uli sa teacher's table. Only this time, iba ang nakita niyang nakatitig sa ate niya. Napansin naman yata nito na may nakatitig rito kaya nilingon siya nito, nginitian then nag-wave ito sa kanya. She mouthed 'hala ka' to him and gestured, stucking out her index finger and waving it back and forth.

"Sinong binabalaan mo?"

Napalingon siya sa ate niya nang magtanong ito. "Ayun, oh." Sagot niya, pointing her index finger to the teacher's table.

"Tch. Kala ko kung sino." Anito na umirap, pumalatak pa ito pagkatapos. Wala na siyang magawa kundi umiling-iling. Bad blood talaga si ate kay Sir Brandon. Sa tuwing nagkikita ay palagi itong inaaway ni Ate Craze. Ewan na lang niya sa ate niyang baliw.

Si Sir Brandon Cordova ang temp na guro nila sa Statistics, bagong guro ito, second quarter na nila ito naging guro. Nagmaternity leave kasi ang dating guro nila sa Stats , mabuti na lang at madali lang silang nakahanap ng temp. Pero in that short period of time, naging close sila ni Sir Brandon, parang kapamilya na ang turing nito sa kanya. Pero kung gaano naman niya kagusto si Sir Brandon (as an individual), ganon naman ang pagkadisgusto ng ate niya rito. Palaging mainit ang ulo ni Ate Craze kay Sir. As for Kuya Brandon (he told me to call him that whenever wala kami sa school premises), parang sinasadya naman nitong inisin ang Ate Craze niya, yung tipong parang nagpapapansin.

Pero she quickly dismissed the idea kung naiisip niya. May girlfriend na kasi si Sir Brandon. Si Ma'am Hailey Martinez, ang junior high school teacher sa Math na subject. Bagay raw ang dalawa, maraming nagsasabi. But everytime she observes them together, napapansin niyang parang magkaibigan lang ang turingan ng mga ito, walang spark eh. Pero baka biased lang din siya dahil kinikilig siya sa idea ni Ate Craze at Sir Brandon. Para kasi itong mga protagonist sa isang romantic (cliche) movie.

Tumugtog na ang graduation march which is their cue to start marching - no, more like walking really. She's feeling jitters since siya yung naglelead. With Highest Honors kasi siya not to mention her surname is Alonzo, and she has the highest grades on their batch. Mabuti na lang at nagpaparticipate siya in every class discussion kahit na hindi niya feel ang maggarner ng attention. On time rin siyang nagpapasa ng projects or assignments, also maaasahan din siya sa gardening at cleaning. Kapag public school sa isang baranggay ng isa sa mga tagong parte ng mundo, wala talagang pinapasweldong janitor o gardener, kahit guard nga sa gate wala eh. Pero may mga baranggay tanod naman na nagbabantay, although hindi rin sila ganoon ka higpit. Kaya inaasahang silang mga estudyante ang magmaintain ng kalinisan at disiplina para maganda ang background ng school. Okay lang rin naman dahil kokonti lang naman ang talagang pasaway, at saka sanay naman ang karamihan sa kanila ang mag-alaga at magmaintain ng tanim. Kokonti lang din naman kasi sa kanila ang mayaman na afford ang pagpapasweldo ng gardener sa kanilang mga bahay. Tumutulong rin ang kani-kanilang mga adviser sa pagpapalago ng mga tanim at tinuturuan rin sila. Kailangan rin na sila ang gumawa ng mga gawaing ito dahil libre rin naman ang pag-aaral nila. Ang tanging nagagasta nila rito sa eskwelahang ito ay ang pagkain at sa projects. Maliit lang kung tutuusin ang ginagasta dahil ang mga projects naman na binibigay ay sinisiguradong hindi nagre-require ng maraming gastos, maraming effort nga lang.

Nang oras na na magbigay siya ng speech ay hindi niya napigilan ang luha. Sa kalagitnaan ng speech niya ay tumulo ang luha niya. Pagkatapos ng speech niya, kahit hindi pa tapos ang program ay nagkumpulan na silang lahat para sa group hug. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga alaala nila sa kanyang balintataw. Sila kasing magb-batch ay simula pa lang ng high school ay magkaklase na. Their bond was forged on those six long years they spent together. Sila ang batch na nagkakasundo na mag-absent ang lahat para wala ng klase, ang batch na sama-sama ang lahat na pumunta sa faculty room para humingi ng extension ng deadline sa projects. Yung batch na nagkakasundong tuksuhin ang isang iyakin na kaklase. Ang batch namin ang patunay na ang pagkakaibigan ay hindi nawawala kahit na magkalayo. Hindi naman kasi lahat sila ay pareho ng strand na kinuha, hindi lahat sila ang nanatili rito sa Aresonia High School. Pero kahit ganoon, may time pa rin sila na magget together paminsan-minsan, kadalasan ay magv-video call sila at magkukumpulan ang buong klase para lang makausap ang dating mga kaklase na nasa ibang school na nag-aaral.

Even with tears in her eyes, a smile managed to creep its way to her face. Yeah, they will never lose each other, they will always find a way to catch up.

"Hala, naloka na yata si Gaile!"

Napagawi naman sa kanya halos lahat ng mga kaklase nila. Umiling lang siya sa mga ito at ngumiti ng matamis. They resumed their seats afterwards.

Ganoon talaga ang batch nila, kumbaga ang problema ng isa ay problema ng lahat. At isa lang naman ang solusyon sa lahat ng problema, inuman!

Hahahaha!! Charot lang yung last part. Although minsan, nagkakayayaan sila, hindi naman lahat ang umiinom. Mayroong iba na pro, may iba rin na lightweight. The lightweights include her bestfriend since childhood, Audrey Santillan na nasa tabi niya ngayon na umiiyak rin with matching singhot pa. Gaile nudged her sideways, playfully. The latter nudged her sideways too but this time with a smile on her face.

First and LastWhere stories live. Discover now