Kapitel 5

2 0 0
                                    

Nags-scribble ng notes si Gaile sa kanyang study table nang marinig niyang bumukas ang pintuan. Alam niyang ang roommate niyang si Gaile yun kaya hindi na siya nag-abala pang lumingon. Malamang ay sinundan siya nito matapos niyang magwalk out.

"Ang drama mo, besh. May pawalk out ka pang nalalaman."

She fought the urge to roll her eyes no matter how badly she wanted to. After all these years, hindi pa rin niya kayang kontrolin ang habit niya.

"I just want to avoid him. And at the same time, hinting that I don't want him to come near me again."

And leave me. Again.

She bit her lip when she felt her eyes watering. Ang dami ng luhang sinayang niya. She can't afford to waste any more.

"Ang drama mo talaga, besh. Halata namang hinahanap mo pa rin ang prescence niya. Bakit ayaw mong maging straightforward at sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman mo?"

"I already did, besh. Ikaw yung drama jan. Or should I say, naghahanap ng drama." Angil niya rito.

"Basta sinabihan na kita, besh."

"Wala ka na bang klase?" Tanong niya rito, changing the topic.

Ang katotohanan pala, pinuntahan lang siya ng gaga para sermonan. May klase pa pala ito, unlike her na wala na. Pasaway talaga.

"Isusumbong kita kay Kirk, besh."

Aniya sa kaibigan habang binabagtas nila ang daan patungo sa College of Medicine. Patungo sila sa Nursing Department para sa klase ng kaibigan.

Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. "At bakit mo naman ako isusumbong sa kanya, aber? At bakit siya ang susumbungan mo?"

"Well, siya ang pinakamalapit na authority sayo eh. At pasaway ka na, ilang araw ka ng nags-skip ng classes mo para makasabay kami ng lunch. Tingnan lang natin kung hindi ka malalagot dun."

"Okay lang na man yan, I know how to handle him."

She had to roll her eyes heavenward sa sinabi nito. Audrey grew up surrounded by guys, so baka na man marunong ngang tumakas ang gaga. Kahit nga ang mga tito at mga pinsan nito ay hindi kaya ang tenacity ni Audrey. But, Kirk is a tough nut to crack.

"Wanna bet?" Anyaya niya rito. They do bets sometimes but the consequences are usually dares.

"You wanna get smart with me." Audrey chuckled at that. "Okay, I'll play along. Do be prepared for your consequence, darling." Anito na nakataas pa ang isang kilay.

"If I were you, I wouldn't be so haughty. Tingnan na lang natin kung sinong mananalo." Binuntutan niya pa ng evil laugh.

"Ano yan, script? Para kayong sasali sa Drama club niyan, ah?"

"Bakit, por que't nagddrama acting agad? Hindi ba pwedeng natural na oa lang?"

Tinapunan niya ng weird na look si Audrey. Nuh sinasabi neto?

"Sabagay, oa naman talaga kayo."

She struck a blow on his side with her elbow, pero hindi man lang ininda nito. Instead, he placed his arm on her shoulder. Kinindatan pa siya ng hudyo.

Mori Schaffhausen is Bassjacker's synthesizer. Ito ang chill at sa tingin niya ay ang pinakareasonable na miyembro ng banda, ito rin ang pinakaclose niya sa lahat ng miyembro. Playful rin ito at may pagkamalandi at yun ang unang naging rason sa closeness nila. Ito rin iyong tipong may say sa lahat ng bagay, kaya super close niya ito.

"Naligaw ka yata rito, Gaile." Anito, changing the topic.

Malayo-layo kasi ang College of Business and Accounting rito sa College of Judicial Affairs na sunod lang ng College of Medicine. PolSci kasi ang kurso na kinuha ni Mori kaya malamang nandito ito ngayon.

First and LastWhere stories live. Discover now