"Ahh shit." Natumba ako ng biglang may bumangga sa aking isang babae nahulog pa ang cellphone ko at kung minamalas nga naman agad nabasag ang screen nito hays.
"Ano ba? Bulag kaba? Ang laki laki ng daan tas dimo ako nakita??" Pasigaw kong tanong sa kanya. Siya nama'y busy sa pag aayos ng mga libro niya na nahulog dahil sa pagbangga niya.
Tumingin siya saakin ng makatayo na kaming dalawa. Nagulat ako ng makita ko ang anak ng amo ng mama ko.
"IKAWW??!"
"Ikaw nanaman?!" Napatingin siya sa akin
"Ikaw natong nakabangga sa akin tapos ako pang sasabihan mo ng bulag eh ikaw nga tong sa cellphone nakatingin tapos ako yung sisisihin mo?" Tumaray pa siya at tumingin sa kanang bahagi ng library kung saan nakaupo ang mga estudyante na abalang nag babasa ng mga libro para siyang may hinahanap sa itsura niya atsaka ngumiti ng makita niya ang hinahanap niya.
"Ikaw nga yung bumangga sa akin miss iris" Agad siyang napatingin ulit saakin nang bigla akong magsalita.
"Ikaw nga kase yon! Nakatingin ka dyan sa bwiset mong cellphone kaya dimo nakitang may tao na sa harap mo ayan tuloy nabasag" Nagsisigawan na kami dito sa library kaya sinita na kami ng librarian na umalis na kaming dalawa dahil kung hindi ay maguguidance kami.
"Hayst! Bahala ka na nga dyan" Tumalikod naman siya sa akin at agad naglakad paalis ng pinto napatulala naman ako habang nakatingin sa kanya na palayo na ng palayo sa library.
-----------------------------------------------------------
Written by: GelGelTheUnicorn
YOU ARE READING
Life is just a game (On Going)
Fiksi RemajaLife is just a game, Minsan mananalo minsan nama'y matatalo, Swerte at Malas sa madaling salita hindi mo alam kung maganda ba yung mangyayari o hindi mo magugustuhan pero kahit ano mang mangyari ipagpatuloy mo dahil sa huli makukuha morin ang premyo...