Pagkatapos nung eksenang "You're beautiful" kanina ay hindi na ko natigilan sa pag ngiti hanggang sa makauwe ako ng bahay .
"Nak,halika kaen na tayo" tawag saken ni tatay .
"Mamaya na po ako ta , busog na po ako" Sagot ko habang nakangiti .
"Aba anak, alam kong pagod ka kailangan mong kumaen . Ano bang kinaen mo at nabusog ka?"
"Yung "you're beautiful" tay" Sinabe ko yun ng kinikilig at umakyat na papuntang kwarto ko .
"Ano ba naman yung anak mo ricardo? Nakakapanghinala na talaga eh"
"Sa tagal ko dito sa lugar naten at sa pauulit ulit kong pag libot sa lugar nato , wala pa naman akong nakakaen na pagkaen na ang pangalan ay you're beautiful"
"Naku ricardo ! Hindi kaya nag aadik na ang anak naten? Jusmiyo"
Hindi ko nalang pinansin ang usapan ng mga magulang ko at patuloy na gumulong gulong sa kama hanggang sa makatulog ako ng may ngiti . Haha May landing di ko inakala .
Kinubukasan ay masaya na naman akong gumising , Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at umalis na ng bahay . Eggzoited eh :) Pagkapasok ko ay ang aliwalas ng paligid . Binati ko na ang aking apat na kaibigan at nakipag kwentuhan sa kanila . Nagtatanong sila tungkol sa nangyare kahapon dahil napansin daw nila na nag uusap kame ni Miggy kaya nauna na daw sila . Pagkatapos ko ikwento ay kilig na kilig ang mga loka ! Haha Palibhasa pare parehas kameng sawi sa pag ibig kaya kinikilig nalang kame sa love story ng iba
"Yieeee,Grabe talaga si Miggy , kung hindi mo lang gusto yan chloe kahit ako na ang manligaw jan eh" sabay tawa ni trissy .
"GAGA! Ang akin ay akin , wag mong subukan agawin kung ano ang pag aari ko" banta ko .
"Hahaha!Taray, sang pelikula galing yan? Level-Up ka na chloe , Marunong na magbanta si gaga oh , Aba'y tao na!" Pang asar ni shia .
"Basta,Masaya lang ako" nakangiti kong sabe.
Natapos ang buong klase namen ng mapayapa , Ang ayos ayos . Parang may iba eh , hindi ko alam kung ano basta parang may Iba . Nilibot ko ang mata ko at nakita si Audrey na nakikipag usap kay sheena , at nung nagkatinginan kame ay parang may lungkot sa mga mata niya . Yun pala yung iba , Buong araw akong hindi pinansin at pinag tripan ni Audrey . Hayyy,ang saya saya talaga sana araw araw nalang ganito :) habang naglalakad kameng lima palabas ay may lumapit sa harapan namen , Si audrey at si Sheena . Panshit talaga ! Panshit ! Akala ko pa naman matatapos ng maayos ang araw ko , well Chloe wag mong asahan yan sa Isang Audrey Sy . Hindi yan masaya ng hindi ka nabwibwisit . May hawak si Audrey na pink box , Umiwas kame sa kanila dahil alam na naman namen ang mga susunod na mangyayare .
"Chloe" rinig na rinig kong tawag saken ni Audrey . Bago to ah ! Hindi niya sinigaw ang pangalan ko gaya ng nakasanayan ko . Hindi kame lumingon pero huminto kame .
"Halika na Chloe , Alam naman natin kung ano ang mangyayari" Pag aaya ni Shia . Akmang maglalakad na kame ng magsalita ulit si Audrey .
"Chloe,gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sayo. I know you can't forgive me easily but I'm willing to wait . I'm trying my best to correct all my mistakes Chloe , And I know sayo ko dapat umpisahan yung pagbabagong gusto ko . I'm tired . I'm sorry" parang nabingi ako sa mga sinabe ni Audrey . Hindi ko inaasahan na lulunukin niya ang pride niya at hihingi ng tawad saken . Ngayon naniniwala na ko sa quotes na "Expect the Unexpected" because she is doing the Impossible . Naalala ko lahat ng ginawa niya saken simula nung 1st year highschool palang kame. Pero handa kong kalimutan yun lahat . Kaya lang masakit talaga eh parang hindi ko pa kayang patawarin siya Lumingon ako sa kanya at nakita siyang may luha sa mata , Okay Luha lang pala eh . Hindi niyan mababago lahat ng sakit ng binigay niya . WAIT ! WHAT??? A TEARS?? Holy Crap ! Kelan pa natutong umiyak tong si Audrey , sa nakita ko ay parang lumambot ang puso ko .
"Audrey,alam mo kung gano kasakit saken lahat ng ginawa mo simula palang nung pumasok ako sa eskwelahan na to . Bukod sa mga boring na prof , nakakalitong lesson at magugulong kaklase ay ikaw ang isa sa nagpahirap sa buhay ko dito . Pero hindi naman matigas ang puso ko para hindi ka patawarin since may mga pagkakataong naging mabait ka rin nmn saken yun nga lang bilang sa isa kong kamay yun . Sana lang audrey , wag mo ng ulitin parang awa mo na" nanginginig kong sabe dahil naiiyak na talaga ako .
"I know chloe , You're very kind . Thank you for another chance , thank you chloe . Ito nga at nag bake ako ng Cake para sayo eh , I'm looking forward na maging close kita. Siguro all this time naiinggit lang ako sayo kaya ko yun nagagawa. I'm really sorry Chloe" Iniabot niya saken yung pink box nagpasalamat ako , at laking gulat ko ng niyakap niya ko . Siguro talagang nagsisisi na siya . Umalis na siya habang naka ngiti .
Gusto niyo bang malaman kung ano at gaano kasarap ang laman ng pink box? Well , Wait for my next update godbless , Siao ❤