Excited akong gumising ng maaga dahil ito ang unang araw na papasok ako bilang isang 4th year highschool . Sa dame ng pinaghirapan ko , isang taon nalang at maiiwanan ko na ang Academy of St.Martin . Maraming masasaya at masasakit na alaala ang meron ako sa eskwelahang ito , Simula nung pumasok ako dito ay hindi na ko tinigilan ng mga "bullies" , hindi ko alam kong anong meron saken at trip na trip nilang pag tripan ang buhay ko . Minsan nga feeling ko ang ganda ganda ko dahil pinag aagawan ako ng mga bullies , Nagtatalo talo sila kung sino ang makakasira ng araw araw ko sa eskwelahan na yun. (Tss , Hirap maging famous ! Haha) Bumaba na ko ng kwarto ko at pumunta na ng kusina para mag agahan .
"Magandang buhay nanay , Magandang buhay tatay" masayang bati ko sa mga magulang ko .
"Maganda ata gising ng prinsesa namen ngayon ah" sabe ni nanay .
"Shempre naman po , namiss ko kayang mag aral. Haha"
"Halika na at kumaen ka na , Anak may sasabihin nga pala ako sayo" sabe ni Nana ( nana ang tawag ko kay nanay)
"Nana,ayokong marinig yan, Hindi ko inaasahan na mangyayare tong araw na to , na magagawa mo samen to!"
"Anak , ano bang pinagsasasabe mo?" Naguguluhang tanong ni nana .
"Alam ko naman Na eh !"
"Anak ano ba ! Ang sasabihin ko lang naman ay .."
"NAY ! Tama na ! Akala ko ba kame lang? Akala ko .." naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si nana .
"Nak ang OA mo naman ! Maglalaba lang ako sa kapit bahay!"
"Ah ganun ba? Hindi mo naman agad sinabe na eh"
"Makakasagot pa ba ko eh ang tulin niyang bunganga mo, aalis na ko . Mag iingat ka" Palabas na si nana ngunit may sinabe pa ito .
"Nak,Iwas iwasan mo na ang panunuod ng Drama series . Nababaliw ka na" at tuluyan ng umalis . Yan siguro ang dahilan kung bakit ako trip ng mga tao , dahil sa pagiging OA ko . Eh ano bang problema sa panunuod ng mga drama series? Sabe nila weird daw ako , tss hindi lang sila marunong mag appreciate ng Filipino movies eh . Tinapos ko na ang pagkaen ko at nagpaalam na kay tatay para makaalis na ng bahay .
-SCHOOL
Masigla akong pumasok ng eskwelahan at pumunta sa classroom na papasukan ko sa loob ng isang taon . Pagpasok ko ay nakita ko na sina Shia , Cassy , Yassy at Trissy na nagkukumpulan at parang may sariling mundo . Lumapit ako sa kanila at ito ang naabutan kong eksena .
"Nanjan na ba si Chloe?" Tanong ni Cassy .
"Oo nanjan na , umpisahan na naten" nagbubulungan sila pero rinig na rinig ko naman . Tumayo si Cassy at Yassy , at ganito ang nangyare .
"Ate please , mamamatay ako pag inagaw mo saken si Chloe" sabe ni Cassy with matching paawa face .
"Ipalilibing kita" seryosong sabe ni yassy .
"Ate , please" akmang paiyak na si cassy . Bigla naman natahimik si yassy at parang naguguluhan na kung ano ang sunod niyang sasabihin . Nung mga 2 minuto na itong nakatunganga ay may kinuha siyang maliit na papel sa bulsa niya at binasa ito .
"Halos mamatay narin ako nung inagaw mo saken si Chloe Cassy , ngayong nakuha ko na siya ulit . Ikaw naman ang mamamatay"
"Okay Cut ! Good take!" Sabay tayo ni Shia ,Sabay sabay na silang tumawa at napapangiti narin ako , Pare-parehas kameng mahilig manuod ng mga tagalog movies at series . Kaya ito ang naging epekto .
"Nagustuhan mo ba ha Chloe? Kagabe pa nmen pina practice yun ni Cassy eh" Sabay lapit nung dalawa saken .
"Wala parin pala tayong pagbabago, hahaha" Tumawa lang kame ng tuwama , hanggang sa ..
"Oh nandito na pala ang "The weirdo's" ang aga aga naghahasik kayo ng kabaliwan" yan si Audrey Sy , Dakilang haters nameng lima . Nangunguna yan basta usapang "pang aapi" lumapit siya samen kasama ang kanyang masugid na tagasuporta/alalay/best friend niyang Si Sheena Ram .
"What's with the outfit ha Ranillo?" Natatawang sabe niya , napatingin naman ako sa suot ko . Maluwag na pang taas , mahabang palda , Black Shoes And White Socks .
"hahahaha, Manang !" Sigaw ni Audrey sabay punta sa pwesto kung saan siya nakaupo . Ibang klase talaga yun , Unang araw eh hindi man lang ako pinalampas .
"Hayaan mo na yang mga babaeng pinaglihi sa Christmas tree Chloe" sabe ni Shia , Christmas tree ang tawag namen sa kanila dahil kung ano anong bagay ang nakasukbit sa kanila , Mahahabang hikaw , Necklace , Bracelet at mga ipinagmamalaki nilang Bag .
"Sanay na ko" sabay upo ko at parang walang nangyare . Sa aming lima ako ang pinaka trip nila dahil manang daw ako . Hindi naman pagiging manang ang ginagawa ko , Ito ang tinatawag na "Decent" disenteng pananamit ! Sa aming lima kase ako lang yung hirap sa buhay dahil nga pumasok ako sa mamahaling eskwelahan ay mayayaman din ang naging mga kaibigan ko , nakakapasok lang nmn ako dito dahil sa Full Scholarship na natatanggap ko sa sponsor ko na may ari din ng eskwelahang ito . Unti unti ng nagsidatingan ang Classmates ko pero isa lang ang bukod tanging napansin ko , ang pagpasok ng Prince Charming ko , Si Miggy Santiago . Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko tong taong to , Opposite's attract nga sabe nila . Hindi siya matalino , Hindi siya active . Pero napapansin ko siya dahil mabait siya . Prinsipe ng school itong si Miggy , Karamihan sa mga babae dito gusto siya , Halos lahat naman ng gusto ng isang babae nasa kanya na eh , yun nga lang hindi siya nag aayos ng pag aaral niya . Saktuhan namang tinititigan ko siya ay ang dating ng prof namen .
"Okay , goodmorning Class . This is Ms.Lorraine Sinco, Your class adviser for the whole school year . Alam ko na you already know each other since block section kayo . Since this is our first meeting hindi muna ko magtuturo , magkakaroon tayo ng activity next meeting so be prepared . But for now , You may all go" yun lang ang sinabe ni Ms.Sinco at lumabas na ng Classroom . Ito ang maganda sa First day eh , Haha Isa Isa ng nagsilabasan ang mga kaklase ko . Habang nag aayos ako ng gamit ko ay may nalaglag na panyo sa harapan ko , Tumingala ako at napansin kong si Miggy nalang at ako ang naiwan sa Classroom . Agad kong pinulot yung panyo at inihabol sa kanya ,
"MIGGY!!" Sigaw ko , agad naman siyang lumingon .
"Panyo mo , Nalaglag mo kase" sabay abot sa kanya ng panyo niya .
"Oh , thanks" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na ko . Pero hindi pa pala siya tapos sa sasabihin niya .
"You're always beautiful CeeGee (Ceegee means Chloe Grace) Don't mind them" ang mga salitang yun ang isa sa nakakapag patibok ng mabilis sa malandi kong puso , Ang bait niya saken sa kabila ng mga sinasabe ng ibang tao saken ay hindi parin siya naniwala . Hindi niya ipinapakita na concerned siya saken but deep inside , he is . Lumabas ako ng Classroom ng mga malapad na ngiti sa labi ❤ .