Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si mama at ang tatlo kong kapatid na lalaki na parang may pinagkakaguluhan sa may TV. Napakunot-noo ako at saka nilapitan sila. Itinuloy ko ang pagpupunas ko ng buhok gamit ang tuwalya.
"Anong tinitingnan n'yo diyan?" Takang tanong ko.
Sabay-sabay silang napalingon sa akin at saka naglayo. Doon ko nakita na ang cellphone na pinahiram sa akin ni Averie ang tinitingnan nila kanina.
"Rumaraket ka para makabili ng luho mo? Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay, Simone." Sabi ni mama at nakapamewang pa.
"Ha?"
"Magkano bili mo dito?" Tanong ni Kuya Seth sa akin habang tinitingnan ang cellphone na naka-charge.
"Ate, palaro ako niyan mamaya ah." Sabi naman ni junior.
"Hindi! Pinahiram sa'kin 'to ni Averie para may communication kami ng mga ka-banda ko at para madali nila akong mahagilap. Hindi para maging laruan mo." Sabi ko sa kapatid ko.
"Ano ba 'yan! Damot mo naman, ate." Junior scratched his head.
"Ganun ba? Akala ko inuuna mo ang luho kaysa sa mga totoong kailangan mo. Magtapos ka muna bago magpundar sa ganyang mga bagay, Simone." Paalala ni mama.
"Opo, 'ma. Alam ko naman 'yun. Akin na 'yan, papasok na 'ko." Sabi ko at kinuha mula kay Kuya Seth ang cellphone.
"Kapag may pinahiram ulit ang kaibigan mo, sa'kin mo naman ibigay ah." Pahabol na sabi ni Kuya Seth.
Umirap ako. "Para kang tanga, kuya. Nakakahiya. Sige na, aalis na 'ko."
Paglabas ko ng bahay ay mabilis akong naglakad papunta sa pila ng tricycle. Mabuti na lang at hindi na masyadong mahaba ang pila dahil pasado alas nwebe na ng umaga. Mahaba kasi ang pila dito sa tricycle mula 6 AM hanggang 8 AM dahil 'yun naman talaga ang usual na umpisa ng klase at mga trabaho, kaya dagsa ng mga pasahero dito kapag ganoong oras.
Pagdating sa labasan ay nag-abang pa ako ng jeep na masasakyan. Naka-receive ako ng text galing kay Averie na dumiretso muna saglit sa studio dahil may pag-uusapan kami.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Panlalalaki ni Elora? Pang-aasar sa kanya ni Blaire? Pangungulit sa akin ni Averie na magbihis at magkilos babae? Minsan talaga ay napakalaking scam ng mga ka-banda ko. Sinasabi na important or urgent meeting daw pero mag-uusap lang pala ng kung anu-anong kalokohan.
Nang makarating ako sa school ay dumiretso ako ng elevator pero maraming nag-aabang sa labas dahil kanya-kanya nang punta ang mga estudyante para sa first subject nila. Kaya naman hindi na ako nakipagsiksikan pa roon at gumamit na lang ng hagdan.
Hingal-kabayo ako nang makarating sa studio. Pero medyo nakaramdam ako ng ginhawa dahil malamig sa loob ng studio.
"May pinagtataguan ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong sa akin ni Blaire.
"Nagmadali lang. Baka ma-late ako sa kung ano mang pag-memeeting-an ngayon." Sabi ko at ibinaba ang bag ko sa pahabang upuan na naroon.
Sumalampak ako sa beanbag at saka pabirong ginulo ang buhok ni Averie. Nainis na naman siya sa ginawa ko.
"You're always like that! It's annoying already! May crush ka pa rin ba sa'kin?" She said, irritated.
"Na-cucute-an lang naman ako sa'yo! Masama ba?" Sabi ko.
"Hindi naman. Baka mamaya, ma-fall ka na naman sa'kin eh."
"Kumakapal na ata ang mukha mo, Averie." Natatawang sabi ni Elora.
"Oo nga. Pansin ko lumalakas na loob mo ah. Hindi ka naman ganyan dati." Sabi ni Blaire.
"Kumportable na kasi ako sa inyo. Ayaw n'yo ba? Pasalamat nga kayo at naipapakita ko 'yung ganitong side ko sa inyo." Averie rolled her eyes.
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Vixen Series #1)
RomanceNEW ADULT: Simone Dee Austria, the guitarist of The Vixens, has been embracing her sexual identity for years, not until Romer Marko Esperanza came. The basketball player who wants to test her real sexual identity by offering her a "no strings attach...