"Ate Simone, pwede po magtanong?"
Nabigla ako nang biglang may estudyanteng babae na umupo sa tabi ko. Mukhang first year college ito base sa ID lace na suot nito. Plastik akong ngumiti at saka sinagot siya.
"Nagtatanong ka na." Sabi ko.
Ngumuso ito at saka naupo sa tabi ko. Nakatambay ako sa cafeteria at nag-rereview para sa unit test mamaya. Wala akong choice kundi paupuin ang babae sa tabi ko at hayaan na kausapin ako dahil nakiusap naman ito nang maayos.
"Anong itatanong mo?" Sabi ko ulit at saka inalok ito ng french fries na binili ko.
Nahihiyang tumanggi ito sa alok ko. "Kasi po 'yung mga kaibigan ko, tomboy.. Dahil araw-araw ko sila nakakasama, pakiramdam ko rin ay natotomboy na rin ako. Ano pong dapat kong gawin?"
I kept a straight face. Seryoso ba ang batang ito sa tanong niya? Akala ko pa naman kung anong life and death situation ang i-oopen niya.
"Hija, hindi nakakahawa ang ka-tomboyan sa loob lang ng maikling panahon. Mahaba-haba pa ang pagdadaanan mo bago mo masabi sa sarili mo na tomboy ka ngang talaga." Naiiling na paliwanag ko.
"Ganun po ba?"
"Oo. Hindi porket uso eh gagayahin mo na. Hindi madaling maging ganito at iladlad sa harap ng maraming tao. Kahit pa bakla ang tanungin mo." Naiiling na sabi ko.
"Tanggap naman po ba ng pamilya ninyo na ganyan kayo?" Inosenteng tanong niya.
"At bakit hindi nila ako matatanggap? Kung sa kaso ko, naintindihan naman nila mama dahil puro lalaki ang kapatid ko. Doon ako fit, eh. Saka simula pagkabata ko, ganito na ako. Hindi 'to kailan lang nangyari. Kaya 'wag mo basta-basta ginagawang biro 'yang pagladlad kuno at pagiging confused kuno sa sexual identity mo. Malaking insulto 'yan sa mga tunay na bakla at tomboy na hirap na hirap aminin ang totoong pagkatao nila. Masyadong mapanghusga ang mga tao." Mahabang paliwanag ko.
Sana nakuha niya ang ibig kong sabihin. Kung sa ibang tao kasi ay baka iba ang makuha niyang sagot at awayin pa siya.
"Just be you. Mas lalong may sasabihin ang ibang tao kung nagpapanggap ka. Saka gaya ng sabi ko kanina, hindi porket marami kang na-eencounter na tomboy eh gagayahin mo na. Hindi 'yan trend na basta mo na lang sasabayan." Pagpapatuloy ko.
"Okay po.. Naiintindihan ko na."
"At saka tantanan mo ako diyan. Tingnan mo nga iyang nguso mo, pulang-pula dahil sa lipstick mo. May picture ka pa ng jowa mong lalaki sa ID mo. Anong tomboy-tomboy ang pinagsasabi mo diyan?" Nakakunot-noong sabi ko habang nakatingin sa ID niya.
Nanlaki ang mga mata niya at saka tinakpan ang ID. Dali-dali siyang nagpaalam sa akin dahil sa hiya.
Napailing na lang ako. Mga bata talaga, ang hirap ispelengin.
Itinuloy ko na ang pagbabasa sa libro. Maya-maya lang ay may umupo sa harap ko.
Si Romer.
"Good morning, Simone!" Nakangising bati nito sabay kagat sa hawak nitong burger.
"Morning. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at itinaas ang paa sa upuan.
"Nagbabakasakali lang na kasama mo si Blaire. Kasama mo ba? Kanina ko pa tine-text, hindi nag-rereply." Sabi niya.
"Nakikita mo bang may kasama ako?" Tanong ko.
Nagtatanong pa, eh obvious naman na ako lang ang mag-isa rito bago siya dumating. Hindi mo alam kung bulag o tanga eh.
Bigla itong sumimangot. "Ang sama ng ugali mo. Nakikipag-kaibigan na nga ako sa'yo eh. Saka nagtatanong ako nang maayos!"
"Hindi ako naniniwalang kaibigan lang. Gusto mo atang sumali sa banda kaya dumidikit ka sa'min eh.." Sabi ko at ibinaba ang hawak na libro.
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Vixen Series #1)
RomanceNEW ADULT: Simone Dee Austria, the guitarist of The Vixens, has been embracing her sexual identity for years, not until Romer Marko Esperanza came. The basketball player who wants to test her real sexual identity by offering her a "no strings attach...