Chapter 1

87 1 0
                                    

Napahikab ako habang pinapanood si Elora na ine-edit ang layout ng website namin. Maya-maya lang ay tumigil siya at pagkatapos ay lumingon sa akin.

"Simone, can you please check the questions our fans dropped on our site? I have something to do, eh. Thank you."

I frowned and grabbed Elora's laptop from her. Nakatutok na ang mga mata niya sa cellphone niya, paniguradong ka-text niya ang daan-daang lalaki niya. I scrolled through our fan's questions written in our inbox na sasagutin namin through video, na i-fi-film namin maya-maya lang.

"Do you have classes today, Elora?" Tanong naman ni Blaire, na inaabala ang sarili sa drums.

"I have. Pero isang subject lang. Kayo ba?" Balik-tanong niya sa amin.

"Wala ako, rest day. I'll spend my whole day here sa studio. Maybe I'll help Simone na lang to look for decent questions na sasagutin natin mamaya." Sabi naman ni Averie at sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na.

"Thanks, Averie. Kaya crush kita eh." I said and winked at her.

She wrinkled her nose in disgust. "Kilabutan ka nga, Simone. Hindi tayo talo."

"Ay, grabe siya. Allergic ka sa tomboy, 'te?" Tanong ko.

"Panahon na ata talaga para hanapan natin ng lalaki si Simone. Sayang naman ang ganda." Sabi naman ni Blaire.

Napangiwi ako sa papuri na narinig mula kay Blaire. Bahagya pa akong kinilabutan nang banggitin niya ang lalaki.

"Si Elora, maraming lalaki. Pumili ka na lang." Sabi sa akin ni Averie at sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

"Hindi ba kayo kinikilabutan sa mga sinasabi ninyo?" Asar na tanong ko at ibinalik ang pansin sa laptop.

"Eh ikaw? Hindi ka ba kinikilabutan na may crush ka sa'kin at niligawan mo pa ako noon?" Tanong sa akin ni Averie.

"Bakit nga ba hindi ka nagkagusto sa'kin?" Takang tanong ko.

"Simple lang. Ang babae ay para sa lalaki. At ang lalaki ay para sa babae!" Elora butted in.

"Shut up, Elora. Palibhasa kasi ay marami kang lalaki. Kaya siguro walang jowa 'yung iba ngayon kasi nasa'yo na lahat." Blaire scoffed.

"Ilang taon na tayong magkakabanda, hindi pa kayo nasanay sa'kin?" Tanong ko.

"Hindi naman sa ganoon. Tanggap ka nga namin, 'di ba? Kaya lang, ayaw mo ba talaga magkagusto man lang sa lalaki? Wala na bang pag-asa?" Tanong naman ni Averie.

"You can't blame her. Puro lalaki kasi ang mga kapatid niya. Siya lang ang babae." Sabi naman ni Elora.

"Oo. Pati nga 'yung isa sa mga kapatid ni Simone eh, jinowa mo. Malandi kang babae ka. Lahat ng lalaki, hindi kumakawala sa'yo." Blaire rolled her eyes.

"Why? He's so gwapo naman, ah. Pero sorry na lang, hindi kami meant-to-be." Elora answered.

"Sanay na kami sa kalandian mo, Elora." Averie shooked her head.

"Kaya dapat, masanay na rin kayo sa'kin. Hindi ko naman ikamamatay kung hindi ako magkagusto sa isang lalaki." Sabi ko.

"Buti ka pa 'no. Si Elora kasi, mawalan lang ng lalaki sa isang araw eh naghihingalo na." Blaire teasingly said.

"Bakit ba ako palagi?! Naiinggit ka ba, Blaire? Gusto mo ba bigyan kita?" Tanong ni Elora.

"No, thanks. Nasa kundisyon pa ako kahit walang lalaki sa buhay ko."

Nailing na lang ako at saka naghanap ng mga matitinong tanong na pwede namin sagutin mamaya. Nagulat ako sa paghampas ni Averie sa braso ko nang may mabasa siya sa tinitingnan namin.

Strings Attached (Vixen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon