Kakatapos lang ng klase ko. Kinausap ako ng professor ko tungkol sa performances ko rito sa school at patuloy na pag-excel ng grades ko. Natuwa naman ako sa mga papuri na natanggap ko dahil nakikita rin talaga nila ang sipag at tiyaga ko sa pag-aaral.
Ayaw ko naman kasi sayangin ang ang opportunity na binigay sa akin three years ago, na makapasa sa scholarship exam at makapag-aral dito, kaya pinagbubutihan ko talaga ang lahat. Next year ay fourth year college na ako, matatapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Paubos na ang tao sa classroom. Abala ako sa pagliligpit ng gamit ko nang marinig kong may kumatok sa pinto ng classroom namin. Naglakad ako papunta sa bintana para silipin kung sino ang nasa labas, si Blaire iyon. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Bakit hindi ka na lang pumasok. Kumatok ka pa." Sabi ko kay Blaire.
"Hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase mo. Anong ginagawa mo bakit naiwan ka rito?" Tanong niya matapos isarang muli ang pinto.
"Nagliligpit na lang ng gamit. Saka tatapusin ko lang saglit itong notes. Required kasing makumpleto ito para makapag-take ng prelims." Sabi ko at nilabas ang notebook ko.
"Sipag ah. Pero sasamahan na lang kita rito. Aayusin ko lang 'yung layout ng website natin. Hindi n'yo pala natapos nung nakaraan." Sabi ni Blaire at inilabas ang laptop niya mula sa bag.
"I-text mo na lang sila Averie at Elora na dumaan dito." Utos ko.
"Bakit? Wala bang gagamit nitong room n'yo?" Tanong niya.
Natampal ko ang noo ko. "Oo nga pala. Sige, pagkatapos natin dito ay sa lounge na lang tayo. Doon mo na lang pasunurin ang dalawa."
Hindi na niya ako sinagot pa dahil naging abala na rin siya sa kanyang ginagawa. Halos thirty minutes din akong nagsulat ng notes. Mabuti na lang at mabait 'yung isang kaklase ko at pinahiram ako para makopya ko. Kung minsan kasi ay hindi ko natatapos ang notes dahil nga committed din kami sa studio.
"Dapat itong site natin ay one-time registration lang sa mga gustong maka-access at required ang copy ng school ID. Nakakairita na 'yung mga dummy accounts na panay ang send ng walang kwentang messages sa inbox natin." Narinig kong sabi ni Blaire.
Napakunot-noo ako habang pinapasok ang mga gamit ko sa loob ng bag ko.
"Bakit? Ano na namang meron?" Tanong ko at sinilip ang ginagawa niya.
"Meron pa rin nag-iiwan sa inbox natin ng... gitara thing. Si Romer 'to, for sure." Natatawang sabi niya.
"Hindi ko alam kung ano ba talagang trip niyan eh. Kung gusto niyang sumali sa banda natin pwede naman mapag-usapan.. Hindi 'yung magkakalat pa siya." Sabi ko.
"Kung maganda lang ang first meeting n'yo, for sure magiging close kayo." Sabi ni Blaire.
Napatanga ako. Pati ba naman si Blaire?
"Why? Baka nakakalimutan mo, isa ka ring maloko. Magkakasundo kayo nito kung hindi lang pangit ang unang pagkikita ninyo." Naiiling na sabi niya.
"Paanong hindi magiging pangit? Eh ang bastos ng bunganga."
"Bakit affected ka? Kapag kami naman ang nang-aalaska sa'yo ng ganun, wala lang naman 'yun sa'yo." Sabi niya.
"Simple. Kasi kumportable ako sa inyo." Tipid na sagot ko.
"Okay. Pero one of these days, magkakasundo rin kayo. Promise. Ilang beses ko nang nakasama 'yan si Romer. Masasabi kong ikaw ang girl version niya. Perfect match." Blaire giggled.
"Duda ako. Opposite poles attract each other. Ang kaso ay magkaparehas kamo kami. Ekis 'yun."
"Bakit wala ka pang naging boyfriend?" Tanong ni Blaire.
BINABASA MO ANG
Strings Attached (Vixen Series #1)
RomanceNEW ADULT: Simone Dee Austria, the guitarist of The Vixens, has been embracing her sexual identity for years, not until Romer Marko Esperanza came. The basketball player who wants to test her real sexual identity by offering her a "no strings attach...