EVER since na dumating kami dito nila Harry, Kirsten at Michael, wala kaming ibang ginawa kundi kundi kumain, magswimming at matulog.
Sobrang sarap sa pakiramdam na makapagpahinga from all the struggles na napagdadaanan, acads, family, and life. Pero napapawi lahat ng mga yon pag nakakasama ko sila Harry.
Ngayong araw nag decide kami na mag bonfire sa labas then talk about our future, then we will have a snack na ipprepare ni Ate Kris.
The sun is going down pero ibang klaseng energy pa rin ang meron kaming apat nagsuggest si Michael na maglaro kami ng board games pero nag end up sa paglalaro ng spin the bottle.
Nag insist si Kirsten na sya na lang ang magpapaikot ng bote at dapat nasabi na ang tanong bago paikutin. Ang unang natapatan ng bote ay si Harry at ang tanong na sinabi ni Kirsten ay kung anong pipicture ni Harry sa darating na limang taon.
Ang sabi ni Harry, "Isa lang ang nakikita ko, yung masaya na tayong lahat. Kami na ni Reina, nahanap nya na yung mga sagot sa mga tanong nya, at successful kayong tatlo.
"Sobrang selfless mo naman Harry." sabi ni Kirsten.
"Hindi naman kasi alam kong ganon din ang pananaw nyo saking tatlo."
Pagkatapos non, sabi ni Kirsten "Ano ang tunay na ibig sabihin ng genuine happiness?" at hindi ko inaasahang saakin tatapan.
In that short period of time.. napaisip ako.. how can I know? Naramdaman ko na ba yon? Ano nga ba ang genuine happiness. "Ahm.. Siguro you will be happy genuinely if you will choose to be happy. Yang happiness nandyan lang naman palagi, if we look on the brighter side. Kailangan lang talaga na kuntento ka sa mga bagay bagay."
"Talaga ba? paano kung kuntento ka naman pero sadyang tinetest ka lang ng tadhana?" sabi ni Michael.
"Edi isipin mo na test lang yon and it will make you stronger." then sumangayon sakin si Harry at Kirsten.
Bago ulit paikutin ni Kirsten ay nagsabi na sya ng tanong na, "Ano yung isang pinagsisihan mong desisyon sa buhay?"
Napansin ko sa muka ni Michael na kabado siya dahil ba sa dating relasyon nila ni Kirsten? or may nasabi akong mali? baka nga?
Nagkataon na walang natapatan ang bote that is why inulit ang pag spin, eventually tumapat ang bote kay Michael. Then nakita ko na nagsmirk si Harry kaya napansin ko na may alam sya sa mga nangyari kay Kirsten at Michael before.
"So Michael, anong pinaka nakakapangsisi na ginawa mong desisyon?" sabi ni Kirsten.
"Siguro para sakin, wala."
"Huh? panong wala?" sabi ni Kirsten.
"Kasi pag nagkakamali ako hindi ako nagsisisi, siguro nadidisappoint lang ako sa sarili ko at nagsstep up ako to change myself. Sa totoo lang wala namang magagawa ang pagsisisi nor pag sasabi na you were sorry, kasi tapos na yon and you have to accept the fact na ang kailangan lang is to forgive yourself and change."
"Ah... kaya pala hindi ka na nagsorry saakin." nabigla kaming lahat nung sinabi yun ni Kirsten.
Suddenly Harry decided to break the awkwardness and tease Michael, "Ano di ka pala nagsorry eh, napakagaspang kung ako yun hindi ako papayag." tumawa na lang ako para naman di masyado awkward.
"Pasok na tayo sa loob, nood na lang tayo ng movie para naman no interactions. Nakakasawa din pala kayo" pagbibiro ko. Tapos nagtawanan kami habang papasok sa loob, then I have this idea na manood ng movie.
"Panoodin natin yung Les Miserables, kakapalabas lang nun, tsaka nandoon favorite ko si Anne Hathaway." sabi ni Harry. Nabigla kami ni Kirsten kasi mukang hindi sya interesado sa mga ganong palabas.
"Mahilig yan sa Disney Princess! Joke!" pagbibiro ni Michael
"Wala pa non sa mga websites kasi bago pa lang Princess Diaries na lang! 1 and 2 panoodin natin." sabi ko. "Oo nga! sobrang nostalgic!" pag sangayon ni Kirsten.
Habang inaayos ni Michael at Harry ang fort namin niyaya ko si Kirsten sa kitchen para mag handa ng makakain namin. Pinatulog ko na kasi si Ate Kris, para makapagpahinga siya.
"Halika gawa tayo ng popcorn Reina." sabi ni Kirstern habang abala ko sa pag aayos ng mga candies.
"Ikaw na lang muna mag asikaso nyan silipin ko lang sila kung nakabit ng ayos yung kumot." nag senyas ako na aalis na pero pinigilan ako ni Kirsten. "Hmm.. bakit?"
"Nakakainis ka Reina, di mo man lang ako tinanong kung ano nangyari saamin ni Michael." parang nagtatampo siya.
Ang sabi ko naman, "Ikaw mas lalong nakakainis since bata tayo magkaibigan na tayo, tapos di ko nalaman na naging kayo pala niyang Michael."
"O sya.. sorry na Reina." paawa niyang sabi, "Wala naman na ko magagawa kasi nangyari na diba? Ewan sayo, nakakaloka ka."
Sabay kapit niya sa braso ko at pinilit niya ako magstay muna sa kusina. After naming magluto ng popcorn ay pumasok na kami sa maliit na port na ginawa nila.
Unang movie pa lang ay ramdam ko na inaantok na ko, alam ko na makakatulog ako sa mga ganitong panahon. Ang naalala ko lang na yung part na umuulan na scene kung saan nagdecide si Mia na maging prinsesa, tapos ayun napasandal na lang ako at nakatulog.
Kinaumagahan, nabigla ako na katabi ko na si Harry at ang ulo ko nasa braso nya. Tinitigan ko sya ng matagal at nakita ko na mumulat sya kaya di ko alam ang gagawin, bigla na lang ako pumikit at nagtulog tulugan.
Ano ba yan, stupid ka Reina. Narinig mo natawa si Harry!
A/N: Ang tagal kong di nag update kasi busy sa life.
Sorry kung short chapter lang ito, ang susunod naman ay may kahabaan na chapter.
YOU ARE READING
Together Forever
Teen FictionCompatibility. Should every couple consider their compatibility when it comes to their relationship? Reina Angelica Buneviles and Harry Angelo Edwards is one of the couples who still questioning if they should consider it. Are they better together...