Chapter Seventeen

510 49 4
                                    

[seventeen]

Masaya akong nagising kinabukasan, halos mapunit na nga yata ang labi ko dahil sa hindi matanggal-tanggal na ngiti sa mukha.

Hawak ko pa ang kwintas na binigay sa akin ni Patrick nang makababa ako mula sa family van nila Ramille at ngayon ay parang bata na tinatahak ang daan papasok ng school.

Excited na akong ibalita kay Regina ang tungkol sa nangyari kagabi kaya halos lumundag-lundag akong naglalakad sa pathway, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang ilang estudyante.

Wala naman silang ginagawa, they're just looking at me intently habang nakataas ang kilay. Mayroon pang nakangiwi, animo'y nakakita ng kung anong nakakadiri.

Hanggang sa bumagal ang lakad ko nang may matanto, ayoko lang mag-conclude agad kaya hinayaan ko muna, kahit pa grabe na ang lakas ng kaba ko sa dibdib.

Hindi ko marinig ang bulungan nila dahil para akong namingi sa sariling tibok ng puso, lalo pa nang dumako ang tingin ko sa bulletin board at doon nasilayan ang ilang nakadikit na mukha ko.

What the fuck?

Kunot ang noong nilapitan ko iyon at halos matulala ako sa mga nakitang pictures ko, mayroong tabloid doon na may lamang balita patungkol kay Patrick, habang malaking naka-imprinta ang headline.

“Ace Member Patrick Acosta Dating Scandal.”

"S-- scandal?!" Bulalas ko at napahawak sa sariling bibig.

Sinipat ko pa ang ilan at nakita ang mga stolen pictures namin na magkayakap at naghahalikan sa bar-- doon mismo sa Cowboy Grill. Mayroon pang sa loob ng kotse niya hanggang sa pagpunta namin sa Manila Bay.

Halos hindi ko na maramdaman ang sarili, para na akong nawalan ng kaluluwa at tila namanhid ang katawan. Doon ay parang mga bubuyog sa tainga ko ang ilang bulungan ng estudyante.

"See? Siya nga iyon. No wonder, sarap na sarap siya kay Patrick." Anang babae at malakas na tumawa.

"Girls, obviously, sino bang hindi? Kahit ako rin naman kung bibigyan ng pagkakataon maka-date ang isang yummy na katulad ni Patrick."

Napakurap-kurap ako sa mga narinig. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Fuck! Gusto kong umiyak at magwala pero pinilit kong magpakatatag. Huwag ngayon na kaharap ko sila.

Nanatili ako sa mismong kinatatayuan hanggang sa namalayan ko na lang ang pagdating ni Regina sa harapan ko, at walang pakundangan na pinagtatanggal ang nakapaskil sa bulletin board.

"Tangina! Ano ba naman kasi 'to!" Sigaw niya habang nilulukot ang isang rolyo ng newspaper.

"Re-- Regina..." Tila paos kong pagtawag sa kaniya.

Dahil doon ay unti-unti siyang lumingon sa akin, bakas pa sa mukha nito ang pagkairita ngunit lumamyos lang nang magtama ang mga mata namin. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap.

"Shh, it's okay. Hindi mo kailangang pansinin 'yan." Bulong nito sa tainga ko habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oh! Ang dalawang founder ng Acer Fansclub!" Sigaw ng isang babae na pumalakpak pa sa ere dahilan para bumitaw sa akin si Reg. "Ito ba ang main goal ninyo? Ang mapansin ng mga idol niyo?"

"How pathetic." Segunda ng kasamahan niya.

Actually hindi ko naman sila kilala, kaya marahil wala rin silang alam tungkol sa akin. Hindi nila alam na pinsan ko si Ramille dahil iba naman ang surname na gamit ko.

"So, tell me? How was it? Balita ko nag-check in kayo sa isang Hotel?"

Hotel? What the heck? Anong gagawin namin doon?

We Belong Together [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon