Chapter Fifteen

557 51 0
                                    

[fifteen]

Mababaliw na ako sa Patrick na 'yon, kainis siya! Pero infairness naman, gustung-gusto kong nababaliw sa kaniya.

"Ahh!" Sigaw ko sa unan na siyang nakatakip sa mukha ko.

Kakauwi lang namin mula sa pamimili ng groceries at heto ako ngayon, tila pagod ang katawang lupa pero buhay na buhay ang lamang loob ko.

Tch. Bakit ba kasi ang hilig magpa-fall ng lalaking 'yon? Tho, sureball naman sigurong sasaluhin niya ako since may gusto siya sa akin. Tama ba?

Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili, lalo na ang puso kong grabe kung kumabago, animo'y gusto na talagang kumawala sa dibdib ko.

Sa pagpapakalma ay tuluyan na akong nakatulot, nagising ako bandang alas sais ng gabi. Oo nga pala, naalala ko ay may schedule ngayon ang grupong Ace sa Cowboy Grill kaya dali-dali akong tumayo upang maligo.

Inanyayahan kasi ako ni ate Adelle para raw may kasama siya. Isa pa, kailangan naman talaga ay nandoon ako, saan pa't naturingan akong number #2 fan ng Ace.

Tatawagan ko na lang din mamaya si Regina para sabihing pumunta siya, nang may makasama naman akong baliw. Pasado alas otso nang matapos ako at iyong kaninang damit na inihanda ko ay ang isinuot ko ngayon.

Looking to a whole body mirror, suot ang high waist washed blue jeans na tinernuhan ko ng crop top lacy sando dahilan para ma-exposed ang pusod ko. Well, okay naman na siguro 'to since resto bar naman iyong venue.

Matapos maisuot ang three inches sandals at makuha ang sling bag ay inisang pasada ko naman ang red lipstick sa labi ko. Napangisi ako sa sariling repleksyon nang makitang nagmukha na talaga akong dalaga.

Maganda rin pala kapag nag-aayos ka, lumalabas iyong tinatago mong ganda. Saktong alas otso nang lumabas ako ng kwarto at may isang oras pa para sa biyahe.

"Nasaan na po sina kuya?" Tanong ko sa isang katulong nang makaupo sa pang-isahang sofa.

"Ay nako, kakaalis lang ah? Akala ko ay kasama ka na roon sa sasakyan--"

Anak talaga ng tipaklong iyon si kuya!

Hindi ko na pinatapos ang katulong sa pagsasalita dahil mabilis na akong kumaripas ng takbo palabas ng buhay. Bwisit na 'yon! Mukhang wala pa yata akong balak na pasamahin.

Mabibigat ang paang lumabas ako ng gate, mabuti pala at nakapagdala ako ng pera para pang-commute. Sakto namang huminto ako, nang may tumigil na kotse sa harapan ko-- ang oh-so-famous na black sedan.

Napangisi ako, hindi pa man bumababa ang bintana no'n para malaman kung sino ang nasa loob ay alam ko na. Kaya walang sabi-sabing binuksan ko ang passenger's seat at mabilis na naupo.

Hindi ko na kailangang maging choosy, siya na itong lumalapit kaya why not?

"Alam mo, pwede ka na talagang maging driver ko." Natatawa kong pahayag habang sinusuot ang seatbelt.

"Naroon na kasi sila Ramille at nang makitang wala ka ay nagpunta ako agad dito."

Sa sinabi niyang iyon ay dahan-dahan na nilingon ko ito, maang lang siyang nakatingin sa gawi ko. Nang matapos ako sa ginagawa ay tuluyan ko na siyang hinarap.

"Ganyan ka na ba talaga kapatay sa akin?" Pang-uudyo ko at ngumisi pang nakakaloko.

Nakakataba naman kasi ng puso, handa siyang mag-effort para sa'kin. Not to mention na dapat ay naroon na siya para magpahinga dahil mamayang alas nuebe na ang performance nila.

"Bakit? It is too much?" Balik tanong nito sa akin.

"Nope, I actually like it." Nakangiti kong sambit dahilan nang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya at marahang napatango-tango sa hangin.

We Belong Together [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon