Part 1 - When I first saw my Crush

1.1K 11 2
                                    

Alas otso na ng umaga, handang-handa na ako pumunta sa paaralan para mag enroll sa bagong papasukan kong Unibersidad dahil nga nakatanggap ako ng isang scholarship mula sa Unibersidad. Nahihiya ako mag isa pumunta sa Unibersidad, kaya nagpasama ako kay mama na si Aling Vilma. Excited na ako na pumasok sa Unibersidad dahil ito ang aking pinapangarap na paaralan. Samantala, habang pumipila kami ni mama para kumuha ng uniporme mula sa "Business Center",   agad ako  nauhaw dahil sa init ng panahon, kaya napilitan si  Mama (Aling Vilma) na bumili ng isang mineral water mula sa canteen. 

Habang may bibilhin si mama, pansamantalang pumila ako sa pila para kumuha ng  uniporme. Nakakainis nga e, kasi ang taas ng binata na nasa harapan ko - na parang ayaw niya mag pasingit sa pila. Halos madaganan pa nga ako e, tapos bigla na lang siya napatingin sa akin mula sa likod, napansin niya ako pero ini-snaban niya ako. Hindi ko alam kung ano ang reaction ko, dahil first time ko isnaban ng isang binatang lalaki. Kung baga, para lang anime ang peg na lumalaki ang mga mata, bibig, nagugulo ang aking buhok. Syempre, hindi ko ma-realize kung gaano siya ka-gwapo, dahil mas pinangunahan ako ng inis sa sarili, peru hindi ko na ito pinansin.

Habang pumipila ako ay agad na dumating si Mama para kunin  ang aking  uniporme. At nang kami ni Mama na ang susunod, nagkataon na nahulog ang dala-dala ni Mama na mineral water dahil sa dami ng kanyang dinadala. Salamat nalang dahil agad na kinuha ng binata ang nahulog na mineral water dahil tapos na ito kumuha ng kanyang uniporme at papalabas na din siiya mula sa pintohan. Napangiti naman si Mama sa kanyang magandang asal na pinakita. Samantala, isang masungit na tingin naman ang pinakita ko  sa binata. Ewan ko, basta nainis na lang ako. At  sa wakas, nakakuha din kami ng unporme ko. Masaya ako dahil hindi ako maka paniwala na masusuot ko na ang aking uniporme bukas.

The next day.....

Secret Crush - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon