Chapter 1 - IAN LEE

26 2 0
                                    

"P*tang ina! Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa mo? Magsalita ka nga Ian!" Ang sigaw ng ama ni Ian sa kanya.

Nanatiling walang kibo ang lalaki. Nakayuko lang ang kanyang ulo. Araw-araw naman ganito. Mayroon man siyang gawin o wala. Mali man ang gawin o kahit tama pa. Palagi na lang siyang nasasabon ng kanyang ama. Palibhasa ay nasa pulitika kaya ganoon na lang magalit kapag may nagagawa siyang kalokohan. Madalas sinasadya niya ang kanyang mga ginagawa upang mapansin lang ng ama. Madalas itong busy sa kanyang posisyon sa gobyerno. Mabuti pa nga ang ibang tao ay natutulungan at nakakausap ng kanyang ama. Pero siya ay kailangan pa yata niyang magpa-appointment para makausap ito.

"Are we done?!" At umalis na ito palabas ng presinto. Ni hindi niya muli nilingon ng ama.

Dito na naman sa presinto sinundo ng mag-asawang Mildred at Randolph Lee ang kanilang panganay na anak. Halos makailang beses na itong nasasangkot sa gulo, sa barkada, eskuwela, babae. Mabuti na lang at kahit paano ay hindi pa nasasangkot ang lalaki sa droga. Ito marahil ang hindi niya pa nasusubukang gawin.

Dahil kasi sa droga kung kaya't namatay ang pangalawa niyang kapatid. Nalulong ito sa bisyo mula ng mawalan ng oras ang kanilang amang Congressman sa kanilang magkakapatid. Wala na itong inatupag kundi ang pagtulong sa ibang tao. Ang pagdinig sa kanilang mga suliranin. Na kahit pa ang sarili nitong mga anak, kahit nasa gitna na ng problema ay hindi nito magawang tulungan. Tulungan man sila nito ay dahil sa ayaw nitong mapahiya, hindi dahil sa kailangan ng tulong ng kanyang mga anak.

Mas lalong naging mahirap nang maabuntis si Jordan. Pinilit nitong ipinadala ang kapatid niya sa America upang doon ipalaglag ang bata. Tutol man ang kanyang kapatid ay wala din itong nagawa. Mula nang makabalik ito galing America ay nagsimula na itong gumamit ng droga. Namatay ang kapatid niya sa drug over-dose. At ang masaklap pa ay ni hindi niya nakitang umiyak man lang ang kanyang ama. Kahit na sa libing pa nito. Parang hindi ito namatayan ng anak. Kailangan pang kumilos ng mga tauhan ng kanyang ama para hindi malaman ng publiko ang totoong kinamatay ng kanyang kapatid. Gusto na niyang magsalita noon, pero labis ang pagbabanta sa kanya ng ama na wala siyang gagawin.

Mula noon ay nagtanim na si Ian ng sama ng loob sa ama. Minsan naipapanalangin niyang mamatay na lang sana ito, upang magkaroon man sila ng katahimikan. At baka sakaling dumating din ang pagkakataon na magiging masaya sila bilang isang pamilya. Hindi niya kinakaya ang ka-ipokritohan ng ama. Ang tingin ng iba ay napaka-perpekto nilang Pamilya, ang hindi nila alam sa loob ng marangyang tahanan nila ay puro problema at mga sama ng loob.

May dalawang kapatid pa si Ian. Sina Jun-jun na nasa highschool na at si Martha na isang special child. Mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid. Pasaway man siyang anak, ay hindi pa din siya nagkukulang sa mga ito. Lalo na kay Martha na siya ang paborito. Alam niyang higit sa lahat ay si Martha ang nangangailangan nang labis na pagmamahal.

"Ku-kuya," Ang hirap nitong tawag sa kanya pagpasok niya ng bahay.

Agad naman niyang niyakap ang kapatid at pinunasan ang tumulong laway nito sa bibig.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong niya dito.

"Nag-do drawing po." Binalikan na nito ang kanyang ginagawa.

Isang malaking bahay ang dino-drawing nito. Nasa harap ang dalawang aso tulad ng kanyang mga alaga. At isang pamilyang kumpleto. Isang pamilyang may ngiti sa kanilang mga labi. Napapailing na lang siya. Mabuti na lang at nasa ganitong sitwasyon si Martha. Wala siyang kamalay-malay sa totoong sitwasyon ng kanilang pamilya.

Sumenyas na lang siya sa tutor nito na aalis na muna siya at ito na muna ang bahala sa kapatid. Tumango lang ito at agad na ginabayan ang bata sa kanyang ginagawa. Hinalikan niya si Martha sa boo bago niya tuluyang iwan ito.

"IN NOMINE PATRIS" (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon