PROLOGUE

442 12 5
                                    

"Dum... Dum-dum... Dum-dum.. Dum... Dum-dum.." May himig pananakot ni Josh sa mga kaibigan.

"Stop it Josh!" Galit na sigaw ni Jenny.

"Ano yon?! May anino?!" Ang lahat naman ay napalingon sa tinurang iyon ng lalaki, animo'y may kung anong takot na nadarama.

"Saan?" Tanong ni Leo

"Ano 'yun?" Ang may kabang tanong ni Melai.

Napahawak naman si Josh sa kanyang tiyan sa labis na pagtawa. Sobra ang takot na nadama ng kanyang mga kaibigan. Binato na lang ni Leo ang lalaki ng kanyang bitbit na bag. Bwisit na bwisit sa inaasal nito. Lahat na lang ginagawang biro. Lahat ginagawang katatawanan.

Lima silang magkakaibigan na nag hiking dito sa Mount Cristobal. Ang tinaguriang Devil's Mountain ng Pilipinas. Balintuna sa mga paniniwala sa Mount Banahaw. Ang Mount Cristobal ay sinasabing pinamumugaran ng mga masasamang elemento, mga multo, mga lamang-lupa. Sinasabi ding maging ang Demonyo daw ay dito nananahan.

Marami nang napuntahang lugar ang magkakaibigan. Marami na silang naakyat na mga bundok. Miyembro sila ng isang grupo ng sikat na mga Mountain Hikers ng bansa. At hindi ang mga istoryang-bayan na kanilang naririnig ang makapipigil sa kanila sa pagtahak sa bundok na ito. Hindi ang mga kwento ng kababalaghan at mga taong nawawala ang makakahadlang upang mapagtagumpayan nila ang kanilang misyon.

"Dum... Dum-dum... Dum... Dum-dum... Dum.."

"P*tang ina! Josh! Tumigil ka na!" Hindi na nilingon pa ni Melai ang lalaki.

"Ahhh!" Ang sigaw nito.

"Sh*t! Ano ba?" Galit na galit na si Leo sa inaasal ng pinakabata sa kanilang grupo.

Ngunit, wala ang lalaki paglingon niya. Pilit niyang inapuhap ito sa kakahuyan. Ngunit, hindi niya ito matanaw. Napatingin na lang din siya sa kanyang mga kaibigan, ngunit wala ding nakapansin sa binata.

"Stop this nonsense, Josh! Where are you?"

"Josh! Josh!" Ang mulling tawag ni Sean.

Ngunit, wala pa ding sumasagot. May halong kaba at inis na silang nararamdam sa lalaki. Parang hindi nito sineseryoso ang kanilang ginagawa. Lahat na lang ay ginawa nitong isang laro, isang biro.

"P*tang ina, Josh! Kapag hindi ka pa lumabas diyan talagang iiwan ka na namin!" Napasulyap si Leo sa bandang kanan ng may nahagip na anino ang kanyang flashlight.

"Josh!" Ang tawag niya dito.

SelenaStrauss

Ngunit walang sagot. Lalo lang silang kinabahan. Lumakas ang ihip ng hangin. Naglalaro ang mga dahon ng mga puno. Nagliparan ang mga ibon sa paligid. Animo'y may nagbabadyang unos. Pati ang kalikasan ay may takot na nadarama.

Napayakap na lang sa sarili sina Melai at Jenny. Pakiwari nila ay sumobra ang lamig na dulot ng hangin. Maging sina Andrei at Leo ay may iba ring pakiramdam sa paligid. Waring may hindi tama. Parang may mali.

"Tu-tulong! Tu-tulungan niniyo ako!" Ang impit na tawag ni Josh.

Nagkatinginan silang magkakaibigan at agad na sinundan ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Napatingin pa sila sa lupa nang mapansing parang may bakas doon na animo'y may kinaladkad.

"Josh! Nasaan ka?" tawag ulit ni Jenny.

"Dito sa ibaba..." Dinig na waring nahihirapan si Josh sa pagsagot.

At nang sulyapan nila ang tinutukoy ng lalaki ay agad nilang nakita ito na nasa bandang ibaba ng kanilang kinatatayuan. Waring nahulog si Josh sa isang matarik na bangin.

"IN NOMINE PATRIS" (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon