Chapter 2 - Claire and Andrea Jennings

15 1 1
                                    

Mula sa Olongap City ang magkapatid na Claire at Andrea Jennings. Isang prostitute sa Gapo ang kanilang ina. Pinalad na magkaasawa ng isang kano. Ang kanilang ama, si retired Major General Thomas Jennings. Nang isara ang base ng mga Americano sa Gapo, ay napilitan silang lumuwas ng Maynila. At dito na sila bumuo ng kanilang mga pangarap. Dito na din nanirahan ang kanilang Kanong Ama. Hindi na ito muli pang bumalik sa America.

Magkaibang-magkaiba sina Claire at Andrea. Kambal mang maituturing, ngunit taliwas ang pag-uugali ng isa sa isa.

Si Claire ay ang mahinhin sa dalawa. Tahimik na bata. Magsasalita lang ito kung siya ay kakausapin. Madalas tanging ang kanyang mga libro ang kanyang kasa-kasama. Manang kung manamit at nakasuot pa ng salamin. Siya ang nerd sa kanilang dalawa. Mabibilang din ang kanyang mga kaibigan. Karamihan din sa mga ito ay mga katulad niyang nerd. Mas gugustuhin naman niyang kakaunti lang ang kanyang mga kaibigan kaysa naman marami nga pero hindi naman mga totoo sa kanya. Madalas niyang pagsabihan si Andrea na matutong pumili ng kakaibiganin. Madalas kasi itong naloloko. Napapabilang sa hindi magandang grupo.

Si Andrea naman ay saktong kabaliktaran ng kanyang kakambal. Ma-gimick, mabarkada. Mahilig magsayaw at tumugtog ng gitara. Sexy kung manamit at talagang marami itong manliligaw. Siya ang fashionista sa kanilang dalawa. Maraming tropa. Maraming manliligaw. Pero hindi marunong kumilatis ng tao. Madalas sa hindi ay napapaiyak na lang siya ng mga inaakala niyang kaibigan. Madali kasi siyang magtiwala. Madaling ibahagi ang lahat sa kanyang buhay. Sa huli siya ang talo. Siya ang naloloko.

Kung sa Academics mahusay si Claire, sa Music naman bihasa si Andrea. Palaging honor students si Claire. Si Andrea naman ay may sariling banda. Madalas nakakasali si Claire sa mga contest na pang-Academics. Nag-champion pa nga ito sa isang Math Quiz Bee. Samantalang si Andrea ay may ilan na ding inter-school band contest ang nasalihan, kung saan ang banda nila ang palaging nanalong first place.

Kung mahusay gumuhit si Claire, mahusay naman sa computer si Andrea. Maraming mga paintings si Claire. Minsan na siyang nagkaroon ng sariling exhibit sa school. Minsan na din siyang nakasali sa isang Painting Exhibit, kasama ang ilang malalaking pangalan sa industriya. Si Andrea naman ay may kakayahan sa hacking. Minsan nang napatawag ang kanyang mga magulang nang minsan i-hack ni Andrea ang laptop ng kanilang professor. Nagdududa kasi sila sa professor nilang iyon. Madalas iba kung makatingin sa kanya. Blessing in disguise, kasi natuklasan ng school administrators na may mga estudyante itong inaabuso at kinukuhana ng videos nang hindi nila alam.

Malayo man ang personalidad nila sa isa't isa ay nananatili ang pagtingin nila bilang kambal. Sampung minuto lang ang pagitan nila ng sila ay ipinanganak. Kaya super close pa din sila. Hindi nga lang sila showy sa ibang tao. Sa kanilang pribadong pagkakataon ay nananatili silang magkapatid. Nananatili ang bond ng kambal.

"Tignan mo Andrea, iyan ang Cassiopeia." Sabay turo sa isang constellation sa kabila ng Ursa Major.

"Ang ganda naman niyan, Ate." May ngiti sa mga labing turan ni Andrea.

"Can you recognize that it looks like a crown? Sabi nila crown daw iyan ng Egyptian Queen na si Cassiopeia. Mukha din daw siyang naka-inclined na trono."

"Ay oo nga! Nakakatuwa! Ang dami mo talagang alam sa ganitong mga bagay ano?"

"So, paano? Ako naman ang turuan mong mag-gitara." Sabay tayo nito at umupo upang humarap sa kanyang kambal.

"Ang hirap mo kasing turuan eh. Daig mo pa ang bata." Napakamot pa ito ng ulo.

At sabay silang nagkatawanan. Sadya kasing mahirap turuan si Claire sa kahit na anumang instrumento. Gayundin naman si Andrea, di kahusayan ang isip nito pagdating sa Academics.

"IN NOMINE PATRIS" (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon