Prime 10

116 326 1
                                    

Prime 10

Zac
Sa wakas!

*Umubo ng dugo

Kailangan kong matapos ito bago pa mahuli ang lahat. Ito na lang ang paraan upang mailigtas ang bayan namin.

Ito na ang huling hakbang upang maisagawa itong posibleng maging lunas para sa buong bayan.

*Tumutulo ang mga luha

Hindi man ako magtagal at sumunod sa aking mga magulang, magagawa ko namang hayaang mabuhay pa nang matagal ang aming bayan at ang aking mga kababayan. Hindi ako magsisi sa ginawa kong ito para sa bayan.

*Umubo ng dugo
*Tinapos ang huling hakbang ng ekspiremento at itinago ito sa likod ng kabinet
*Kumuha ng papel at doon nagsulat
*Umubo ng dugo

Mahal kong bayan at mga kababayan, marahil ay nakahandusay na ako sa sahig sa oras na makita ninyo ito. Nais kong ipagpaalam sa inyo na sa mga pag-aaral na nakalap ko rito sa loob ng laboratoryo, may maaaring maging lunas para sa kalagayan ng bayan.

*Umubo ng dugo
*Naalala ang dating itsura ng masigla nilang bayan

Itinago ko ito sa likod ng kabinet. Gustuhin ko mang masaksihan ang muling pag-unlad ng bayan, alam kong hindi ko na ito magagawa lalo na't malala na ang kalagayan ko.

*Tumulo ang luha
*Umubo ng dugo
*Napangiti nang maispi na maaari pang muling umunlad ang Primetorio

Ang maging bahagi ng bayan na ito ay isang karangalan para sa isang kabataang katulad ko. Mabuhay ang Primetorio!

Nagmamahal, Zac.

PrimetorioWhere stories live. Discover now