Chapter 5

6 2 0
                                        


Mave POV

Dre ang ganda nung bagong transferee no, ano kayang pangalan nun? Tanong ng lalaking katapat ko habang nag oorder ng pagkain dito sa cafeteria


Oo nga dre, syaka balita ko matalino daw! Saad naman nung kausap nito. Dahilan para tignan ko sila ng masama. Hindi na nila napansin yun dahil busy sila sa pag chichismisan. Ang daming lugar kong saan sila pwedeng mag tsismisan sa cafeteria pa talaga napili.


Oh bat ang sama ng tingin mo jan sa dalawa? Tanong ni Aiken ng mapansing ang sama ng tingin ko sa dalawa at dahil sya ang kasama ko sa pila. Hindi namin kasama si Ackley dahil kasama nya si Rayne. Tss at kami pa inutusang bumili ng makakain nila. Napaka galing!


Puro chismisan na lng ba ang alam ng mga estudyante dito? Pag tatanong ko sa kanya ngunit mababakas parin ang pag ka inis


Anong order mo iho? Singit ng cashier sa usapan namin dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tapos na plang umorder si Aiken at ako na ang sunod



Isang snack C po. Saad ko at umalis na sya para kunin ang order ko. Nang maibigay na ng cashier ang order ko ay saka kami umalis.


Oh lovers yan na. Saad ni Aiken ng maka balik kami sa aming upuan.


Salamat alipin..Tatawa tawang saad ni Ackley ng makuha ang pagkain nila


Leche ka dre! Saad naman ni Aiken habang tumatawa at binabatukan ang kaibigan


Patok kaagad yung bagong transferee dito sa school ah. Pag uumpisa naman ng topic ni Aiken.

Mukha nga laging pinag uusapan eh. Pag sang ayon naman ni Ackley habang tumitingin tingin sa paligid


Sino ba yang transferee na sinasabi nyo? Tanong naman ni Rayne, naririnig ko nga rin eh pero wlang sinasabing pangalan sino ba? Dugtong nya sa tanong nya


Sasagot na sana si Ackley ng biglang may pumasok sa loob ng canteen. Malapit kasi samin ang Entrance ng canteen kaya kapag may lumalabas o pumapasok mapapansin namin kaagad.


Ate!, ate Wynter! Sigaw ni Rayne ng may pa kaway kaway habang nakatingin sa entrance. Gulat naman kaming tatlo ng mapag tanto kong sino ung tinawag nya. Hindi kami nagulat na tinawag nya ang kapatid nya dahil lagi na syang sumasabay samin sa Break time sa kadahilanang kapatid nya ang jowa ng tropa ko at classmate rin namin sya. Nagulat kami dahil kasama nya si wynter at kilala naman nitong isa. Dun ko lng napansin na sabay pala silang pumasok sa class room kanina. Ang vovo.


Dahil sa sigaw ni Rayne halos lahat mapatingin samin dahil sa sigaw nya. Dahilan para mapansin rin nung bagong pasok ang sumigaw. Lumapit sila samin para matanong kong bakit sila tinawag nitong si Rayne


Dito na kayo sa table namin..maluwang pa naman. Ok lng ba babe? Aiken? Mave?... Tanong nito sa aming tatlo. Saka ka mag tatanong kapag nag aya kna? Ang lupet rin nitong babaeng to eh


Oo nga dito na lng kayo, maluwang pa naman syaka mukhang wla ng Space. Saad naman ni Ackley. Tumingin naman ung dalawa sa paligid nila para makita kong may Space pa. Agad namang pinaalis nung nasa gilid namin ang kasama nya sa upuan nila ng mapatingin si miss sorry not sorry sa kanila. Ngumiti naman ang lalaki at labas pa ngipin. Yuck dilaw! Tss kahit paalisin mo yang kasama mo jan masikip parin. Saad ko sa isip ko


Ahh cge, order lng muna kami saad ni Raelle sa kapatid.


Babe kilala mo yun? Tanong kaagad ni Ackley ng makaalis ung dalawa. Malamang tinawag nga diba?
Ano bang nangyayare sakin at nagiging bitter ako ngayong araw?


Ahh oo pinsan ko bakit? Nagtatakang tanong nya


Sya ung transferee na sinasabi namin..


Ayy, sya ba akala ko iba? Hehe.. saad nito slow talaga


Nagulat na lng ako ng may mag lapag ng snack nya sa tabi ko. Gulat ko namang tinignan kong sino yun. Pero mas nagulat ako kong sino un. Ano ba naman to puro gulat na lng


Paupo mr moody boy. Saad nya ngunit mahina na ang Pagkasabi nya ng moody boy siniguradong ako lng ang makakarinig.
umupo na sya sa may tabi ko. Gulat naman kaming tinignan ng lahat. Dahil sa tabi ko sya umupo habang may malaking Space naman sa tabi ni Raelle na katabi si aiken. No one dare to sit beside me. Kaya malayo ang upuan ko sa dalawa.


Oh ang bilis nyo naman ata? Tanong ni Aiken ngunit gulat parin sa ginawa ng babaeng katabi ko at sa dahil narin sa mabilis silang nakarating sa amin, wla pa nga atang 3 minutes eh nandito na agad sila.


Pinasingit kami eh.. saad ni Raelle habang ngumunguya na.
Na gets naman namin kaagad ang sinabi nya at hindi na nagtanong.


Ilang kong tinignan si Aiken at Ackley ng nakatingin sila sa akin.
Tinignan ko naman sila ng What look. Nagkibit balikat naman sila at ngingiti ngiti sakin. Tss kupal


Hey, ang awkward naman. Bat ang tahimik.. reklamo ni Raelle


Oo nga eh, thats kinda strange. Sabat naman ng kapatid nya.
Mostly kasi nag uusap usap kaming tatlo ng kahit anong topic ano lng ang maisipan ganon.


Oo nga eh strange.. sabay na saad nung dalawa habang nakatingin sa pwesto ko.


What?. Matapang na tanong ko and again they shrugged they shoulder.


Ang weird nyo. I said


Mas weird ka. Saad ng dalawa. Dahilan para tignan ko naman sila ng masama. What the hell are they problem? Tumawa na lng sila. Hindi kona sila pinansin pero hindi parin sila tumigil sa kakatingin sakin na parang may something.


Anong oras na xie? Saad ni Raelle. Gulat naman ako dahil sakin sya nakatingin. Xie? Anong xie? Sinong xie?..

Ako? Pagtatanong ko sa kanya sabay turo sa sarili.


Its already 10.. saad ng katabi ko. Hindi pla ako ang tinatanong.


Wait xie? Tanong naman ni Aiken kay Raelle. Bakit xie? Wla namang xie sa pangalan nya. Naguguluhan saad nya


Uhmm, im sorry about that my name is Wynter Moxie Acruz havier. Sabay abot naman ng katabi ko ng kamay kay Aiken. Hindi ko na lng tinignan ang pag shashake Hands nila.


Aiken Centras.. rinig kong saad naman ni Aiken


Ackley James bruniel. Rinig kong saad naman ni Ackley pati rin pla sya inabottan ng kamay. Paglingon ko sa kanila ay may kamay rin na nasa tapat ko.


And you are?.. tanong nya


Maverick Spade hanser.. saad ko at agad inabot ang kamay niya dahil baka mangawit.


Aka mr moody boy huh? Bulong nya.. ngunit nakangiti


HOY anong pinaguuspan nyo jan? Care to share? Saad ni Raelle ni tatawa tawa. Sa kadahilanang malayo ang pwesto naming dalawa sa kanila



Sabi late na tayo Tara na malapit na mag start. Saad ko at naunang tumayo. From my pheriperal vision tumayo na sila at sumunod sakin.

___________________________________________
:)



























HER STARESWhere stories live. Discover now