This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Y/N POV:
Linggo nanaman, ang bilis matapos ng araw, may pasok nanaman bukas!
Kinuha ko yung cellphone ko at nakita kong may text si Lisa sakin.
"Sis, mag mamall tayo, samahan daw natin yung mga lalaki, bibili daw ng gagamitin sa kgroup festival." Sabi niya
"Ah, sige sis, sabay nalang ako kay kuya." Tinext ko pabalik sakanya.
Tumayo ako, at may napansin akong naka sabit sa aparador ko.
Uniform namin yun..Mag uuniform na siguro ako bukas, SAWAKAS.
Pumunta ako sa banyo upang mag hilamos.
Bumababa ako at pumunta sa kusina, wala si Mom at Dad, kaya tinanong ko kay Manang Cecil.
"Manang, asan sila mom?"
"Ah, pumunta sila sa Cebu kaninang madaling araw hija, may aasikasuhin daw." Sagot niya.
Bumuntong hininga ako "lagi naman sila may inaaasikaso."
Kumain ako ng pancake at uminom ng tubig.
Pumunta ako sa kwarto ni kuya at sasabihing sasama ako sa mall.
Kumatok muna ako bago pumasok, malay mo, baka nag papalit siya at baka may makita akong ibon.
Tumuloy ako at "Kuya? Pupunta kayo sa mall? Sasama ako."
"Sasama ka naman talaga. Kahit ayaw mo pa." Tumawa siya kunti.
"Yeah yeah, tss. Bye, maliligo na ako."
Umalis na ako sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko upang maligo.
Ngunit bago pa ako naligo may nag text sakin.
Picture yun namay naka sulat na "Goodmorning Y/N sama ka sa mall ha?"
Halos matapon ko yung cellphone ko nung nakita ko yung picture ni Taehyung!
"Pa fall ka ah! Eh di mo alam na fall na ako sayo. Tangina."
Hindi ko maiiwasang mag mura sa isip ko.
"Ahh, Goodmorning, oo sasama ako, bye maliligo na ako." Mag hihintay pa sana ako ng reply niya kaso hindi na ako umasa at pumunta na sa banyo.
Naligo ako ng mga 30 minutes, at kumuha ng masosoot, nag high waist akong short at pinartneran ko ito ng sando na color black sabay nag leather jacket. Pinartneran ko din ito ng combat boots, tapos nag lagay ng kunting make up.
Tumingin ako sa salamin "Anong trip to? Ang init ng pinas self ha? Tss."
Naglakad na ako pababa at nandun na si kuya, naka polo siya na black, tapos naka short na mas mataas sa knee niya, at syempre naka sapatos.
"Boyfriend vibes, pero wala naman siyang jowa. Hayst." Natatawa tuloy ako sa iniisip ko.
"Ang tagal mo naman Y/N nag hihintay na yung mga kasama natin dun, halika na." Sabay nanguna ng lakad sakin.
Nasa parkingan nakami ng mga sasakyan namin, at sumakay kami sa favorite na sasakyan ni kuya, Ferrari yun.
Pinaandar ni kuya yung sasakyan niya, at mga 20 mins yung byahe namin.
BINABASA MO ANG
(on going) Falling In love with the SCHOOL HEARTTHROB//TAEHYUNG x READER
Fanfiction" I love him, even it's hard to be with him, because his school heartthrob. " A/N UMM, SORRY PO, ngayon lang po ako susulat, HAHAHAHA, try ko po mag sulat dito sa wattpad, since mahilig ako mag basa, try ko na din mag sulat, kung may mga part po na...