CHAPTER 7//KgroupFEST

38 3 18
                                    


A/N: sa mga nag babasa po ng story ko, baka naman po.. Mag vote po kayo, at sana po i follow niyo ako. Yun lang po salamat!

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Y/N POV:

Sa mga sumunod na araw, ang awkward na satwing ka-usap ko si Taehyung. Hindi ko naman ganun iniwasan si Jungkook, lalo na pag siya kumaka-usap sakin, baka kasi mahalata niya.

Ngayon na yung araw ng kgroup festival! Gabi yun gaganapin, kaya ngayon nandito padin kami sa bahay, prina-practice kase nila yung vocal at rap line, gusto namin manood ni Lisa ngunit ayaw ng mga boys, para daw makita namin mamaya kung gaano sila kagaling.

Well, alam naman namin na magagaling sila.

Nandun lang kami ni Lisa sa kwarto ko, tamang higa lang at cellphone lang hinihintay yung mga boys na matapos mag practice at pupunta na sa school.

"Sis, tanong ko lang ha? Every year ba na may magaganap na kgroup festival?" Tanong ko sakanya.

Binitawan niya yung cellphone niya at tumingin sakin "Oo, parang yun yung pang welcome sa mga bago o di kaya sa mga nag transfer tulad mo." Sabi niya sakin.

Tumango tango ako sabay sabing "ahhh!" Napaganon nalang ako.

Bumalik nanaman kami sa pag cecellphone.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras may kumatok sa pintuan.

Tumayo ako at binuksan iyon, lumaki yung mata ko ng makita ko si Taehyung.

Naka tayo siya at naka pa mulsa sa kanyang jeans, medyo basa ng pawis yung buhok at mukha niya.

Hindi ako makapag salita at tinitigan lang siya.

"EHEM!" kunwareng ubo ni Lisa, at dun lang ako natauhan.

"A-anong k-kailangan m-mo?" Nabubulol na tanong ko

Agad naman siyang sumagot "Maligo at mag palit na daw kayo, pupunta na tayo." Sabi niya at agad akong tinalikuran at nag lakad pababa.

"Pft. Nung isang araw lang may pa halik halik ka sa pisngi ko ngayon, ang sungit mo na!" Medyo naiinis ako.

"Sis! Ako na una maliligo ha? Saan pala banyo mo?" Magka-sunod na sabi niya.

"Dun!" Sabi ko, sabay may tinurong parte ng kwarto ko, diko sure kung sa banyo ko ba talaga tinuro yun, kase naman naka tayo padin ako sa pintuan!

"WOW SIS! Banyo mo salamin! Kung bakit naman kasi ang lawak lawak ng kwarto mo parang isang bahay!" Bungasngas niya.

Humarap na ako sakanya at natawa ng bahagya "Hay nako! Dyan sis oh!" Sabi ko dabay turo sa mala aesthetic na pinto, na di mo talaga malaman kung CR ba talaga!

"Yan! Sabihin mo kase ng matino sis ha?" Medyo natatawang sabi niya at tuluyang bumangon sa kama.

"May mga twalya toothbrush na di gamit dun, may sabon din." Sinabi ko muna yun bago siya pumasok sa banyo ko.

Nag hanap muna ako ng masusoot. Dahil gabi yun gaganapin hindi ko bet mag maiksing short.

Kumuha ako ng high waist na black jeans, sando, cardigan at kinuha ko yung vans na sapatos ko.

Hindi ko na mahintay hintay si Lisa kaya pumunta ako sa isang banyo namin sa labas ng kwarto.

Habang naliligo ako plinay ko yung spotify, medyo na boboring kase ako.

(on going) Falling In love with the SCHOOL HEARTTHROB//TAEHYUNG x READERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon