CHAPTER 9

33 3 24
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

________

TINAWAG kami ni Jungkook upang kumain, may pupuntahan daw kaming isang sikat na resto.

Nag palit pa kami ni Lisa.

Nag mini dress ako at nag sandal, nag lagay din ako ng accessories at nag ayos ng mukha.

"Sis, alam ko maganda ka, kaso di ka padin gusto ni KIM TAEHYUNG. " Inaasar ako ni Lisa.

"Aish. Tara na nga, bago pa kita ipaasawa kay Jihoon!" Hinila ko yung kamay niya.

"H-hoy! Anong Jihoon?!" Pumipiglas pa siya sa kamay ko.

Tumawa nalang ako, at pumunta kami sa kwarto nina kuya.

Kumatok kami bago pumasok.

"Wow! Ang ayos ayos niyo ah? Kakain lang tayo oy!" Natatawang sabi ni Jin samin.

"Kuya, syempre, baka may gwapo sa pupuntahan naten!" Pambibiro naman ni Lisa.

Nag aayos palang sila, samantalang kami ayos na ayos na.

Makalipas ang 30 minutes sawakas natapos na sila, ang sabi ng iba magkitakita nalang daw kami sa baba, at pupunta na kami sa kakainan namin.

"Oh! Hi boys!" Si Luna una bumati samin.

"Luna! Hi sister!" Kunwaring nagbabaklahan si Hobi, at natawa naman kami.

Tumingin ako kay Taehyung,  naka tingin siya sakin actually,  parang sinusuri niya ako.

"Ano? Tara na?" Sabi naman ni Jihoon.

"Sasakay pa ba tayo? O? Maglalakad na? Para naman makita natin tong calle crisologo!" Natutuwang bigkas ni Kuya.

Kaya nag lakad nga kami!

"Sabay tayo Y/N." Tumabi sakin si Jungkook, kasama niya si Jimin at Jihoon.

"Woi! Ikaw Jungkook ah?!" Pang aasar ni Lisa kay Jungkook na tumabi sakin.

Tumawa nalang si Jungkook at lumabas na kami sa hotel, naglalakad kami papunta sa resto na sinasabi nila, ang ganda ng Calle Crisologo, feeling ko nasa 90s ako eh!

Tumitingin tingin lang ako ng nahagip ko si Taehyung at Luna, naka akbay si Taehyung kay Luna, para silang tropapips, pero alam mo yun? May sweetness talaga.

May isang heritage akong nakita,  kaya pumasok ako dun, ng hindi ko alam naka buntot pala sila Jungkook, Lisa, Jimin, at Jihoon sakin, naka sunod lang sila.

"Guys! Ang ganda nito oh!" Tuwang tuwa na bigkas ni Lisa at tinuturo yung isang key chain.

Linapitan ko yun, at oo nga ang cute, kalesa yun na gawa sa kahoy at may tatak na Vigan City.

"Bili tayo!" Singit niya nanaman! "Lima tayo diba? Libre ko kayo!"

"Naks! Ma pera si Lisa ah!" Sabi ni Jimin sabay lumapit samin. "Eh pano yung iba?" Natawa pa siya.

"Hmp! Hayaan mo na muna yung mga yun, may iba ding ginagawa eh!" Sabi ni Lisa kay Jimin, habang kumukuha ng limang pares ng key chain.

"Manang? Sagmamanu detoy?" Tumingin ako kay Jungkook

"I-Ilocano? Marunong siya mag ilocano?!"

"200 maysa pares nga tshirt nakkong." Aniya ng isang medyo matandang babae

(on going) Falling In love with the SCHOOL HEARTTHROB//TAEHYUNG x READERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon