Jungkook Feelings
Y/N POV:
Medyo nalate kami ngayon ng kuya ko, kasi late siya gumising.
Nag start na yung first class namin, luckily mabait yung teacher kaya pinapasok niya ako.
"Bat ka nalate?" Tanong ni Taehyung habang nakatingin sa harap, nakikinig.
"Late kase si kuya gumising." Sabi ko, pero nakatingin padin ako sa harap.
May sumunod pa na teacher bago break time nanaman.
"Tara na sa canteen?" Yaya sakin ni Taehyung habang si Lisa naman lumapit samin.
Inakbayan ako ni Lisa habang sinusundan si Taehyung.
Umupo kami sa lugar ng mga kaibigan namin.
Magkatabi kami ni Taehyung, kaya hindi ako makagalaw ng sobra.
Nalate na dumating si Luna,Jihoon at Jungkook.
Tumabi si Jungkook sakin, at tumabi su Luna kay Taehyung, ang kalabasan nasa gitna kaming dalawa ni Taehyung.
"Haist! Nakakainis yung math! Ang hirap!" Naka nguso si Luna. "Tulongan mo ako mamaya Taehyung, ah? Punta ako sa bahay niyo." Tumingin siya kay Taehyung.
"Ako na tutulong sayo." Si Jihoon.
Umubo si Lisa, kaya tumingin kami lahat sakanya.
Ano ba nangyayari?!
"Parang may kakaibang nangyayari ah?" Pang-aasar ni Jimin.
"Hmm, oo nga." Nag apir sila ni Hobi.
Nagtinginan kami ni Taehyung.
"May balak kaya siyang sabihin?"
Kinalabit ako ni Jungkook
"Gusto mo?"
May inaabot siyang chocolate, at kinuha ko yun.
"Thank you." Ngumiti ako.
"Ang dami niyong alam, tara order na tayo RM."
Sabat ni kuya sabay tumayo at sinundan ni Rm.
"Ang laki talaga problema ng kuya mo Y/N, haist. Kaya mas matanda itsura niya kesa sakin eh."sambit ni Jin.
Kaya natawa naman kami.
Mga minuto naka lipas, dumating na sila, binigay nila yung mga pagkain at drinks naming inorder nila.
Tahimik lang akong kumakain ng maramdaman ko yung paa ni Taehyung, tinatapakan niya yung sapatos ko. Kaya tumingin ako sakanya ng may pagtatanong na tingin.
Tinuro niya yung pagkain niya na fries gamit yung bibig.
Kaya kumuha ako ng fries, at ngumiti siya sakin.
"Y/N ito oh." Si Jungkook.
Inaabot niya yung isang naka balot na fries, at inabot ko naman yon.
Kakainin ko na sana yun, pero hinablot ni Taehyung.
Tinignan ko siya ng gulat ang mukha.
"Dude." Nagsalita si Jungkook.
"Ito sayo Y/N oh."
Hindi pinansin ni Taehyung si Jungkook.Pinalit ni Taehyung yung sakanya sa binigay ni Jungkook.
BINABASA MO ANG
(on going) Falling In love with the SCHOOL HEARTTHROB//TAEHYUNG x READER
Fanfictie" I love him, even it's hard to be with him, because his school heartthrob. " A/N UMM, SORRY PO, ngayon lang po ako susulat, HAHAHAHA, try ko po mag sulat dito sa wattpad, since mahilig ako mag basa, try ko na din mag sulat, kung may mga part po na...