Chapter 5

7 0 0
                                    

"One large wintermelon milktea for sir Yosef!"



Lumapit ako agad sa counter pagkarinig ko ng pangalan ko para kunin yung order ko at dali-daling lumabas ng shop para maglakad papasok ng campus. Papunta ako ngayon sa tapat ng main building para kitain si Brent para isauli yung handouts niya.



Mas lalo akong kinakabahan habang palapit ako nang palapit sa pupuntahan ko. Bakit ba kase sa lahat ng print outs, yung kanya pa yung nakuha ko? At bakit ba di ko muna din tinignan yon bago umalis? Nakakainis!



Medyo pinagpapawisan na ako dahil lakad-takbo na ang ginagawa ko at sobrang taas pa ng araw ngayon. Sobrang init pero wala na akong panahon mag payong dahil baka lalo lang ako matagalan. Binilisan ko na lang lalo ang paglalakad ko.



Pagdating ko sa tapat ng main building, lumingon lingon ako para hanapin kung nasaan siya nakapwesto. Wala masyadong taong naglalakad ngayon kaya agad ko siyang nakita nung itaas niya yung kamay niya na may hawak na blue na book bind para makuha yung atensyon ko.



I really don't know why, pero sobra akong kinakabahan ngayon habang naglakad papunta sa kinatatayuan niya. Naglakad din siya pasalubong sa akin at nakatayo na kami ngayon sa may lilim ng isang malaking puno.



"Yosef, right?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa first page ng print outs na hawak niya kaya napatingin din ako don. Apat na pangalan ang nakalagay sa cover page ng thesis namin kaya nagtaka ako kung pano niya nalaman ang pangalan ko.



I nodded my head as confirmation to his question, "Pano mo nalaman kung alin diyan ang pangalan ko?" I pointed at the hand outs.



"Naiwan mong bukas yung account mo sa computer kanina. I accidentally saw your name and I concluded na ikaw yung nakita ko kanina sa shop. Doon ko din nakuha yung email address mo." He explained.



Naiwan ko palang nakabukas yung account ko don? Ano bang katangahan ang trip ko ngayong araw?



"I'm really sorry for causing you trouble. Nagmamadali kase ako kanina, di ko napansin na maling print outs pala yung nakuha ko. Pareho kase yung kulay ng book bind." I bit the insides of my lower lip when I realized how my stupidity took me to this awkward situation.



"Ayos lang. You seemed distracted din kanina kaya di mo siguro napansin." He crossed his arms on his chest after speaking as if he wants me to explain my side.



"H-hindi naman. Nagmamadali lang talaga ako kanina." Nauutal-utal kong sagot.



Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan ngayon. Pero mas naiinis ako dahil alam ko sa sarili ko na tama yung hinala niya. I was distracted by his presence!



"You also seem uneasy right now." He paused and his lips formed a smirk, "Does my presence bother you?"



Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. I didn't expect that from him. Di ko alam na over confident pala tong taong to. Akala ko lasinggero lang, pero turns out, makapal din pala mukha. I composed myself immediately before talking back.



"Uhh, I think you got the wrong idea." I shook my head a little, "look, I'm really sorry for what happened and I'm thankful dahil binalik mo to sakin pero please, don't get me wrong. You don't have that kind of impact to me or whatever you think it is. I don't even know you." I lied.



"Hmm... really?" He paused for a bit, "that's weird cause you look kinda familiar to me. Have we met before?"



Shit!



Lost in Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon