Next Game"Next game ulit?"
Next morning maaga akong nagising. Ginawa ko ang morning routine ko. Konting exercise pag tapos ay kumain, maligo at magbihis.
Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa school. Dumiretso agad ako sa room namin. Naabutan ko doon na lahat sila ay tahimik iyon pala dahil may guro sa harapan. Hindi nagdidiscuss ng lesson kundi ang tungkol sa gaganapin na Intrams.
Nakinig na lamang ako. Madali rin namang natapos ilang mga paalala lamang ang sianbi sa amin. Pumunta na kaming lahat sa field para mag-training ulit. Ang init sa balat ng sikat ng araw.
"Hi, nagkita ulit tayo."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si kuyang towel. Naglalakad sya papunta sa akin at may dalang payong. Tumabi sya sa pwesto ko saka ako pinayungan.
"Hindi ko pa nalalabhan ang towel mo kaya bukas ko pa maisasauli."
"It's fine." Tumingin sya sa mga estudyanteng naglalaro saka nagsalita ulit.
"Siguro marami kang alam na laro." Tumingin sya sa akin.
"Not much, pili lang." Gumanti ako ng tingin.
I can play foot sal, volleyball and badminton. Marunong din naman akong lumangoy pero hindi qualified sa pagiging swimmer so nag focus ako sa footsal.
"Goodluck sa next game."
"Thanks."
Bumalik na akong muli sa pagtraining. Wala pa rin si coach hanggang ngayon kaya kahit anong oras ay malaya kaming magdesisyon kung anong oras namin gustong magpahinga.
"I'm so malagkit na!"
Pagrereklamo ni Gia dahil basang-basa na ng pawis ang sando nya. Uminom ako ng tubig para pawiin ang uhaw ko. Kulang!
Lumabas ako ng school para maghanap ng tindahan na pwedeng bilhan ng mineral water. Swerte! May malapit na bukas.
"Ate mineral water nga po dalawa."
Nang maiabot ko na ang bayad, napaubo ako dahil sa usok ng sigarilyong nalanghap ko. Gusto ko talagang matawa sa black eye nya pero wala ako sa mood ngayon.
Bakit sa mismong mukha ko pa nya ibubuga ang usok?!
"Ilunok mo! Wag kang bastos!"
"Hindi pa ako nakahubad wag kang magsalita na bastos." He smirked.
Tinalikuran ko na sya kaagad at naglakad pabalik. Wala naman akong mapapala sa pakikipag-usap sa kanya.
Palibhasa natalo kaya sa ibang paraan sya gumaganti! Kainis!
Maagang natapos ang training namin kaya maaga rin akong nakauwi. Pagdating sa bahay agad akong nagshower. Nagluto lang ako saka kumain. Bukas ko na liligpitan ang mga plato. Nakakatamad!
Pinulot ko ang isang pirasong papel na nakalapag sa mesa ng kwarto ko. I'm still thinking about it kahit na nakapedida na ako. Bahala na! Wala namang masama kung susubukan. Ang masama lang kung matalo!
My phone rang.
"Hello."
"Hey! Musta?"
BINABASA MO ANG
Don't Play With The Bad Boy
RomanceVAUGHN GALLAGHER, a famous bad boy in and out on their town. Also known for being a billionaire but all he did was gang war and vices. He never listen to anyone because all he knows that he's always right everytime he speaks and when he decide for o...