For as long as I remember, he's the only one I coveted, he's the only one who can make my heart in turmoil and peace at the same time. And now, I am finally walking down the aisle looking in front of God with the man I love the most. My knees were trembling, as my heart were beating fast. My eyes were glued on him as I walk forward. People were happily looking at me but my eyes were too focused on him to noticed them. But among all known emotion the one that really reigns over is Ecstatic, that's what I am feeling right now. When I reached the last step closing the distance between us I knew, this is my happily ever after.......
Well at least for me..............
"Iho, ikaw na ang bahala sa anak ko" ani ng aking ama nang iaabot nya ang aking kamay sa mapapangasawa ko.
"S-sige po" naiilang na tugon ni Marco nang abutin nya ang aking kamay mula sa aking ama.
"Mahalin mo at pagsilbihan mong mabuti ang iyong mapapangasawa, Kiara" paalala saakin ng aking ama bago nya akong iwanan sa harap ng altar.
"Opo Tatay" Nakangiti kong tugon sa aking ama.
Tumingin ako kay Marco ngunit mabilis nyang iniwas ang kanyang tingin. I know, what's in his mind but I opt to ignore that for the sake of this day. I can't ruin my dream, I can't ruin our wedding day.
After the ceremony, we immediately headed to our house where the reception will be held. Naging tradisyon na dito na sa bahay ng babae gaganapin ang pagdiriwang at salo salo pagkatapos ng kasal. Matapos tawagin ang lahat ng abay at mga ninong at ninang ay dumagundong na sa buong reception ang tunog na pangkasal. Sobrang daming bisita ang dumalo kaya nahirapan akong bumaba ng aming sinakyang pangkasal.
"Mga kabaryo't mga kabaranggay, salubungin natin ang bagong kasal" masayang pagbati samin ng Emcee ng aming kasal. Masigarbong palakpakan ang sumalubong sa aming dalawa kasabay ng malakas na musika.
Nanlalamig ang aking kamay habang tinungo namin ang gitna ng entablado na hinanda para sa aming mag-asawa. Nakangiti kong tinignan at binati ang mga bisita. Magkahawak ang aming kamay nang tinungo namin ang aming upuan.
Nang makaupo kaming dalawa ay sinulyapan ko si Marco na mababatid mo ang pagka asiwa. Marahan kong pinisil ang kanyang kamay ng maagaw ang atensyon nito.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Tiningnan nya lamang ako at pinili na lamang tumgin sa mga tao.
Matapos ang ilan pang pagpapakilala at pagbubukas ng hapag ay inanyayahan na kami sa gitna para sa seremonya ng sabitan. Karaniwan itong ginagawa bilang paunang hanap buhay daw ng mag-asawa. Naiilang man ay ako na ang unang tumayo at hinigit ko na lamang ang aking asawa na tumayo. Napipilitan syang tumayo at naglakad na sa gitna. Mula sa lamyos ng musika ay nagsimula na kaming magsayaw. Nakahawak ako sa balikat ni Marco habang sya naman ay napipilitang humawak sa aking bewang.
"M-marco.." pagtawag ko sa kanyang atensyon na ngayon ay nakatungo.
"Bakit" Naiinis na tugon niya.
"Kahit ngayon lang, wag mo naman akong ipahiya sa mga tao, parang diring-diri ka kung makahawak ka sakin" mahina kung bulong sa kanyang tenga.
"Ano bang gusto mo? Magpanggap ako sa maraming tao!" may diin nyang tugon na halata na ang pagkainis.
"K-Kasal natin to, kahit konti lang Marco, kahit ngayon lang, magpanggap ka naman na masaya ka" naiiyak kong tugon sa kanya.
"Hindi kita mahal! May mahal akong iba, hindi mo ba yon maintindihan!" Mahina ngunit sapat na para magdulot ng luha sa aking mga mata. Humigpit ang kapit nya sa aking katawan at halos magdikit na kaming dalawa.
YOU ARE READING
I Wish I never Loved Him
RomansaKiara Ortega never wish for anything fancy, she was always contented in her simple life in their province. She never wish for anything but a simple and a happy life with her father. But when Marco Cielo Tovar set his foot on their town, she instantl...