𝐏𝐨𝐞𝐭𝐫𝐲 | 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐤𝐢𝐭
kay gandang masdan ang dilag na ang
kagandahan ay walang kupas gaya ng liwanag
ng araw at buwan—
ngiti'y nakakabighani't nakakaliyo
bungisngis ay nakakahawa pagka't ito'y tunay at
walang pagpapanggap na dulot
kanyang mata'y waring daan patungo sa ibang mundo
balingkinitan ang katawan at kayumanggi ang kulay ng kanyang balat
tunay na isang marikit na dilig
—
ngunit sa likod ng mapanghangang mata ng lahat
pagkatao'y nababalot ng pighati at pagkasalat
sa likod ng pinto ng kaniyang silid—
nagtatago ang isang dilag na natatakot
natatakot na baka kanyang kariktan lamang
ang kanilang pakay

YOU ARE READING
Flipping Pages
General FictionProse and Poetry Book Cover by: @thejonaxxart Language: Filipino/English