• WELCOME TO THE
PARADISE OF DEATH •Nagulat ang lahat ng Staff ng Paraiso maging ang ibang guest ng biglang may marinig na malakas na sigaw galing sa isang silid.
Agad namang pinuntahan ni Ms. Kim at iba pang staff ang sigaw na iyon na galing sa kuwarto ng kanilang amo.
Gulat at awa ang makikita sa mga mata nila Ms. Kim nang sandaling masilayan ang dalaga na sumisigaw dahil sa sakit.
Sa lakas ng kanyang sigaw ay nabasag ang ilang mga gamit doon.
"Argg!"sigaw ng dalaga dahil sa sakit na nagmumula sa kanyang likuran.
"Ms. Dawn!" nag aalalang sabi ni Ms. Kim saka nilapitan ang dalaga at tinignan ang likod nito na parang napapaso dahil sa iniwang marka doon ng Dyosa.
"Ms. Dawn,kumalma po kayo" nag aalalang sabi ni Ms. Kim saka niyakap ang dalaga at unti unti itong kumalma.
Bukod sa markang sumpa at sa paraiso na iniwan ng dyosa ay nagtaglay din siya ng kapangyarihan na isa ring sumpa.
Nakatulog ng mahimbing ang dalaga nang sandaling tumahan ito mula sa sakit na kanyang naramdaman,kaya bumalik na muli sa trabaho ang lahat.
"Ayos lang ba si Ms. Dawn?" nag aalalang tanong ni Zynon na isa sa mga staff ng Paraiso.
"Hindi ko alam..." iyon na lamang ang naitugon ni Ms. Kim
"Dahil ba iyon sa marka?"tanong naman ni Mr. Philip na siyang Chief butler ni Dawn.
"Siguro...dahil sa nakita ko kanina ay parang napapaso ang kanyang balat dulit ng markang iyon." sagot nito.
"Hindi ba't isa iyong rosas na may buwan sa itaas?" tanong muki ni Zynon. "Napakaganda ng marka ngunit napakasakit nito sa balat" dagdag niya pa.
napabuntong hininga na lamang sila atsaka bumalik sa trabaho.
Ilang saglit pa ay may isang babaeng buntis ang pumasok doon na tila galing sa isang aksidente.
"Dito kaba inihatid ng grim reaper?" tanong ni Zynon nang malapitan ang babae at tumango naman ito.
"Sumama po kayo sakin at ituturo ko ang daan papuntang Paraiso." dagdag pa ni Zynon ngunit umiling lamang ang babae at isa isang tumulo ang kanyang luha.
"marahil ay hindi pa siya handa,hayaan mo muna siyang magsaya dito bago pumunta sa Paraiso." sambit ni Ms. Kim atsaka inihatid ng staff ang babae sa isang silid.
Bago pa man makapasok ang babae sa silid ay tinanong niya ang staff na naghatid sakanya.
"ano ang lugar na ito?"nagtatakang tanong niya ngunit wala siyang nakuhang sagot dito.
"Ito ang Paradise of Death" sagot ni Mr. Philip ng sandaling maabutan ang babae at marinig ang tanong. "Ako na ang bahala dito" utos nito sa staff kaya sumunod ito agad.
"Paradise of d-death?"nagtatakang tanong nito. "P-patay na ako?"naiiyak na tanong nito saka hinimas ang kanyang tiyan.
"Sa ngayon ay nasa pagitan kapa ng buhay at kamatayan at sa sandaling pumaroon ka sa Paraiso ng buhay ay hindi kana makakabalik pa." pahayag nito sa babae ngubit natulala ito.
"Hindi pa ako pwedeng mamatay!"umiiyak nitong saad saka napaluhod. "Paano nalang ang sanggol na dinadala ko?"hagulgol nito at tinulungan siyang tumayo ng butler.
"Ngunit mahirap na ang makabalik pa" iyon na lamang ang sagot nito saka ito pinapasok sa silid.
Panay ang iyak ng babae at nahiga sa kama na naroon sa loob ng silid.
"Hindi pwedeng patay na ako..."namamaos na sabi ng babae atsaka nakatulog sa kakaiyak ngunit nagising ito ng sandaling maramdaman ang presenya ni Dawn na naroon at nakaupo sa kanyang harapan.
"s-sino ka?"takot na tanong nito.
"Ako ang may ari ng Paradise of death at kailangan mo nang tumawid sa paraiso ng buhay" tugon niya ngunit umiling lamang ang babae at muling umiyak.
"hindi maari! pakiusap hayaan mo akong mabuhay" pagmamakaawa nito kay Dawn atsaka lumuhod bagaman nahihirapan sa kanyang dinadala.
Tinignan lamang siya ni Dawn atsaka naglakad papunta sa pintuan.
"Gagawin ko ang lahat!" sigaw ng babae kaya napahinto si Dawn sa paglakad atsaka hinarap muli ang babae.
Ngumisi muna ang dalaga bago nilapitan ang babae. "lahat?" tanong nito at tumango naman ang babae bilang sagot.
Hinawakan ni Dawn ang tiyan ng babae atsaka tumingin sa babae.
"May pera kabang naiwan sa mundo ng mga tao?" tanong nito ngunit natigilan ang babae at umiling."Kung ganun ay hindi kita matutulungan"sagot nito ngunit muling nakiusap ang babae.
"pakiusap,lahat gagawin ko para lang sa anak ko" pakiusap nitong muli kay Dawn.
Huminga ng malalim si Dawn saka muling nagsalita. "May isa pang paraan..." saad niya. " Muli kang mabubuhay kasama ang iyong anak ngunit sa ika dalawampu't isang taon ng anak mo ay kukunin ko siya.." nakangising sambit nito kaya natulala ang babae.
"p-payag ako" ilang saglit bago nagsalita ang babae at iyon ang kanyang naisagot.
Hinawakan ni Dawn ang Kamay ng babae atsaka ito hinaplos.Napadaing ang babae ng sandaling may marandaman na kirot sa kanyang pulsuhan at nang bitawan iyon ni Dawn ay may Marka doon ng isang buwan na may maliit na rosas na itim.
"Sa takdang panahon ay maipapasa mo ang marka na ito at isang regalo ang matatanggap ng anak mo." sambit muli ni Dawn saka tinalikuran ang babae.
"Time of death 12:28" anunsyo ng doktor ngunit laking gulat nila ng muling magkabuhay ang katawan ng babae at nagmulat ito ng mata,kaya mabilis itong inasikaso bagaman ay gulat dahil sa isang milagrong naganap.
'hindi mo matatakasan ang pangakong binitawan mo....'
Rinig ng babae ang isang pamilyar na tinig atsaka niya napagtanto na totoo ang lahat ng iyon kaya isa isang pumatak ang mga luha sa mata niya.
-------------
A/N
paradise of death- is parang isang hotel siya.
paraiso ng buhay- afterlife.
gawa gawa ko lang po ang lahat ng iyan at inspired by HOTEL DEL LUNA po ang story na ito!
Sorry po sa typos and etc hehehe
BrokenSoulOfMoonEmpress
![](https://img.wattpad.com/cover/227992262-288-k256722.jpg)