CHAPTER TWO

1 0 0
                                    


• Who let the evil spirit go?! •

2 hours before the accident.....

"Baby, paglabas mo aalagaan kita ng higit pa sa buhay ko" bulong ng ina sa kanyang sanggol sa sinapupunan.

Ilang saglit pa ay lumapit ang isang babae na mala dyosa ang ganda kaya napatulala siya sa pagkamangha.

"Mukhang dinadala mo ang sanggol na nakatakdang baguhin ang babaeng isinumpa." nakangiting saad nito sakin.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" naguguluhan man ay nakangiti parin itong nagtanong sa babae.

"Maganda ang magiging kinabukasan ng anak mo kaya alagaan mo ang sarili mo" tugon nito at binigyan siya ng kwentas na hugis rosas.

"para saan po ito?" tanong muli nito.

"proteksyon iyan laban sa mga evil spirits" saad niya saka tumalikod at pinagmasdan naman niya ang kwentas na iyon saka isinuot.

----

Marii's Pov

Pinagmasdan ko ang babaeng binigyan ko ng kwentas saka napayakap sa aking sarili ngunit ganun nalang ang gulat ko nang may maramdaman akong nakayakap sakin kaya mabilis kong nilingon ito at nagulat ng makita ang mukha ni Vaughn na nakapikit at ninanamnam.

"bitiwan mo nga ako KAMATAYAN!" singhal ko sakanya kaya agad siyang napabitaw at sumama ang titig sakin.

"GRIM REAPER kasi yun!!" nakanguso niyang sabi sakin kaya napatawa ako. "O kaya Vaughn! Hindi KAMATAYAN!" dagdag niya pa at mas lalong humaba ang nguso niya.

" Ang arte mo! Pinaganda mo pa eh tagasundo ka naman talaga ng mga patay!" biro ko sakanya at maya maya pa ay naglaho siya.

Napatawa ako dahil sa inasta niya.
"Napakapikonin talaga." sabi ko sa sarili  saka nagtungo sa aking tahanan.

----

20 years later....

Dawn's Pov

Abala ako sa pagbabasa ng mga dokumento ng ilang mga guest na handa ng pumaroon sa paraiso ng biglang magtatakbo si Zynon at humahangos.

"Ms. Dawn!!!!" malakas nitong sigaw dahilan upang marindi ako at sumigaw ng mas malakas.

"ANO?!!!!" dahil sa inis ko at nakita kong natigilan siya saka napakamot sa kanyang batok. "ano yun Zynon?" kalmado kong tanong sakanya saka siya nagsalita.

"Nakatakas po yung nasa room 13" sabi niya saka itinuro ang labas ngubit sa halip na magulat ay napa iling ako.

"BAKIT NAKATAKAS?!" sigaw ko sakanya dahil sa inis at dagdag na namang trabaho ng letcheng evil spirit na iyon.

"Ms. Dawn naman ih!" nakanguso niyang sabi sakin kaya ngumisi nalang ako.

"Hala sige ako na bahala dun" sabi ko saka huminga ng malalim. "pero tapusin mo itong ginagawa ko" sabi ko sakanya saka umalis.

"Ms. Dawn!pano ba ito?"sabi nalang sa sarili ni Zynon saka napakamot sakanyang sarili.

Naglakad ako papuntang room 13 upang siguraduhin nakalabas nga ito.

"May pumasok ditong mortal."sambit niya saka naglakad palabas ng Hotel.

Pinakatitigan ko ang bawat lugar na dinadaanan ko dahil talagang napakaganda ng mga ito.

Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang tahanan ng diwatang sumumpa sakin.tss

Napairap ako ng makitang nakaabang ito at kasama ang isang babae.

Fly me to the moonWhere stories live. Discover now