CHAPTER THREE

2 0 0
                                    


• CATCH THE FALLACIOUS
NAUGHTY EVIL SPIRIT •

Dawn's pov

Napabuntong-hininga ako ng sandaling makita ko ang letcheng evil spirit na'to na pagala-gala at balak biktimahin ang isang binata.

Ngunit bago iyon mangyari ay mabilis ko siyang pinuntahan atsaka kinaladkad at nagpupumiglas naman yun.

"Alam mo ikaw? napakasakit mo sa ulo!" singhal ko sakanya kaya napayuko siya.

Sa totoo lang ay hindi talaga siya evil spirit,tss.

Sinumpa lang siya ng isang pamilya,kaya nabansagan siyang evil spirit.

"Ano sa tingin mo yung gagawin mo doon sa binata ha?!" muling singhal ko sakanya.

"Ang cute niya kasi naalala ko lang yung fiancé ko sakanya" nakanguso niyang sabi saka tinignan ang engagement ring na nakasuot sa kamay niya.

tss.

Siya ang patunay na kahit mga patay ay may tinatago paring kaharutan sa katawan.

"Bumalik kana sa Room 13" sabi ko nalang saka nagbitaw ng sunod sunod na hininga.

"Babalik lang ako sa isang kondisyon" saad nito sakin kaya napabaling ako sakanya.

"Ano yun?" wala sa sariling tanong ko sakanya.

Well,sayang yung pera kaya gagawin ko nalang ang request ng isang to.

"Nabalitaan ko na comatose parin si Red" sabi niya na tinutukoy ang fiancé niyang comatose parin simula nung aksidente 5 years ago.

"tapos?" umiirap na tanong ko.

"Alam ko na makakatanggap ka ng pera pero dapat gawin mo muna yung gusto ko" sabi niya na oara bang nagbabanta sakin.

"ANO BA KASI YANG LETCHENG REQUEST MO?!" singhal ko sakanya at nakita ko naman ang gulat sa mukha niya.

"Paligoy-ligoy kapa!straight to the point,tell me" sabi ko sa kalmadong paraan baka kasi maging bato yung pera kaya kailangan kong maging mabait ng isang pursyento.

"I want a ghost marriage" nakayuko niyang sabi at natigilan ako sa sinabi niya.

"Ghost marriage?"pag uulit ko sa sinabi niya at tumango naman siya.

"Okay fine!"sagot ko at nakita ko naman sa mukha niya ang saya.....
at pagdadalawang isip.

Matapos nun ay mabilis ko siyang ibinalik sa room 13 atsaka pinuntahan si Ms. Kim

"Nareceive naba?" deretsong tabong sakanya.

"Yes, Ms. Dawn at natransfer nadin ang pera sa Account mo." tugon niya kaya napangiti nalang ako.

"Papuntahin mo dito si Zynon kasama si 1st choice may misyon ako sakanilang ipapagawa." sabi ko nalang habang nakapikit ang mata.

"Yes,Ms. Dawn" sagot niya naman at naramdaman kong nakalabas na siya.

Ilang minuto pa ay dumating na silang dalawa.

"Ano po ipapagawa mo samin Ms. Dawn?" tanong agad sakin ni Claire,tss.

"Actually,Ikaw lang dinama--"

"Pareho ko kayong ipinatawag so Means that both of you will do the same job." pagputol ko kay Zynon kaya napamaang siya at nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Claire.

"Yes,Ms. Dawn" sagot nalang ni Zynon habang nakanguso.

"Zynon,You remember the pregnant woman 21 years ago?" tanong ko kay Zynon saka napahilot sa aking sintido.

"Yeah"maikli niyang sagot sakin.

"Its time for her to pay her debt" saad ko saka siya tinignan ng deretso sa mata. "Bring me her son" dagdag ko saka sila tumango at sabay umalis.

----

Zynon's Pov

Nagmamadali kaming umalis ni Claire para gawin ang inutos samin pero ganun nalang ang gulat ko ng makitang natapilok si Claire.

"Aray!" sigaw niya marahil sa dulot na sakit nun.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay imbis na tulungan ko siyang bumangon ay natawa ako kaya natigilan siya at masamang tumitig sakin.

"Asshole!"malakas niyang sigaw sakin kaya mabilis akong huminto sa pagtawa.

"stand up and let's go.You clumsy idiot" saad ko saka naglakad palabas ng Hotel at nakita ko naman siyang paika ika.

Awtomatiko akong napahinto ng makitang tatlong pulgada na ang layo ko sakanya.Tss

Mabilis akong lumapit sakanya.

"What are you doing?" takang tanong niya sakin.

"umangkas ka sa likuran ko" sabi ko nalang.

ngunit nagtuloy tuloy siya sa paglakad at hindi pinansin ang offer ko.

"I can walk" ani Claire na pinipilit paring lumakad.

Ngunit dahil nagmamadali ako ay mabilis ko siyang binuhat kaya nagulat siya at nagpupumiglas.

"Put me down!I said I can manage to walk,Asshole!" sabi niya na nagpupumiglas parin at dahil sa inis ko ay ibinaba ko siya.

"You want to live?" tanong ko sakanya kaya nagtaka siya.

"Of course Asshole,what kind of question is that?!" tugon niya sakin na may halong pagkairita.

"Then walk faster If you don't want Ms. Dawn to kill you" sabi ko nalang sakanya at nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko kaya mabilis siyang umakto na nagpapabuhat sakin,kaya bahagya akong natawa.

"Buhatin mo na ako gago!" singhal niya sakin kaya napatawa ulit ako. "I want to live" mahina niyang sabi kaya binuhat ko siya at isiniksik niya naman ang kanyang mukha sa dibdib ko dahil sa sobrang hiya.

Tss,Idiot as always.

Fly me to the moonWhere stories live. Discover now