• THE NEW MANAGER'S ARRIVAL •Laurence Pov
'gustuhin ko man na manatili sa iyong tabi ay hindi ko magahawa dahil isang himalang pagkakataon lamang ang naibigay sakin.
Alam kong sa ngayon ay hindi mo pa maiintindihan ngunit totoong matagal na dapat tayong wala sa mundong ito,kung hindi lamang tayo iniligtas ng isang babae at ibinigay satin ang markang ito.
Kaya nagpapasalamat ako sakanya at binigyan tayo ng mahabang panahon upang magkasama.'
iyon ang huling mensahe sa akin ng aking ina bago siya pumanaw sa araw ng aking kaarawan.
Ang sabi niya ay may kukuha sa aking tao upang pagbayaran ang panahon na ibinigay sa amin ng aking ina.
Kahit na hindi ko alam ang mangyayari ay kailangan kong sumunod dahil masaya akong nagkaroon kami ng ganoong pagkakataon galing sa isang mahiwagang tao na ni minsan ay hindi ko aakalahahing totoo.
"kayo na marahil ang susundo sakin" sabi ko nalang ng maramdaman ang presensya nila.
Ngunit ganun nalang ang gulat ko kaya naman napasigaw ako.
"Bakit ka nakalutang?" tanong ko dito sa dalagang nakalutang na animo'y buhat buhat.
"put me down" nakangusong sabi nito sa sarili?
lumapit siya sa akin at may ibinigay na isang maliit na bote.
"Ano ito?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Claire,Is the name.And that is a sacred water for you to see what normal people can't." ani Claire
Tinignan ko muna ang boteng iyon.
wala naman sigurong lason 'to hindi ba?
Binuksan ko iyon atsaka ininom.
Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng medyo pagkahilo at nawalan ako ng malay."Bakit ba ang bigat niya?!" tinig ng isang babae.
"ZYNON!!!!!" isang malakas na sigaw muli nang babae.
"m-ms. Dawn" nauutal na sagot niya sa babae.
"BUHATIN MO NGA YAN!" sigaw nito ngunit bago pa makalapit sa akin iyong Zynon? ay nagmulat ako ng mata.
"Oh he's awake" sabi nito kaya napatingin sa akin iyong babaeng tinatawag nila na Ms. Dawn at inirapan ako?
taray ah?
"Na'san ako?" nagtatakang tanong ko dahil nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.
"I'm Zynon,and you are in the paradise of death."tugon ni Zynon sa akin kaya naoatango na lamang ako pero.....
paradise of death?!!!
"PATAY NA BA AKO?!!" malakas na tanong ko dahilan upang matawa ng bahagya si Zynon.
"Tss"
"No,You are the new Manager of this Hotel.." muling tugon ni Zynon sa tanong ko."The paradise of death." dagdag niya pa.