Maaga akong nagising hindi dahil sa alarm sa cellphone ko kundi sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako dahil ito ang unang araw ko sa probinsya. Sayang naman ang tatlong buwan kong bakasyon kung hindi ako magbabakasyon. Naligo at nagbihis ng simpleng bistada at gora na kaagad akong bumaba. Naabutan ko sina mommy at daddy na masayang nagbebreakfast kasama si nanay Rosita. Agad naman nila akong napansin at inaya na kumain na. Pinag-usog ako ni dad ng mauupuan sa tabi ni mommmy at sabay sabay kami kumain.
"Nga pala po mom, dad gusto ko po sana mamasyal dito sa Del Carmen. Uhm susulitin ko lang po kasi yun bakasyon. Mom dad allow me pleaseee." banggit ko sa magulang ko sa gitna ng aming masayang pa-aalmusal. Nagkatinginan naman ang magulang ko at sabay silang tumango.
"Yes! Thank you mommy and daddy!!" umalis ako sa upuan at niyakap sila ng mahigpit. My mom and dad are the best as always!
"Pero anak, sasama kami. We are allowing you to roam around na ikaw lang okay?" payo sa akin ni daddy na agad ko naman tinanguan.
Pagkatapos nga namin mag-almusal, umalis na kami at kasama namin si nanay Rosita na syang nasa tabi ng driver. Isang oras kaming naglakbay papunta sa Sugba Lagoon. Ayon kay nanay Rosita, tampok ang lagoon na ito dahil sa pagkakahawig na rin nito sa Palawan. Nang narating na namin ito, ay halos mamangha na lang ako sa ganda ng lagoon na ito. It's very refreshing.. Iniwan na namin ang van sa kung saan at si manong na rin naman ang maiiwan roon. Marahil baka pumunta sya sa karatig bayan upang maglibot libot rin at hindi na mabagot. Itetext na lang sila nina mommy kapag magpapasundo na kami. Sumkay kami sa bamboo raft na nirentahan namin at inikot ang buong lagoon. Di ko sukat akalain na sa murang edad ko ay makikita ko na ang kagandahan ng kalikasan. Ang kalikasan na dapat nating alagaan. Dala ang polaroid camera ko, pinicturan ako ni mommy habang nakatalikod at nakaupo sa bamboo raft at kung ano-ano pang mga post.
"Ang ganda ganda ng posing ng apo ko ha. Pang millenial nga. Pagaya nga turuan mo si nanay Rosita apo" agad na nag pose si lola na nakatalikod habang nakataas ang dalawang kamay kagaya ng ginawa ko.
Nabalot ang sinasakyan namin ng hagikhikan at tawanan. Nag picture nga kami ni nanay Rosita at ginagaya nya ang mga post ko! Katulad ni nanay Rosita ay nakapag picture ako kina mommy at daddy. Pagkatapos ng napakatagal na pangunguha ng litrato,ay naisipan ko na mag swiming. Mabuti na lang talaga at may shorts ako kaya somehow, I'm ready to this kind of adventure. Hindi pinalampas ni mommy ang pangunguha sakin ng litrato habang lumalangoy ako.
"Mom dad!! Halika po let's swim" pag-aaya ko sa kanila dahil wala ata silang balak na samahan ako sa paglalangoy.
Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa dagat o sa kahit saan mang tubig. Lagi kasi kaming nag aadventure kaya minahal ko na rin ang paglalangoy.
"No anak. Ikaw na lang. Wala kaming pamalit na damit eh mas mabuti ka pa nakapag ready. Go on, we're okay naman" my mom said.
Nginitan ko sila at patuloy na lumangoy. Pagkaahon ko, naabutan ko silang masayang nagkukwentuhan nagbabalik tanaw sa kabataaan ni daddy maging ang pagiging bubwit nito noon. Dumako ang tanghalian at naisipan namin na kumain sa Pontoon House kung saan nagseserve sila ng naglalakihang seafoods katulad ng squid or calamari. May kamahalan man, pero sulit na sulit dahil sa sobrang sarap nito. Kumain kami ng nakakamay habang hindi natigil ang kwentuhan at asaran nina daddy at nanay Rosita.
"Di bale bukas na bukas Rafael, dadalhin ko dito yung apo ko. Kwan masipag yon at maaasahan." banggit ni nanay sa apo nya raw na dadalhin sa mansion dahil naghahanap si dad na pwedeng maging gardener pansamantala habang naghahanap pa ng kapalit sa lumayas na gardener noong isang araw.
"Okay lang po ba nanay sa apo mo eh baka nag aaral pa po yun?" tanong ni daddy.
Agad naman sinagot ni nanay at napag alaman namin na nag aaral pa nga ito pero bakasyon naman raw at walang ginawa kundi ang magbasketball, kaya napagdesisyonan na ni nanay ang pagtrabahuhin muna.
BINABASA MO ANG
Take me Back
RomanceMasaya. Masaya ang magmahal pero paano ba masusuklian ang pagmamahal? Pano ba masasabi na nasa tamang tao ka na? Kapag madami na kayong pinagdaanan? Kapag kinasal na? Is it possible to stop loving kapag nasaktan ka na? Meet Tishara the girl who exp...