Apat na taon na ang nakalipas simula nang makilala kita. Unang tibok ng puso, unang pagsinta, at unang pag-iyak ng batang puso. Sa murang edad, hindi kita naipaglaban sa iba. Ngunit ngayon na bumalik ka na, handa na ba kitang ipaglaban o handa na naman kitang iwanan?
Apat na taon kitang hinintay. Apat na taon na umasa na maaari pa tayong dalawa. Hinintay kita kahit na alam kong pwedeng may iba na sa puso mo. Sa pagbalik ko, handa mo na ba akong ipaglaban o sa pagkakataong ito, ako na ang bibitaw?
Tishara's POV
" Ara huy tulala ka na naman?! Ano ba bakla palagi ka na lang ganyan sa tuwing naririnig mo yang Forever ng Ambassador na yan ah." pag-usisa sakin ng best friend ko na si Hanie Gomez. Itong babaeng to talaga napaka usisera.
" Sabihin mo nga sakin Tishara Liezl Hernandez kung bakit palagi na lang yan ang pinapakinggan mo ? Aba te, sa pagkakaalam ko no boyfriend since birth ka pero kapag naririnig mo yang kantang yan para kag di maka move on sa ex mo ha. O baka nagdadrama ka na naman?! HAHAHA aba wag m--"
"Shhhh !!!"
Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa ingay ng best friend ko. Ang dami na kayang nakatingin sa amin sa library! Tong babaeng to di man lang kayang magsalita ng mahina lang.
" Labas na tayo Hanie. Nakakahiya na baka pagalitan pa tayo lagot na naman tayo sa mommy mo" agad ko sya hinila palabas.
Tama nga sya palagi na lang ko natutulala sa awiting yon. Ilang taon na nga ba ang lumipas pero sa t'wing naririnig ko ang kantang yon, patuloy akong bumabalik sa nakaraan. No boyfriend since birth..nagkakamali ka riyan Hanie dahil sa edad kong to, minsan na akong umibig. Sa edad na labing tatlo, naranasan ko na ang magmahal ng lubusan sa lalaking anim na taon ang agwat sa akin. Nasaan ka na kaya? Kamusta ka na kaya? Matutupad parin ba ang mga pangako natin sa isa't-isa?
I was thirteen years old way back then, and you were nineteen years old when we met...
I was thirteen and you were nineteen when we started to build our future..
I was thirteen and you were nineteen when I fell inlove with you...
I was fourteen and you were twenty when we lost our connection...
I was fourteen and you were twenty when I decided to break your heart..
I was fourteen and you were twenty when we let go of each other..
I am eighteen and you are twenty four when you said hello
I am eighteen and you are twenty four when you asked "kaya mo na ba akong ipaglaban?"
I am eighteen and you are twenty four when you came back...
five years had passed but my feelings, still the same..
Can we just go back to the time na masaya tayo? Panahon kung saan ikaw at ako lang..
BINABASA MO ANG
Take me Back
RomanceMasaya. Masaya ang magmahal pero paano ba masusuklian ang pagmamahal? Pano ba masasabi na nasa tamang tao ka na? Kapag madami na kayong pinagdaanan? Kapag kinasal na? Is it possible to stop loving kapag nasaktan ka na? Meet Tishara the girl who exp...