Kabanata 4

4 0 0
                                    

Dahil sa sobrang awkward, umalis na ako sa garden at nagmartsa papunta sa kwarto. Kakaiba ang tibok ng puso ko. Para akong tumakbo, kinakapos ng hininga at namumula ang magkabilang pisngi. Nanibago lang siguro ako dahil sa sinabi nya. Tama, nanibago lang ata.

Kinabukasan, nagising ako sa init na dumadampi sa balat ko. Hindi ko pala nasara ang bintana kaya ang init init! Naligo muna ako bago ako bumaba. Nakita ko agad ang parents ko, having their breakfast. Wala ba silang trabaho ngayon?

"Good morning" bati ni mommy sabay halik sa pismgi ko. I also greeted dad at sinuklian naman ako ng tango. Saka ko lang napansin na naroon na naman si Nathan sa tabi ko. I don't know if I will greet him or just snob him. 

"Morning" nagulat ako ng ngitian ako ni Nathan. Yung ngiting parang mabait. Well, wala naman na siguro akong rason para sungitan pa sya. I also greeted him at tinapunan ko ng ngiti bago ako umupo. 

"Mukhang ayos na kayo ni Nathan ha." mom told us in the middle of breakfast. Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot. I think I don't need to say anything. It's already obvious that we are okay now. 

"No work?" I asked them. 

"Honey, it's our vacation. Work is not allowed" dad told me. I almost rolled my eyes pero pinigilan ko lang. 

"Pero nag work kayo nung nakaraang araw ah?" may himig na pagtatampo because before we leave Manila, they told me that there will be no business at all. 

"I'm sorry dear, nagkaroon lang ng emergency but we already told the secretary that we are on leave and we should not be disturb." mom explained it to me. Okay lang naman kung may work sila eh. Lumaki na akong sanay na mawawala sila bigla bigla. 

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang kinakain ko. I don't have anything to do kaya I need to plan na after this. I might stuck here looking for something to do.

"Do you have something to do, anak?" my dad asked me. Sinabi kong wala dahil wala naman talaga akong gagawin maliban na lang sa pagbabasa ng libro or kung aayain nila akong mamasyal. Hindi rin kasi ako mahilig sa social media kapag nasa bakasyon dahil mas gusto kong maging productive at iwasan muna ang social media. 

"Okay, then. We'll go somewhere after lunch?" dad told me. Napatigil ako sa pagkain at tinignan muna sya.

"Where?" I asked. Ngumiti na lang si dad at pinagpatuloy ang pagkain nya. Tbh, excited na ako kaya binilisan ko ang pagkain ko at dumiretso na sa kwarto para mamili ng susuotin ko. 

Teka, anong susuotin ko? I don't have any single idea on where are we going. Hiking? Swimming? Something involves air? 

Sa lalim ng pag-iisip ko, I decided to prepare my leggings and a rust crop top and a denim jacket. I'll wear my 1 piece bikini na lang para if ever, ready ako. 

9:30 palang. Shemmms matagal pa. What should I do??? Kapag excited pa naman, ang tagal ng oras. Kinuha ko na lang librong binabasa ko at dumiretso sa garden. Garden is my favorite spot here in mansion because of its ambiance at talagang tahimik. Naabutan ko si Nathan na nagdidilig na naman ng mga halaman kaya binalewala ko na lang. Naupo na ako sa usual spot ko kaya nakatapat ako sa kanya at nasa likuran ko ang pool. 

Ilang minuto na siguro ang lumipas kaya hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. I need to do something elsd! Nandun parin si Nathan at dumidilig kaya naman iniwan ko ang book ko sa lamesa at lumapit sa kanya. 

"Hi" pagbati ko. Binigyan nya naman ako ng pansin at ngumiti bago itinuon ang atensyon sa mga halaman. Nagtatanim na sya sa ibang bahagi ng garden. Kakatapos lang pala nya mag dilig ng roses. Ngayon ibang bulaklak na naman ang pinagtutuunan nya ng pansin. 

Take me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon