Kabanata 3

5 0 0
                                    

Akala ko bakasyon ang ipinunta ko rito pero parang normal lang naman. Gigising ako na wala ang mga magulang ko tapos matutulog ako ng wala rin sila. Nakalimutan ko na ata na may business din pala sila rito. As usual, nasa garden na naman ako with my book habang tinatanaw si Nathan sa malayo. Hindi ko parin makakalimutan ang inasta nya sakin. Attitude ka kuya? Mas attitude ako!

"Ate patawag nga si Nathan." utos ko sa kasambahay na naglilinis ngayon ng pool. Nagtataka man, sinunod parin nya ang utos ko. Maya-maya pa, nakita ko na si Nathan, papalapit at nakakunot ang noo.

"Gusto ko ng juice at cake." sambit ko. Tinaasan nya lang ako ng kilay at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinaas ko rin ang kilay ko para malaman nya na seryoso ako. Mukha ba akong nagsisinungaling?

"Hindi ako ang utusan mo. May ginagawa ako, hindi mo nakikita?" sa pagsagot nya palang, napaawang na ang bibig ko. Aba tong?!

"Excuse me?" Anong akala nya sakin hindi magtataray? Anong akala nya hindi ko papalampasin to?

Imbes na sundin nya ang utos ko, tumawa lang sya at tinalikuran ako at bumalik sa trabaho nya. Sa sobrang inis ko, binato ko sa kanya ang librong hawak ko. Nakakainis ka!! Sapul sa batok nya ang libro at dahil sa ginawa ko, nangunot ang noo nya only to find out na galit na sya! And so? Pero gumapang ang kaba ko nang magmartsa sya papunta sa direksyon ko. Gusto kong magtago sa likod ni mommy dahil ramdam ko na galit na galit na sya. Seryoso? Para yun lang naman ginawa ko ah?!

"Ano ba talagang problema mo bata ka?" inis na tanong nya sakin. Natatakot man, nagawa ko rin taasan sya ng kilay. Anong karapatan nya na magalit sakin? Sino ba sya??

"Inuutusan kita pero di mo ginawa? Anong gusto mong gawin ko? Matuwa?" sagot ko. Nangunot ang noo nya at mas nakita ko ang pagkairita nya dahil nangangalaiti na nga sya sa galit!

"Hindi ako ang mutsatsa mo." matigas na sambit nya.

"Kung hindi ka lang anak ng amo ng lola ko, baka pinatulan na kita. Ganyan ba talaga kayong mga taga Maynila? Mga walang modo?" dahil sa sinabi nya ako naman ngayon ang nainis. Anong sinabi mo?! Ako, walang modo? Nagpapatawa ba sya? Sa inis ko, nag martsa ako papasok sa mansion at binuhos ang galit ko sa pagkukulong sa kwarto. Akala nya ha?! Akala ko pa naman ang bait bait nya tapos ganun pala sya?! The hell???

It's already lunch time nang kinatok ni Nanay Rosita ang kwarto ko para maglunch. Tinatamad man, bumaba na lang ako dahil gutom na rin ako. Nasa dining area na ako nang nakita ko si Nathan na nasa tabi ng pwesto ko. Nawalan kaagad ako ng gana dahil makakatabi ko sya. Paakyat na sana ako nang magtanong si daddy kung bakit hindi ako umuupo.

"Mamaya na lang dad kapag wala ng busangot na nilalang sa katabi ko ng pwesto KO." sambit ko sabay tapon ng tingin sa lalaking kinaiinisan ko. Tinignan nya naman ako pero palihim naman na umirap!

"Tishara, umupo ka. Now." madiin na sambit ni daddy. Nakipagsukatan muna ako ng tingin kay daddy bago ko binaling ang paningin ko kay Nathan.

"Ah sir, mamaya na lang pala po ako. May kukunin lang po pala ako sa garden nakalimutan kong ayusin." pamamaalam ni Nathan bago sya umalis. Nang narinig ko ang pagsara ng back door, naupo na kaagad ako sa pwesto ko dahil wala ng Nathan ang buraot sa magaganda kong mata.

"Tishara anong ugali yun? Hindi pa nagtatagal mainit na ang dugo mo kay Nathan?" tanong ni dad na may halong galit at inis. Mom hold his hand to calm down. It's so unfair na hindi man lang tinanong ni daddy kung may nagawa ba si Nathan sakin or what. Mas gusto nya ba si Nathan kaysa sakin?

"Dad, iniinis ako ni Nathan. I didn't do something against him. Sya po ang nauna. Ayaw ko sa kanya, ayaw ko sa ugali. I hate him." I saod while pouting my lips.

Take me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon