"Nak gumising kana, diba ngayon yung interview mo don sa kumpanyang a-applyan mo?" Pagkatapos kung marinig yung boses ni mama kusa nalang gumalaw yung kamay ko papunta sa cellphone ko 7:30 'shit'
anak ka ng tokwa dapat kalma lang ako ngayong araw di dapat ako pa petiks petiks ngayong araw dapat magkatrabaho nako para makatulong ako kay mama
"Ma naman bakit ngayon mo lang ako ginising kaasar na cellphone to nag alarm nga di ko naman narinig" bwiset useless pala ang alarm nitong cellphone nato di naman enough para magpagising ng diwa ng taong tulog !
"Wag mo isisi dyan sa cellphone mo kung bakit di ka nagising di naman kasalanan ng cellphone mo na tulog mantika ka, bilisan mo na nakapag handa nako ng almusal na plantsa ko na din susuotin mo para mamaya" sobrang thankful talaga ako kay God binigyan nya ako ng butihing ina
"Thankyou ma! Dabest mama ka talaga !" Binigyan niya lang ako ng pang Miss Universe na ngiti. 'Naks! Ganda ng nanay ko o' manang mana talaga ako dyan,'
Mabilis lang ang pagligo ko mga 15 mins lang at saktong tingin ko sa orasan ay 7:55 palang kaya mabilis akong tumungo sa kusina at kumain kasabay si mama
"Sigurado ka na ba sa papasukan mong trabaho bilang sekretarya? Nakakapagod yan na trabaho anak" mababakas mo sa boses ni mama ang pag-aalala "Naku ma! Wala namang madaling trabaho tyaka malaki yung sahod praktikalan na tayo ma, don tayo sa mabubuhay tayo." Napangiti naman si mama sa sagot ko
"Well nakikita ko talagang matatanggap ka galing mo sumagot e, anak nga kita" nagtawanan lang kami ni mama sa hapag at pagkatapos ko kumain nag toothbrush muna ako at nag mouthwash.
Paalis na sana ako ng madaanan ko yung full body mirror namin sa sala, napangiti nalang ako habang nakatingin sa salamin 'naks! Ganda ko talaga'
Well hindi naman sa nagmamayabang ako maganda talaga ako di ko nga alam kung bakit lalaki ako pinanganak pero yung mukha at katawan ko babaeng babae.
Mana lang siguro talaga ako kay mama, ganda ng nanay ko e. Kung kay papa naman ang namana ko lang sguro sakanya yung kutis nya ang puti ko kasi mas maputi pa nga ako kay papa e.
Kaso wala na sya iniwan na niya kami ni mama, enough with the drama na muna tayo kailangan ko munang pumunta sa GREE o mas kilala bilang Guevarra Real Estate Enterprises
"Allisson Alia Cruz? Wait.... may mali sa binigay mong birth " kasalukuyang nandito ako at ini-interview ng kasalukuyang secretary ng CEO ng GREE kaya pala siya mag re-resign ay ikakasal na pala siya at buntis sya.
"Wait lang po maam paano pong may mali? Tama naman po lahat ng nakalagay po dyan" tinignan ko naman ito kaso wala naman talagang mali, tama naman lahat ng nakasulat? Naguguluhan ako san yung mali?
"Base on your gender here says 'M' or male so dapat pina double check mo muna tong birth certificate mo" napangiti naman ako sa sinabi niya, parati nalang.
Parati nalang talaga ako napagkakamalang tunay na babae, di naman ako long hair actually short hair lang ako pero di padin talaga maiwasan yung about sa gender ko at sa itsura ko.
"Ay maam hehe tama po yan lalaki po ako" nanlaki naman yung mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya
"Seriously? I'm sorry akala ko kasi babae ka mukha kang babae plus your name babaeng babae" nakangiting saad niya
"nag mana lang po talaga ako sa mama ko po hehe tyaka akala po kasi nila na babae po ako nung pinagbubuntis niya palang po ako kaya yun nalang po pinangalan nila sakin" ngumiti nalang ako sakaniya ng awkward
Di padin ako sanay ma compliment na sabihing maganda ako. Nakakahiya padin ewan ko ba pero nasasanay nadin naman ako mabuti pa nga sanayin ko na yung sarili ko.
"Well base on your credentials your good at nakikita ko yung sarili ko sayo nung nagsisimula palang akong magtrabaho dito, kaya tanggap kana. Don't worry before ako aalis dito tuturuan muna kita ng dapat mong gawin, like do's and dont's. Well kasi alam kong may naririnig kana about sa CEO na hindi maganda yung ugali niya, well totoo iyon. But seeing you alam kong kakayanin mo at tyaka pag nagtagal ka sakaniya and you do your job well makaka-asa ka na tataasan niya ang sahod mo" napatango naman ako kasi ang galante pala ng CEO ng GREE na si Greg Lucio Guevarra at totoo pala yung sabi sabi na masungit daw siyang boss. Sana magtagal ako dito myghaaad !!
Pagkatapos ng interview namin ay isinama na niya ako papasok sa isa pang silid actually before ka makapasok sa office ng CEO kailangan mo munang pumasok sa room ng sekretary
At tapos sa loob meron nanamang another door na may nakasulat sa taas na Chief Executive Officer, hindi naman ako kinakabahan kanina sa interview ba't ngayon na ipapakilala ako sa magiging boss ko parang gusto ng lumabas ng puso ko sa kaba.
Hindi naman siguro siya nangangain ng tao diba? Masungit lang naman siguro talaga siya. Ay basta gagawin ko ang lahat di ko lang siya magalit or mainis baka mamaya ipa salvage niya pa'ko e.
"Sir excuse me, this is Allisson Alia Cruz your new secretary here are his files sir and credentials" saad nung sekretary niya kay sir Greg.
'Eto ba yung magiging boss ko? Naks ang pogi kulang yung word na handsome sakaniya because his oozing hot ! That perfect jaw yung tangos ng ilong ang perfect ! Nahiya naman yung maliit kong ilong' Abot abot hanggang langit naman yung kaba ko ng tinitigan niya ako at hindi maalis alis yung tingin niya sakin kaya napayuko nalang ako
"Come again you said 'his'? So he's a man?" Mababakas mo yung pagkalito sa itsura niya, kaya naman pala e mukha ko nanaman napansin alam ko naman na maganda talaga ako sir ! Hekhok !
"Yes sir lalaki po siya actually he's far from being good at tyaka magaling po siya" sabi naman ni miss sekretary 'naks di pa nga ako nakakapag pakitang gilas e na compliment na agad ako ganda ko talaga !' Ako na, ako na mahangin tanggap ko na talaga parte na siya ng buhay ko ang pagiging conceited.
"Well because you said that he's good then it's fine with me. But before that can you leave us for a minute? May mga additional questions lang akong itatanong sakaniya" ani ni sir Greg sa kaniyang sekretary 'wait?!! What?!! Itatanong???!! additional questions?! Walang sali-salita at iniwan na kami ng sekretary niya
wait??!! Iniwan? so it means kami lang dalawa nitong hot na CEO, di pako ready para sa office sex ! Virgin pako ! 'Charot landi ! Akala mo naman papatulan ako niyan mukhang model ng Calvin Klein wew !' Kanina gustong gusto lumabas ng puso ko sa kaba ngayon parang gusto ko nalang himatayin at mawalan ng malay.
"ANG LAPIT NG MUKHA NIYA SA MUKHA KO !!!" mukhang mawawala na talaga saken yung virginity ko myghaaad ba't parang ang bilis !!??
BINABASA MO ANG
He's into him (MPREG)
Romance''Love is not about sex, money, or fame. You can't say to someone 'I love you' when you don't mean it, because love is a sacred thing between two persons who genuinely love each other till death's part them.'' ' I love a person who I know can't love...