Kasalukuyan akong nandito ngayon sa banyo ng kwarto ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Pagka uwi namin galing sa beach nila Sir Jack 2 weeks ago ganito na ang nararamdaman ko, naduduwal ako tapos yung pang amoy ko parang abot hanggang kabilang baranggay napaka sensitive ko ngayon.
Pag tinatanong ko naman si mama, nakangiti lang siya tapos sasabihin niya sakin "Normal lang yan anak" May normal bang parang nasusuka tapos wala naman maisuka puro lang tubig, ni hindi man lang nag aalala sakin si mama.
Di man lang siya nag aalala sakin, pati, pati gamot ayaw niya ako painumin kasi makakasama daw yon.
Ayan nagiging emosyonal nanaman ako, naiiyak nanaman ako. Punyawaaa! ano bang nangyayari sakin?
Di naman ako ganito dati ah?! Tapos dumagdag pa tong si Greg nitong nakaraang araw natitiis na niyang di ako e message or call. Wala nadin kasi akong alam kung humihinga pa'ba siya
Kasi nga diba may sakit ako kaya nag sick leave muna ako pero ang lalaking yon di man lang ako kinakamusta kung okay na'ba ako or ano! Bwesit sya!
Wala man lang kaunting concern sa jowa, ganon talaga yung mga lalaki ano?! Mga sa una lang magaling, pagkatapos makuha ang gusto nila itatapon kana nila na parang basura!
Leche! talaga yung lalaking yon, ito gusto niya ha! sge akala ba niya ako unang mangangamusta sakaniya? Hello! ako kaya yung nagkasakit saming dalawa
Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok
"Pasok!"
Ay si mama lang pala, akala ko yung jowa ko na ghinost ako! peste!
tumabi naman sa akin si mama dito sa higaan, tapos kinapa niya ang tiyan ko, okay ang weird ni mama ngayon anong trip niya? at ng hahawak siya ng tiyan?
"Anong trip yan ma? don't tell me naiinggit ka sa tiyan kong sexy, ayan mag zumba kana kasi tumataba kana! Uso diet mader!"
Baka lang naman kasi di siya na inform! Inform ko lang, baka isipin niya wala akong kwentang anak
"Ano namang kinalaman ng fats ko dito aber?! Gusto lang kitang ayain sa Ob-gyne para ipatingin kung bakit ka naduduwal at ganiyan ka napaka emosyonal mo!" sabi ni mama sakin, hay salamat akala ko kinalimutan nadin niya ako e, tulad ng pagkalimot sakin ng walang hiya kong boyfriend! Madapa sana siya ngayon kung nasan man siya!
"Atlast! akala ko tinakwil mona ako bilang anak mo ma e! akala ko wala kanang paki sakin, maliligo lang ako tapos punta na tayo sa Ob-b-b gyne? Teka ma! bakit sa ob gyne?!"
Curious na tanong ko kay mama, bakit sa Ob-gyne e diba para sa mga buntis yon? Chosera to si mama, anong akala niya porket niluwal niya akong mukhang babae, feeling niya may matres nadin ako? Di ko talaga maintindihan to si mama minsan. Minsan matino pero madalas baliw!
"Dami mo namang tanong madali kana at pumunta na tayo sa doctor!"
sabay tulak sa akin ni mama papuntang banyo
"Oo ma sandali lang naman!"
"Ako na maghahanda ng damit na gagamitin mo mag madali kana!"
Wala talagang makakaligtas dito kay mama
Habang bumabagsak ang tubig sa katawan ko naiisip ko si Greg, naiisip ko kung may nagawa ba akong mali or ano bang nagawa ko para di niya maisip na mangamusta man lang.
Hanggang sa natapos ako sa pagligo na wala ng ibang iniisip kundi si Greg kung kumusta naba siya okay paba siya? humihinga paba siya namimiss ko na yung junjun niya Char! Miss ko lang naman ng very light lang naman
BINABASA MO ANG
He's into him (MPREG)
Romance''Love is not about sex, money, or fame. You can't say to someone 'I love you' when you don't mean it, because love is a sacred thing between two persons who genuinely love each other till death's part them.'' ' I love a person who I know can't love...