5 years later
"Mimiii! Look at what kuya did to my dress! He ruined it!" Maktol ng bunso ko (girl) pagkababa ko papuntang kusina
"It's still 7am in the morning yet your fighting again, I thought your already a big boy and big girl? You don't want me to treat you like a baby, and yet you two acting like a baby" pangaral ko sa dalawang anak ko
I want to spoil them in a different way. I want to spoil them not with luxurious things but my love for them. Hindi kayang sukatin ng mamahaling bagay o ano man ang pagmamahal ko sa dalawang anak ko, kaya hangga't na di-disiplina ko sila gagawin ko. Lumaki lang silang mabait at mapagmahal na mga bata, I want them to be contented sa mga bagay-bagay, tinuturuan ko din silang maging grateful sa mga blessings na natatanggap nila sa pang-araw-araw
"It's her fault mimi, I just told her na wag maghanap ng ibang foods lalo na kung may foods na dito sa lamesa, but she's stomping like a 2 year old kid" sabi ng panganay ko (boy)
Hindi ko mapigilan ma-amazed sa dalawang anak ko, the two of them is just a 4 years old kid going 5 but they talk like they are already 10 years old. Napaka matured nila sa mga bagay-bagay, if you compare their personality my eldest is a straightforward kid, matalino at may isang salita. My youngest yung pangalawa ko naman e hindi ko naman masisi-si kung may pagka maldita ito kasi nga sabi ni mama normal na daw yon kasi nga daw babae, ganon din daw ugali ko nung bata pa ako kaya wag na daw ako magtaka, ang pinagkaiba nga lang babae ang anak ko, e ako may pusong babae. Tyaka akala ko talaga isa lang ang anak ko pero tignan mo nga naman, dalawang anghel ang binigay sakin. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa diyos sa lahat-lahat at kahit kelan hindi niya ako—kami pinabayaan
Napatingin naman ako sa bunso kong anak
"What did mimi tell you hmmm? Kinalimutan mo na ba ang sinabi ni mimi na wag mamimili ng foods? Anak be thankful kasi may food kang nakakain sa araw-araw, yung ibang bata nga walang makain, tapos ikaw namimili kapa ng pagkain" sabi ko sa anak ko
"Sorry po mimi, it's just that I really want to eat pork today." hinging paumanhin ng anak ko
Ito ang gusto ko sa bunso ko, madali lang sakaniya ang humingi ng patawad lalo na pag naisip na niya na siya ang mali. Hindi kasing taas ng Mt. Everest ang pride niya, at proud na proud ako sa mga anak ko
"I accept your apology, say sorry to your kuya, and you say sorry to your sister you still ruined her dress" sabi ko sa mga anak ko
"Sorry kuya I love you"
"I'm sorry and I love you too but please learn to listen we just want the best for you"
Gusto ko namang maiyak ng makita ko kung gaano kamahal ng mga anak ko ang isa't-isa, napaka worth it ng hirap na dinanas ko ng ilang taon, maitaguyod at mabigyan ko lang sila ng masayang pamilya. Alam ko naman na may kulang but I really did my best na punan ang mga pagkukulang na yon
"Are you ready kids? Aye! Aye! Captain"
Nagtinginan naman ang dalawa ng marinig nila ang intro ng Spongebob, sabay naman silang nagtakbuhan papunta ng sala para manuod. Kung opposite man sila, meron at meron talagang isa na magkapareho sila ng gusto, yun ay ang Spongebob. Kaya kapag nag-aaway talaga sila di yon nagtatagal at nagkakabati sila ka agad kasi pag manunuod sila ng Spongebob di nila napapansin na nagpapansinan na pala sila. Kaya ayon bati na sila ulit, it's part of having a sibling.
Masaya kong pinagmamasdan ang mga anak ko habang tumatawa sila sa pinapanuod nila. Napatingin naman ako sa panganay ko. Kamukhang kamukha niya ang ama niya, di muna kailangan ng DNA kasi pagtabihin mo lang sila ni Greg sasabihin muna talagang siya ang tatay, siya ang anak ko na si Alexander Greg Cruz, siya yung tipo ng bata na ayaw mong hamunin sa patalinuhan. Hinding hindi ka niyan aatrasan kung may nagustuhan man ako sa namana ni Alex kay Greg yun ay yung katalinuhan niya
Sa bunso ko naman siya si Gaia Allia Cruz, kinuha ko ang name niya sa pangalan ko Alia, but sakaniya is double 'L' Allia. She's the most sweetest kid you'll ever met, napakasweet niya na at the same time may attitude, pag ayaw niya ayaw niya talaga. Pag ayaw niya sa isang tao, lumalayo yan. Tulad nung naka away niya na classmate niya, tinanong ko siya kung bakit siya lumalayo at lumalabas ng classroom kapag andyan na yung kaaway niya, sasabihin niya lang sakin "I just don't want to breathe the same air with her mimi" oh? Attitude diba? Di naman ako ganiyan e, naremember ko na naging ganiyan ako nung buntis ako. Pero yun na yon nung nakapanganak nako di na naulit yon, but it doesn't change the fact na anak ko siya ma attitude man yan pero nababago yan, pero ang pagmamahal ko sakaniya? Sakanila ng kuya niya, yun yung hinding hindi magbabago.
Nawala naman ang paningin ko sa mga bata ng pumasok si mama, na galing pala ng palengke, kasi ang dami niyang dala na mga isda at kung ano-ano pa e
"O anak diba may meeting ka ngayon?" sabi ni mama pagkapasok niya
"Oo nga pala ma, ang mga bata ma ha, ikaw muna ang bahala sakanila" sabi ko kay mama pagkakuha ko ng bag ko
"Wag mo ng isipin ang mga apo ko, mababait sila at nakikinig naman sila" sabi ni mama
Tinawag ko naman ang mga bata kasi grabe sila kung magtampo kung umaalis ako ng hindi nakakapag paalam sakanila at hindi ko sila nabibigyan ng goodbye kiss
"Mi? Work kana po?" tanong ni Gaia at nagpakarga sakin
"Yes po, work na si mimi para may madami na tayong pera. Anong gusto niyo pasalubong mamaya?" tanong ko sakanila
"Choco Butternut mi! Madami mi ha?" Bulong sakin ni Gaia pero narinig padin ng kuya niya
"Yung enough lang na kaya lang ubusin mi, baka masayang lang mi" sabi sakin ni Alex
"Takaw mo nga kumain ng ChocoButterNut kuya e, minsan nga di ako nakaka-kain kasi di moko tinitirhan" Sabay irap ni Gaia sa kuya niya
"Anong hindi tinitirhan? Tinitirhan kaya kita inuubos lang ni lola, kasi laro ka ng laro" at ayon na nga nadamay na ang lola nila sa away nila.
"O! Wag na mag away, basta bibili si mimi para sa inyo make sure na mauubos ha? Masamang magtapon o magsayang ng pagkain" sabi ko sakanila
Binaba ko na si Gaia at humalik na sila sa akin isa-isa
"Ingat ka mi!" sigaw ng dalawa bago ako pumasok sa sasakyan ko
Yes may sasakyan na ako, if curious kayo kung ano ang trabaho ko? Isa padin akong secretary, ewan ko'ba pero parang para sakin talaga tong trabahong to, kasi nung kailangan ko na talagang magtrabaho puro secretary lang ang hiring
"You two also! Wag mag-aaway okay? Wag niyo stress-in lola niyo"
Tumango naman ang dalawa at pumasok na sa loob
Dali dali naman akong sumakay sa sasakyan ko at ma le-late nako sa meeting ng boss ko sa bagong investor ng company, dahil nadin sa tagal kong pagtratrabaho sa kumpaniya ay eto nabigyan ako ng sasakyan at malaki nadin ang sweldo ko, enough na para mabuhay ko ang dalawang anak ko. Habang maaga palang nag se-save nadin ako ng pera para sa pag aaral nila sa kolehiyo, gusto kong dumating ang araw na wala na silang pro-problemahin, hanggang kaya ko, ako ang gagawa at maghihirap para sakanila at sa kinabukasan nila
Ng dumating ako sa kumpaniya, laking tuwa ko ng walang nag iintay sa elevator, kung siniswerte ka nga naman, ako lang mag-isa makakasakay sa elevator, ng makasakay na ako at pasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang may kamay na humarang at bumukas ulit ito
Gusto ko naman lumabas ng elevator ng mapagtanto ko kung sino ang humarang at kung sino ang taong yun ay walang iba kundi si..............................
GREG GUEVARRA ang tatay ng mga anak ko, anong ginagawa niya dito sa Davao?!!!!!!!!!!!!
**********************
It's been 2days sinusubukan kong mag update pero mahal ata ako ng PLDT, mahal na mahal ako ng internet connection nila kaya puro nalang connecting ang ganap, sa mga nag antay sorry po pero ito napo enjoy and keepsafe always 🥰❤️
BINABASA MO ANG
He's into him (MPREG)
Storie d'amore''Love is not about sex, money, or fame. You can't say to someone 'I love you' when you don't mean it, because love is a sacred thing between two persons who genuinely love each other till death's part them.'' ' I love a person who I know can't love...