"O anak saan ka pupunta?" tanong sakin ni mama, paalis na kasi ako ngayon papunta sa date daw namin ni Greg
Siguro ito nadin ang tamang oras para sabihin ko kay mama ang samin ni Greg na balak ko nadin siyang sagutin ngayon
Ginayak ko munang umupo si mama at ng maka upo na kami pareho ay don kuna sinabi ang pakay ko
"Ma, may sasabihin ako pero wag kang mabibigla"
"Ano ba yon anak? May HIV kaba?" gusto ko namang hampasin si mama ng unan na hawak ko dito sa sofa ng dahil sa sinabi niya
"Ma naman! Patapusin mo muna kasi ako! Tyaka bakit naman ako mag kaka HIV wala nga akong jowa, Virgin pako motheeeeeer! Dapat maging proud kapa nga sakin kasi hanggang ngayon nasa akin padin ang V-Card ko!"
"Ang seryoso mo naman kasi makipag usap sakin anak, bakit may tatanan naba sayo?" para akong mabibilaukan ng sarili kong laway sa sinabi ni mama, sagutin ko na kaya ng OO? Don din naman ata punta namin ni My Loves e!
"Di yon ma wag kang excited! Tanan agad di ba pwedeng jowa jowa muna tyaka na tanan pag sure na baka mamaya pag naghiwalay kami uuwi lang din ako dito ulit, mas maganda na yong sigurado no!" Tama naman ako diba? Wag tayo magpadalos dalos sa mga desisisyon natin sa buhay pag isipan natin ng maigi bago tayo pumasok sa isang sitwasyon na alam nating mahihirapan tayong makalabas
" So parang ganon na nga dahil sa lalaki, sino naman yan aber yung gwapong lalaki ba na pumunta dito dati yung boss mo ba anak?!" Di ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa inaakto ng nanay ko, para siyang nanalo ng lotto excited na excited siya sa sagot na sasabihin ko
" Ma, oa na masyado reaction mo. Akala mo naman magiging manugang mo si Jinkee Pacquiao sa inaakto mo kumalma ka, pero totoo ma, yong lalaking pumunta dito yung boss ko? Nanliligaw siya sakin ma. Balak ko nadin siyang sagutin ngayon."
"Kelan pa?" tanong ni mama
"Anong kelan pa, ma?"
"Kelan, kelan pa siya nagsimulang manligaw sayo?"
"Mag lilimang buwan na siguro ma" di naman ako naka ilag sa batok ni mama
"Aray ko naman ma! Para saan naman yon?!"
"Para yon sayo anak! Antanga mo naman kasi e pinatagal mo pa ng ganon katagal edi sana ngayon may magagandang gamit na tayo dito sa bahay, balita ko isa siya sa mayayaman dito sa Pilipinas e"
Parang gusto kong itakwil tong nanay ko, di ko alam kong nanay ko ba talaga to o ampon, chars!
"Ma naman! Magseryoso ka nga mama! Baka isipin nong tao pera lang habol natin sakaniya. Mahal ko yon kahit ganon yon! Kahit napaka seloso non mahal ko yon di masusukat ng pera yung pagkagusto ko don, plus points nalang yong pera niyang di maubos ubos"
" Binibiro lang kita anak, gusto ko lang naman ipaalam sayo na andito ako na mama mo susuportahan ka sa kahit anong gusto mo. Mahal na mahal ka ni mama ha? Yan ang tatandaan mo, kaya kung mahal mo at mahal ka edi GO! Wag na wag ka lang niyan sasaktan anak, kasi kahit gaano pa siya kayaman wala akong pakialam isasangag ko talaga siya"
Napayakap naman ako sa sinabi ni mama, ang swerte ko naman sa mama ko. Kahit abnoy yan kung mag isip minsan pero mahal na mahal ko yan at alam ng diyos na handa kong ibigay lahat para sakaniya
"Thankyou ma, pero wag mo naman siyang isangag ma, nakakatakot ka naman e. Adobohin mo lang."
Babatukan nanaman sana ako ni mama ng maka alis ako sa yakap niya at naka iwas ako sa batok niya
"Ikaw talagang bata ka! Madali kana wag mong paghintayin yong manliligaw mo, teka dalahin mo'to proteksyon to" Ano daw proteksyon? Bakit ko naman kailangan ng proteksyon di naman aswang yung kikitain ko? Di ko talaga ma gets si mama
Ng makabalik si mama galing sa ewan ko kung saan siya pumunta, laking gulat ko sa binigay niyang proteksyon daw kuno! Isang Condom!
"Ma naman! Anong gagawin ko dito? first day as magjowa palang kami tapos jugjugan na agad, tyaka bakit ka may ganito mama?! Nagdadala kaba ng lalaki dito sa bahay kapag wala ako?!"
"Hindi ayuda yan ni Capt sa Baranggay madaming box nga ang ibinigay e, dumadami kasi yung mga nabubuntis sa lugar natin"
Gusto kong hampasin yung noo ko sa narinig ko kay mama, nanay ko ba talaga to o hindi? Sabihin niyo nga sakin
"Ma naman! Mukha ba akong mabubuntis? Wala akong matres mama, wala din akong vajayjay! Di ko na kailangan niyan!" Ano naman kasing gagawin ko dyan sa Condom baka pag makita ni Greg yan ma turn off yon sakin baka isipin niya kung hindi pera yung gusto ko sakaniya baka ang isipin niya jugjugan lang gusto ko
Well isa nadin yon sa mga gusto ko, kung bakit ko siya sasagutin pero di dahil don no! Well sge sabihin na natin very light lang siguro mga 75%
"Sus anak basta wag kana madaming reklamo, importante ang safe sex! Dalahin mo yan,! Baka pag uwi mo dalawa na kayong uuwi dito sa bahay"
"Mother! May sariling bahay yon si Greg! Di na kailangan dito pa siya umuwi"
"Ang slow mo anak bahala ka! Alis na" sabay taboy niya sakin palabas ng pinto
Slow ako? Diba sabi niya dalawa kami uuwi? E bakit naman uuwi si Greg dito may sariling bahay naman yon mas malaki pa nga sa bahay nato e. Kayo na gets niyo ba sinasabi ng nanay ko?
Kung na gets ninyo paki pm nalang po ako paki explain nadin po in detailed!!
Muntikan naman akong mapatalon sa gulat ng may taxing bumusina sa harapan ko, grabe si koya oh! Di ba pwedeng magtanong kelangan bumusina talaga?
"Miss sasakay ka?" sabi ni kuyang driver
Hala siya sige patawarin, tinawag akong Miss e
"Opo manong, sa may Bizarre Cuisine lang po"
After ilang minutong biyahe ay nakarating nadin ako sa meeting place namin
Pero laking gulat ko ng..............
BINABASA MO ANG
He's into him (MPREG)
Romance''Love is not about sex, money, or fame. You can't say to someone 'I love you' when you don't mean it, because love is a sacred thing between two persons who genuinely love each other till death's part them.'' ' I love a person who I know can't love...