"Morning." Bati ko seatmate ko. Wala ako sa mood pumasok ngayon diko alam kung bakit hayst.
"Good morning Class... blah blah blah" Yung prof namin dumating na, boring nanaman discussion nito hayst.
Naka ilang buntong hininga naba ako?
Napakalungkot ko ngayong araw may mga bagay talagang pilit mong nilalayo sarili mo sa kalungkutan pero kusang lumalapit lungkot dimo naman Ito maiwasan , nag-pasya ako na tumingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ko ang mga ibon kung pano gumawa ng kanilang pugad.
" Mr. Sebastian? Mr. Sebastian? MR. SEBASTIAN!!!" Nagulat ako sa sigaw ng prof ko kaya napatayo ako bigla.
"S-sir? P-present Sir!" Sagot ko bigla. Nagtawanan mga classmates ko, diko alam kung bakit.
"Oyyy wala ka sa hulog Reb' anyare sayo? tinatanong ni Sir kung nakapagpasa kana daw ba ng Report..." Sabi nung katabi ko.
"Ahh o-opo S-sir nagpasa napo..." tugon ko.
Nakakahiya buset kaya umupo nalang ulit ako at nilabas yung Notes ko dahil mahabang discussion nanaman to.
Lumipas ang oras na wala akong ganang mag aral, di ako nakakasagot sa mga recitation o nakakasabay sa mga lessons kaya lagi akong napapagalitan ng mga prof namin.
"Mr. Sebastian.... Tara na Canteen!" Sabi ng tropa ko...diko Alam kung pang-ilang beses nang tinawag yung last name ko. Napa buntong hininga nalang ako at niligpit yung gamit ko.
Nasa canteen kami ngayon nag order lang ako ng Sandwich at Apple juice dahil wala akong ganang kumain... Busy ako sa pag kain nang makita ko si Zoe papasok ng Canteen kasama si Steve... Tatawagin ko sana siya kaso naalala ko yung mga sinabi niya nung nakaraang araw...pinagmamasdan ko lang silang dalawa hanggang sa makaupo sila sa dulo... Hindi ko na inalintana yung mga kasama ko dahil may sarili silang mundo...
Napag-desisyonan ko na pumunta ng Library tutal may natitirang oras pako. Hindi ko inaasan na madadaanan ko pala sila palabas ng Canteen, walang ibang daanan bukod doon kaya wala akong magagawa kundi dumaan don.
Kinuha kona yung bag ko at nag paalam sa tropa ko na sasaglit lang ako sa library. Sinuot ko yung Earphones ko at dumaan sa harap nila na walang ano mang lingon lingon, pero nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin si Zoe... at nakita kong tatawagin nya sana ako pero di niya ito tinuloy.
Nang ako'y makarating sa library napagdesisyonan ko magreview dahil may Long Quiz kami mamaya ,nasa kalagitnaan nako ng pagbabasa ng may bumukas ng pintuan kaya napatingin ako kung sino iyon.
"Zoe..." Bulong ko kaya napatayo ako at nagtago sa mga bookshelves para di nya ako makita. Kabobohan ko naiwan ko bag ko sa table buset!
Pinagmasdan ko siya na para bang may hinahanap ngunit may bahid na lungkot sa kanyang mga mata. Hindi siya umaalis sa pwesto niya ng ilang minuto nililibot niya lang ang kanyang paningin na wari ba'y may hinahanap kung saan. Nakita kong nilabas niya yung phone niya at may sinabi sa librarian at lumabas ng Silid.
Bumalik ako sa upuan ko at niligpit ko na yung mga gamit ko at nilabas ko yung library Card ko para hiramin yung libro...
"Mrs.Vazquez this book pls..." Binigay ko yung Library Card ko at nag fill-up ako LogBook at umalis. Lalabas na sana ako ng maalala ko kung ano yung sinabi sakanya ni Zoe...
"Mrs. Vazquez? " Lingon ko dito.
"Yes Iho?" Tugon nito, pero may kung ano saakin na pumipigil sa sarili ko na itanong ang bagay na iyon...
"M-maraming Salamat po!" Sabi ko at dali-dali akong lumabas.
***
Natapos ang klase at labis akong natuwa dahil uwian na... nakasagot naman ako sa Quiz namin kanina.
"Reb!"
Lalabas na sana ako nang may tumawag sa sakin... napalingon ako kung sino yon.
"Oh? Bakit?" Tugon ko dito.
"Tara Gala, Kain tayo diyan sa tapat ng University... Bagong bukas ehh unli Rice, Soup, Gravy, at juice daw" Sabi ni Mark. Yung tropa ko.
"Hindi na gala yun! diyan lang pala sa tapat ehh kaltokin kita diyan eh... Tara! Gutom din ako.." Sabi ko dito.
Sabay sabay kaming lumabas ng tropa ko papunta don sa sinasabi nilang bagong bukas na Kainan, Nagutom ako sa Quiz namin kanina tapos nag sandwich lang pala ako nung breaktime..
Palabas na sana kami ng matanawan namin sa Gate sila Zoe palabas nadin kasama niya yung mga classmates niya at si Steve.
"Ms. Serenio Musta?" Diko alam gagawin ko kaya napasabi ako non, at diko din alam kung bakit ko nasabi yon...narinig ko bulungan yung mga classmates niya at yung mga tropa ko.
"O-okay lang D-danreb" utal nitong sabi. nakita kong umakbay yung Jowa nya sakanya kaya nakapag desisyonan ko na magpaalam na..
"Good to hear Ms. Serenio, mauuna na kami... Steve una na kami" Sabi ko, at tinanguan lang kami nung Steve' sarap sapakin kaya tinanguan ko nalang din siya...
Habang papasok kami sa Kainan para mag-hanap ng mauupuan hetong Mark nato tanong ng tanong...
"Oyyy Reb anyare sainyo ni Zoe? diba magkaibigan kayo'? parang magkapatid nanga kayo' eh bat may pa Ms. Serenio na ganap kanina?" Sabi nitong Buset.
"Ayun! doon sa gilid malapit sa aircon sakto saatin may dalawa pang sobra!" sabi ng isa naming tropa na si Kevin. "Thanks Kevin..." bulong ko, kinindatan lang ako ng mokong.
Lumapit na samin yung waitress at binigay yung Menu...
"Uhmmm Miss sakin Isang Chicken Liver " order ko sa waitress at nilista na niya sa papel... at ganun din ang mga mokong nagsi-order nadin.
Nilabas ko yung phone ko para mag basa-basa muna saglit habang nag hihintay ng order... Hetong mga mokong nato may sarili nanamang mundo kaya diko na pinansin.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko nakarinig ako ng pagbukas ng pinto dahil may bell doon Kung saan malalaman mo kung may papasok man o lalabas , pero diko nalang pinansin dahil baka may lumabas lang na customers.
"Danreb... Danreb.... Danreb..." bulong ni Mark sakin pero diko siya pinapansin.
" Hey! dito din pala kayo' dapat pala sumabay napala kami sainyo..." Nabingi ako sa narinig ko, napatitig ako ng ilang segundo sa phone ko...
"Zoe! Dito nalang kayo' umupo ni Steve tutal may bakante pang dalawa!" Sabi ni Shy... di padin ako umiimik.
"Ayos lang ba?" Tanong ni Zoe.
"Reb ano ayos lang ba daw?" Sabi ni Kev, at yun nayung time para umangat yung tingin ko sa kanilang dalawa...
"Oo naman." Ngiti ko dito at bumalik na yung tingin ko sa ko phone... buti nalang malayo ako sakanila, lumapit yung waitress para kunin order nila, Hetong Shy at Zoe nag kwe-kwentuhan tungkol sa relasyon nila ni Steve, kung kailan sila naging mag-jowa at pano sila nagkakilala. Heto namang si Kev at Mark nakikipag kwentuhan naman sila kay Steve diko alam tungkol saan.
To be honest Wala naman ako problema sa pag-jojowa ni Zoe pero meron sakin na ayaw ko, kasi may kutob akong sasakatan lang siya ni Steve.
Dumating na yung Order namin kaya diko na sila pinagtuunan ng pansin Halos sabay lang dumating yung Order namin saka yung kanila kaya sabay sabay kaming kumain pero diko inaasahan yung maririnig ko...
"Steve alam mo ba? Magka-babata yang si Danreb at Zoe?"
_________________________________________
:>>>