"Zoe! Zoe! Zoe! Ayos kalang?!" nakita ko sya di kalayuan sa Kainan na nakaupo sa Waiting Shed na mag isa at iyak ng iyak...Niyakap ko sya ng mahigpit nakikita ko sa kanyang mga mata na pagod na pagod kadahilanan narin siguro na kanina pa umiiyak...
Iyak lang sya ng iyak sa balikat ko hanggang sa ito ay makatulog... diko alam pano ko sya mauuwi... kaya nag tumawag ako kay Ate Kate para mag pasundo dito... buti nalang gising pa syaa...
Pinagmasdan ko ang walang muang na prinsesa ko na mahimbing na natutulog. "Bukas nalang kita kakaltukan ha... apaka pasaway mo padin hanggang ngayon Zoetot..." Bulong ko dito habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay... "Ano ba kasi ginagawa mo hayst! namiss kit--" bigla syang gumalaw...
"Steve? Steve? Ikaw bayan?"Nakapikit nitong tawag sa kanyang nobyo...
"Shhhh...." pagtatahan ko dito..
"B-buti b-binalikan mo ko dito... takot na takot ako S-steve" hagulgol nito... napahigpit yung hawak ko sa phone sa galit... dikita mapapatawad Steve sa ginawa mo kay Zoe!
Dumating na si Ate Kate at tinulungan nyako buhatin yung bag nya pinagbukasan ako ni ate at inalalayan yung ulo ni Zoe at inihiga ko sya saaking hita para hindi sya mahirapan...
"Rebby musta na si Zoe?" Tanong ni Ate..
"Okay namn sya Teh napagod lang... sa bahay na tayo dumiretso, doon muna sya matutulog..." Tugon ko dito ngunit may bahid na galit saaking boses at di nako magugulat kung di mapapansin ni ate yon.
" Ano nanamn yang mukhang yan Reb?! " Sabi nito..
"Magdrive kana nga lang dyan Ate!" Sagot dito... Hindi kita mapapatawad mokong Steve ka hintayin mo yung gagawin ko sayo...
Nakarating kami ng bahay at nakita ko si Mom at Dad na nasa sala, nagtaka ako bat gising pa sila anong oras na 4:00 am... Tinulungan ako ni Dad buhatin si Zoe at dinala sa may Guest room at sumunod si manang na may dalang mga damit at pang linis ng sugat... Bumaba muna ako para uminom ng tubig...
"Reb Son? bakit dimo sinabi sakin na pupuntahan mo si Zoe? para masamahan man lang Kita.." Sabi ni Dad na may pag-aalala sa boses.
" It's okay Dad importante nahanap kona si Zoe.." tugon ko dito. Tinapik nya ang aking braso at umalis na sa kusina...
Umakyat nako at pinuntahan sa Guest Room si Zoe kung okay naba sya... pinagmasdan ko sya... Maaliwalas na ang kanyang mukha at maayos nadin ang pagkaka-bandage ng sugat nya...
"Hayaan mo Zoe... Hindi na makakalapit sayo si Steve" Bulong ko dito at inayos ang pagkakakumot ko sa kanya' at lumabas...
"Hello po Tita Claire? nahanap kona po si Zoe dito kona po muna sya matutulog kung pwede.." Tinawagan ko Yung mommy ni Zoe ...
[Reb nak? kamusta namn baby ko? may nangyare ba sakanyang masama? kaya di nakakasagot nang tawag ko?] Taranta nitong sabi...
"Wag napo kayo' mag alala maayos napo sya ngayon kailangan nya lang po magpahinga... siguro po' sya nalang po tanungin nyo Kung anong nangyare Tita..." Sagot ko dito, narinig ko ang paghinahon ng boses sa kabilang linya.
[Sige Reb maraming salamat talaga... alagaan mo yung baby ko...] mahinahon nitong sambit.
"Opo tita kayo' din po magpahinga na, alam kopong pagod din po kayo' kakacontact kay Zoe at sa mga kaibigan nya" Sabi ko dito at pinutol na ang linya...
Nagtungo nako sa Kwarto ko at nagshower saglit at humiga na... habang nakatitig sa kisame nakikita ko ang mukha ni Zoe na iyak ng iyak sa Waiting Shed na wari'y nawawalang bata... hayaan mo Zoe igaganti kita...
***
"Rebbyyyyyyyy Goooodddmooorningggg!!!" Ang ingay! buset sino ba Yun?!
"Rebby gising na ready na yung breakfast for us!" Napabangod ako bigla sa gulat oo nga pala nandito pala si Zoe... naitulak ko tuloy sya dahil wala akong suot na pangtaas at naka Boxer Short lang ako...
"Labas'." Sabi ko.
"Nahihiya sya.... nakita kona yan nung mga bata pa tayo..." Asar nito sakin at sabay tawa ng malakas.. namula yung pisngi ko
"Sabing Labas' Ehh!!" Sigaw ko dito..
"Oo napo junjun lalabas na pfft..." Sabay takbo palabas ng kwarto ko. Buset nakakahiya bat diko ba kasi nilock yung pintuan haystt! "Junjun Amputah" bulong ko.
Nag toothbrush ako saglit at naghilamos at nag suot nang pantaas at nagpalit ng pangbaba na Kaki shorts na kulay Gray... dinako naligo' naligo namn nako kagabi at wala namng pasok ngayon kasi Saturday...
Pagkababa ko nakita ko sila Mom, Dad and Ate sa dining... at si Zoe na kakapasok lang galing sa loob ng kusina kasama si manang...
"Morning." Bati ko sa kanila at umupo sa bandang dulo...
"Morning Baby ko..." Bati sakin ni Mom... hayst ang laki laki kona Baby padin tawag. tss...
"Zoe okay kana ba Iha? Saan kaba nagpunta kagabi bat Wala kang malay..." usisa ni Mom.. Tss..
"A-ah k-kasi po Tita---" "Mom sinundo ko sya sa bahay ng Classmates nya... kaya walang malay nakatulog sa byahe nung nagpasundo ako kay Ate..." ako na nag Sabi dahil alam kong ayaw nyang malaman yung nangyari...
"Ahhh osige iha... Reb! magtabi kayo' dyan ni Zoe " Sambit nito... kaya umusog ako ng kaunti para makatabi sya saakin... nakita ko si ate na parang timang na nakatingin saakin...
"Mom? ang totoo po-- Aray! Reb!" Sigaw nito sakin pagkatapos ko syang sipain sa ilalim ng mesa mag susumbong ka pa ahhh... Sinamaan ko sya ng tingin at nginuso si Zoe nang palihim. "Ang totoo po kaya nagpasundo si Reb kasi wala nang masakyang Bus" Tuloy nitong sabi ... sabay irap sakin...
Natapos na kaming kumain at napag-desisyonan ko na tanungin si Zoe sa nangyare... maski may Idea nako kung ano talaga nangyare sakanya... niyaya ko sya mag punta sa may Swing sa garden para makapag usap...
"Zoe? ano nangyare kagabi?" Tanong ko dito habang tinutulak ko sya para gumalaw yung Swing...
"Wala yon Rebby! ano kaba!" Diko makita yung mukha nya pero ramdam ko Yung lungkot nya...
"Zoee... kababata kita alam ko kung kailan ka di nagsasabi ng totoo." sambit ko dito..
"Uhmmm alam mo Reb diko alam bat ang nagpapaka-tanga pako Kay Steve hehe... ilang beses kona syang nakitang magloko pero nagbulagbulagan lang ako ako...Kasi Mahal ko sya Reb at handa akong tanggapin at magbulagbulagan para di nyako iwan..." narinig ko syang humikbi kaya pumunta ako sa harap nya..
"Shhhh... tahan na... Eh anong nangyare kagabi?" tanong kopa dito..
"Sabi nya magbabayad sya saglit ng kinainan namin at babalik daw sya agad at ihahatid nyako sa bahay... tapos ang tagal ko nang naghihintay sinubukan kong tawagan cellphone nya pero di nya sinasagot kaya nagtext ako... sabi ko 'asan na sya apaka layo namn ng Cashier para tumagal sya ng ganon... tapos nag reply sya na may emergency daw di na daw sya nakapagpaalam... kaya ayun nagtext ako na 'Osige hihintayin kita dito kasi ihahatid mopa ako' hanggang sa mag sarado na yung Kainan kaya lumabas nako at hinintay nalang sya sa Waiting Shed..." Hagulgol nitong sabi...
"Bat dimo sinasagot mga text at call ni Mommy mo... pinag alala mo si Tita lagot ka..." tanong ko dito at pananakot.
"Kasi.... alam kong magagalit si mommy sa oras na malaman niyang si Steve yung dahilan" Sagot nito...
"Eh ano balak mo?" tanong ko ulit...
_________________________________________
:<<