"Reebbb! hintayin moko!"
"Aishhh ang bagal mo naman! dalian mo!" reklamo ko dito. Ang bagal naman kasing tumakbo naka takong pa! alam namang Fun run toh.
"Ehh kasi naman ehh sakit na ng paa ko..." tugon nito.
"Bat kasi nagtakong ka! ang arte mo bwiset!" Inis kong sabi.
"Bat nagagalit ka?! ikaw ba nahihirapan ha! ha!" Tinignan ko paa nya. pft. may paltos na.
"Okay fine." binigay ko yung tumbler ko dahil wala syang dalang tubig! tinignan ko paa nya... puro paltos na kaya pumunta ako sa tindahan sa malapit para bumili ng band-aid. Umupo kami sa gatter
"Akin na." sabi ko sakanya.
"Oh! umiinom pa yung Tao eh bastos toh!" Napasapo ako ng noo ko.
"Yung paa mo. Tigil tigilan mo nga yang pagsusungit mo!" Dahan dahan kong hinubad yung sapatos nya at nilagay ko yung band aid sa part ng may paltos.
"Thank you." mahina nitong sabi. nahiya pa ang buset.
"Sa susunod kasi Nathalie Kate Elipian! magrubber shoes ka po ha... jusko saka hindi uubra yang sungit mo sakin kaltukan kita." Hayst
"Alam ko namn yon Reb ehh... sorry nanga po ehh" Wow isang Nathalie Kate Elipian nags-sorry... bakit koba to naging kaibigan!
*Flashback*
"Okay class may transferee tayo" Sabi ng prof ko... tss. diko nalang pinansin ... nakasalumbaba akong nakatingin lang ako sa bintana ng...
"Magpakilala kana Iha."
"Hi. Nathalie Kate Elipian" Sabi nito. parang familiar Yung boses kaya napalingon ako sa harapan.
"Ikaw! Ikaw nanamn!" sabay naming sabi. nagbulungan mga klasmeyt ko lalo na mga tropa ko...
"Reb pst. diba sya yung babae kahapon?" tanong ni Mark sa likod ko. tinanguan kolang sya.
"Mr. Sebastian magkakilala kayo?" tanong ng prof namin.
"Uhmm dipo Sir." tugon ko dito.
"Anong Hindi! ikaw yung bumunggo sakin kahapon tapos sasabihin mong dimo ko kilala!" Reklamo ni Girl sungit.
"Stop! Ms. Elipian umupo kana" nakita ko syang umirap tss. Ang tapang at minamalas nga naman sa tabi kong upuan walang nakaupo... padabog syang umupo kaya nagsitinginan mga klasmeyt ko.
"Ms. Elipian may problema ba?" Tanong ng prof namin.
"Nothing Sir. Sorry to disturb you." Ngiti neto.
***
Lunch na kaya nagyaya na mga tropa kong pumunta sa canteen..."Danreb! tara na baka wala na tayong maupuan sa Canteen madaming kakain ngayon don." tawag sakin ni Kev. tinanguan kolang sya at tumayo nako sabay kuha ng mga gamit ko.
Nagorder ako ng Carbonara at Apple juice dahil lunch naman at usual sa dating pwesto kami.
Sa malayo nakita ko si Zoe na papasok sa canteen kasama nanamn si Steve pero nakita ko din si Nathalie kasunod nila... nang makapasok na sila sa canteen...
"Nathalie! Dito ka nalang! may isa pang bakante dito!" Sigaw ko kaya nagulat yung mga tropa ko sa inasta ko.
"Baket?" tanong ko sa kanila.
"Reb ikaw ba yan?" tanong nila. Kasi sanay silang hindi ako nangiingay Lalo na ayaw ko ng atensyon at lalo nang sisigaw dito sa canteen.
Tinanguan kami ni Nathalie at nag order na ng pagkain nya. nakita ko namang lumingon din si Zoe sa gawi namin at nakita ko yon sabay lingon sa likod nila kung saan nandoon si Nathalie at muling tumingin sa gawi namin at nagtama ang mga mata namin... ngumiti ito saakin...