Umasa at Pinaasa

69 6 2
                                    

Umasa at Pinaasa

Itoy yung mga taong pinagtagpo lang pero di itinadhana
Ang sakit noh? Yung akala mo siya na
Pero di pa pala
Akala mo mahal ka pero pinakilig ka lang pala

Minsan di mo namamalayan
Dahil ikay nag bubulag-bulagan
Nag bubulag -bulagan ka sa kanyang mga kasinungalingan
Na kahit alam mo sa sarili mo na di mo na maintindihan

Ito yung nararanasan ngayon ng mga kabataan,
Yung tipong pinakilig kalang na fall ka naman,
Yung sinabi lang sayong mahal ka naniwala ka naman,
Yung tipong habang kilig na kilig ka pinag titripan ka lang pala

Akala mo andun na,
Yung akala mong may label na
Yung meron ng titulo
Yung kayong dalawa
Yung akala mong kayo na pero di pa pala

Mahirap umasa,
Yung tipong pag gising mo sa umaga,
Andiyan na naman Ang salitang "aasa"
Yung aasa ka kahit na nasasaktan kana

Masakit yung umasa ka,
Pero mas masakit yata Yung pinaasa ka,
Wala eh di ka naman kasi ganun kahalaga,
Di ka naman kasi ganun ka importante para piliin nya

Di mo alam na ginagamit ka lang  pala,
Yung tipong Kung kelan hulog na hulog kana,
Dun naman sya mawawala

Umaasa ka?
Umaasa ka na naman?
Aasa ka na naman kahit alam mong masasaktan ka lang,
Hanggang kelan kaba aasa?

Di mo ba makitang di ikaw yung gusto nya?
Di mo ba makitang di ikaw yung kailangan nya?,
Dahil di naman kasi ikaw yung taong mahal nya

Kahit masakit , itigil mo na,
Wala eh ganun kasi ata talaga
Sasaya ka lang saglit tapos iiyak kana,
Magagawa mo? eh madaya ang tadhana

Di mo naman masisisi ang sarili mo
Nagmahal ka lang naman sa isang paasang tao,
Malas mo eh kasi mukhang ikaw lang Ang tinamaan ng pana ni kupido,
Sa huli'y ikaw Lang ang  talo

Umasa ka?,
Pinaasa ka?
Iisa lang naman yang masakit,
Kaso dumoble nga Lang yung  sakit

Mahalin mo muna siguro yung sarili mo
Tignan mo  kung ano yung mali sayo,
Kung may mali sayo, edi baguhin mo ,
Tapos pag okay kana, taas noo mong ipakita sa kanya
Kung ano yung  sinayang nya

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon