Buhay Ng Isang Lapis
Ang buhay natin ay parang iginuguhit ng lapis
Sariling sikap sariling sulat dahil yun ang ating nais
Mistulang lapis
Hindi makapag malabisLapis na may pambura
Upang ang mga mali ay maitama
Pero tulad ng lapis, kapag ang sulat ay diniinan
Hindi na gaano mabura at nakikita parin naman.Nakikita ang mga mali na ginagawa natin sa ating buhay
Dinidiinan natin ang ating mga pagkakamaling tunay
Pero hinay-hinay sa pagbura
Baka ang papel na ating sinulatan ay masiraAt ang mali na ating naumpisahan
Madagdagan ng isa pang kamalian
Kaya't ang paggamit ng lapis ay dapat
Mahinahon lamang upang sapatUpang sapat ang maitala
Sapat kung sakali na ito'y mabura
Totoo na ang lapis ay minsan nananakaw
Simula pagkabata natin ilang lapis na ang sayo ay naagaw.Parang kinabukasan natin na mistulang lapis na nakuha
ng iba na walang pakialam
Kundi sarili lamang at sa bandang huli tayo ay parang lapis din talaga
Buhay natin ay mauubos din diba
Sa ka-katasa natin sa sariling isip at salitaNa isinusulat natin gamit ang lapis
At tinatama gamit ang pambura
Bandang huli, lapis 'pag lumiit na ng lumiit
Pati pambura naubos na at naging yagitMagtatapos na ang pakinabang ng isa nating lapis
Sa ala-ala na lang tayo lumihis
Sa obra ng buhay natin bilang isang Lapis
Ay hindi sa kapwa nagmamalabis